IBWTCG Two

15.2K 350 189
                                    

IN BED WITH THE CAMPUS GAY

CHAPTER 2

Naalimpungatan ako dahil sa naramdamang lamig. Feeling ko nagyeyelo na ang katawan ko sa sobrang lamig.

Tumagilid ako ng higa at niyakap ang napakalambot na unan. Mas lalo akong napapikit, ansarap sa pakiramdaaam.

Pero teka...Hindi naman ganito kalambot ang unan ko sa
apartment ah. At teka ulit, pinalayas na pala ako sa apartment!

Agad akong napamulat at napaupo sa malambot na kama.

Pano pala ako napunta dito?

Napahawak ako sa sariling sintido.

Ang naaalala ko, sa gilid ng pinto ng unit ni bakla ako nakatulog eh.

Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto, puti lahat.
Hindi naman ospital to, hindi naman ako ganun katanga no.

Tanging kama at isang
malaking aparador lang ang nandito. Kanino naman kaya to? Wag mong sabihing sa kwarto ng ibang lalaki na naman ako nagising? Langya! Ang swerte
ko naman kung ganun!

"Buti naman at gising kana" malamig na sabi sakin ni Cleo.

Di makapaniwalang napahawak ako sa bibig.

Oo di nga kayo nagkakamali! Si Cleo yung baklang nakakuha ng virginity ko! Kasalukuyan siyang nakatayo sa bukana ng pinto habang nakatingin sakin.

Akalain mo nga naman, sakanya pala to. Wala talagang makakatalo kapag nakatadhana kayong dalawa. Like ewww.

"Bakla?!" Napabalikwas ako ng bangon at sinugod siya ng isang mahigpit na yakap. Parang nawala bigla ang inis ko sakanya kanina dahil sa mga pinagsasabi niya ah?

Hinawakan ko pa ang mukha niya at pilit na pinaharap sakin.

"Bakla ikaw ba talaga yan?! Akala ko sa ibang unit na naman ako magigising!"
Masaya kong sabi sakanya. Ang bait parin talaga ni Lord sakin.

Pilit naman niyang  nilalayo ang mukha sakin at halos hindi na maipinta ang mukha nito.

"Ewwness! Wala kapa ngang hilamos tapos hinawakan mo na ang precious face ko!" Maarte niyang pinunasan ang pisngi niya gamit ang likod ng palad
niya.

Napabitiw ako at palihim na napaismid.

Ang arte ng baklang to, parang
hindi sarap na sarap habang gumagawa kami ng milagro eh no? Haha.

"Bat ang gwapo mo?" Nakanguso kong saad.

Kailangan ko siyang purihin para kahit papano ay patuluyin niya ako dito sa unit niya. Mmmm. Antalino ko talaga!

"I'm not gwapo! Kadire! Mas maganda pa nga ako sayo!" Nakapameywang niyang
sabi. Napairap ako ng palihim sa kilos niya. Ays oo nga pala! Nakalimutan kong feeling dyosa pala ang isang to!

Ano kayang pwedeng kapalit
para patirahin niya ako dito? Alam ko na! Tss. Ano ba yan, natatawa nalang ako sa
sarili kong ideya.

"Oo na maganda kana" malambing kong sabi na sinabayan ng isang napakatamis
na ngiti sa pink at kissable kong mga labi.

"I know right! Sige na, umalis kana!" Eto na nga bang sinasabi ko! Hindi niya ako pwedeng paalisin, baka maging palaboy
ako sa buong kamaynilaan.

Akmang lalabas na ito sa kwarto pero hinabol ko ito at hinawakan siya ng mahigpit sa braso, napunta naman doon ang paningin niya.

"Wala akong uuwian" nagpout at puppy face na ako sa harap niya.

Alam kong hindi niya matitiis ang kakyutan ko. Sabi ni mama nung buhay pa siya, ako daw
ang pinakacute niyang anak. Hanggang ngayon, pinanghahawakan ko parin yun
kahit na alam kong ako lang ang anak niya. Hays.

In Bed With The Campus Gay (COMPLETED) Where stories live. Discover now