IBWTCG Nineteen

8.3K 234 32
                                    

IN BED WITH THE CAMPUS GAY

CHAPTER 19

"Kasalukuyang rumaragasa ang malakas na hangin at ulan sa kabisayaan dahil sa Bagyong Mario na tatama dito ilang oras lang mula ngayon"

Napakamot nalang ng noo si Mirasol nang marinig ang breaking news about sa bagyo sa visayas.

"Hon naman! Bat di mo sinabing may bagyo pala ngayon?" Nakabusangot niyang tanong sa asawa, na karga ang baby nilang si Mandy.

"Sorry na hon, di ko din naman alam na may bagyo ngayon" pangangatwiran nito.

"Excited pa naman ako ngayon! Kaso ayan! Hindi pwedeng mag byahe doon dahil sa bagyo!" parang bata na pagmamaktol nito.

"Hayaan mo na ate, pupunta din tayo dun kung okay na ang panahon" sabi naman sakanya ni  Elo na kasalukuyang nakayakap sakin.

Andito kami sa bahay nina Mirasol, magpiprepare na sana kami sa pag alis kaso bumungad samin ang breaking news na yan.

Ayan tuloy, hindi na maipinta ang mukha ni Mirasol dahil hindi tuloy ang pag alis namin.

"Eehhhh! Kainis naman kasi ehhh! Gusto ko pumunta dun!" Pagmamaktol niya, di ata niya iniisip na buntis siya.

"Hon wag kang malikot, yung baby natin" saway sakanya ni Jairous na halatang nag aalala sa asawa.

"Ewan ko sayo! Wag mo kong kausapin!" Sigaw niya sa asawa.

"Honey naman eh" nakabusangot na tugon ni Jairous dito.

"Hay naku si Ate talaga" bulong sakin ni Elo at mas hinigpitan pa ang yakap.

"Hayaan mo na love, alam mo namang buntis" sabi ko sakanya at hinaplos ang pisngi niya.

"Pag ikaw ang magmaktol ng ganyan, pupugpugin kita ng halik" natatawa niyang sabi.

"Haha ikaw talaga" kinurot ko ang tagiliran niya kaya't napaigtad siya.

"Mama I want spaghetti" malambing na sabi ni Caine at lumapit samin.

Abala ito sa paglalaro ng toys niya, mukhang nagutom na ang anak ko.

"Ay ako din! Hon gusto ko ng spaghetti yung madaming cheese atsaka lagyan mo din ng condensed milk!" Sabat ni Mirasol at yumakap pa sa asawa niyang pinapatulog si Mandy.

"Sige hon. Punta tayong grocery mamaya okay?" ani Jairous na parang nakikipag usap sa isang bata.

"Anak do you want mama to cook the spaghetti or we'll just buy at jollibee?" malambing na tanong ni Elo sa anak namin.

"Jollibee!!" Masayang sagot ni Caine.

"Ako mahal gusto ko ikaw lang ang magluto" agaw eksena naman ni Mirasol.

Palihim akong napatawa sa kilos niya.

Iba talagang maglambing si Mirasol sa asawa niya, parang bata.

"So pano ba yan, punta na muna kami sa jollibee" paalam ni Elo sakanila at tumayo mula sa pagkakaupo.

"Elo bilhan mo ko ng burger steak limang piraso!" Nakangiting sabi ni Mirasol.

"Akin na pera mo" tugon ng ni Elo.

Sumama naman ang tingin ni Mirasol sakanya.

"Baka nakakalimutan mong ako ang sumuporta sayo hanggang sa makatapos ka ng college?!" Sigaw nito kay Elo at dinuro-duro pa ito.

"Oo na ate, Bibilhan na nga diba?" Natatawang sabi niya.

"Sige na Mirasol alis na kami" paalam ko sakanya.

In Bed With The Campus Gay (COMPLETED) Where stories live. Discover now