IBWTCG Eleven

13.1K 363 172
                                    

IN BED WITH THE CAMPUS GAY

CHAPTER 11

"Did you take your special exam?" Tanong niya habang naglalakad kami papuntang parking lot.

Take note! HHWW parin kami!

Kanina pa nga kami sinusundan ng tingin ng mga tao eh, parang instant celebrity ang drama namin.

"Bukas pa raw sabi ni Miss Cruz, binigyan niya lang ako ng reviewer kanina" malimit kong sagot.

Di parin ako mapalagay, ramdam na ramdam ko ang malambot na kamay ni Cleo. Gosh! Lakas magpakilig ng baklang to!

"Oh that's nice. Magreview ka mamaya pag uwi natin" aniya na hindi manlang ako tinatapunan ng tingin. 

Nakahinga ako ng maluwag nang bitawan niya na ang kamay ko. Sabay kaming pumasok sa kotse niya at agad naman itong nagdrive paalis.

"Baks anong gusto mong ulam?" Tanong ko sakanya habang nasa kalagitnaan kami ng byahe.

Tumingin lang siya saglit sakin at ibinalik na sa daan ang atensyon.

"Hmm. Anything will be okay. Atsaka pwede namang ako nalang ang magluto, magreview ka nalang" tugon nito.

"Nako ako ang magluluto ngayon, nakakahiya naman sayo" nakanguso kong sabi.

Bukod sa nahihiya akong makituloy sakanya at minsan lang siyang pagsilbihan, gusto ko rin sanang bumawi dahil nasa tabi ko siya palagi kapag wala akong mapuntahan.

Atsaka, sa pananatili sa tabi ko kanina kahit pinagpipyestahan na kami ng chismis sa school.

"Nah I insist. Mag aral ka nalang" aniya at inihinto sa parking lot ang kotse.

Agad naman kaming bumaba at sabay na naglakad papasok hanggang sa marating namin ang unit niya.

Tahimik lang kami at dumeritso sa kanya-kanyang kwarto.

Nagbihis lang ako saglit ng shorts at sando at lumabas na agad ng kwarto ko.

Hindi pa siya lumalabas ng kwarto niya kaya dumeritso ako ng kusina.

Nandun pa ang pinagkainan namin kanina kaya agad ko itong hinugasan.

Malapit na akong matapos sa ginagawa ko nang may biglang yumakap sa beywang ko.

Gulat akong napatingala at napatitig sa mapupungay na mata ni Cleo.

Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang matigas na bagay na sumasanggi sa pwet ko.
Goshhh!

"B-baks ano ba, may ginagawa ako" mahina kong sabi at ibinalik sa lababo ang paningin para maitago ang pamumula ng mukha ko.

Ang weird talaga ng baklang to ngayong araw.

Di kaya....

Nagiging lalaki na ulit siya?!

"Maya na yan" husky niyang sabi at pinaharap ako sakanya.

Mainit niyang halik ang sumalubong saakin.

Agad ko naman itong tinugon, niyakap niya ako palapit sakanya kaya napakapit ako sa batok niya.

Parang sabik na sabik naman ang baklang to kung makahalik, halatang tigang!

"Ohhh" mahina kong ungol nang bumaba sa leeg ko ang halik niya.

Ang init ng dila niya ay nagbibigay ng milyon-milyong boltahe tuwing dumadampi sa balat ko na nagpapainit sakin.

Pilit kong sinalubong ang nag-aalab niyang mata, para itong nalalasing sa ginagawa niya sakin.

In Bed With The Campus Gay (COMPLETED) Where stories live. Discover now