IBWTCG Thirty

4.7K 138 29
                                    

IN BED WITH THE CAMPUS GAY

CHAPTER 30

"A-anong ibig sabihin nito Cleo?" seryoso at nabibigla kong tanong. Umiwas ito ng tingin sabay hawak sa kamay ni Caine, "Pumasok muna tayo, mainit dito" aniya.

Nanatili ako sa pwesto ko habang sila ay naglakad na papalapit sa gate. Di ko maiwasang mapatitig ulit sa nakaukit dito 'Bahaghari-Azul Residence'. Ano bang iniisip ni Cleo? Bat may paganito siya ngayon? Magsasama na ba kami sa iisang bubong dahil dito?

"Mama lika na po!" napabaling ako kay Caine nang tawagin ako nito, nabuksan na pala nila ang gate at mukhang ready at excited na ang anak kong pumasok. Huminga ako ng malalim, bago naglakad palapit sakanila.

Pagkapasok ko ay napako ang paningin ko sa bahay na nasa harap namin. Para akong napatulala, di ako makagalaw, parang sasabog ang dibdib ko, gusto kong maiyak.

"Nagustuhan mo ba Loisa?" nakangiting tanong ni Cleo. Napatitig ako sakanya, naluluha.

Yung bahay, e-eto yung design na idinrawing ko noon. Noong buhay pa ang nanay ko, ang dream house namin ni mama. Di ako makapaniwala, di ako makapaniwalang nakikita ko ngayon ang bahay na pinangarap ko. P-pano to nalaman ni Cleo?

(LOISA AND CLEO'S HOUSE)

Napaatras ako, napahawak sa bibig at di ko mapigilang mapaiyak dahil sa kasiyahang nararamdaman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napaatras ako, napahawak sa bibig at di ko mapigilang mapaiyak dahil sa kasiyahang nararamdaman. Di ko akalaing mangyayari to, halos makalimutan ko na ang pangarap kong yun para kay Mama, pero tinupad yun ni Cleo.

Naglakad palapit sakin si Cleo, ngumite, "Sana nagustuhan mo" aniya. Di ko na napigilan ang sarili at niyakap siya ng mahigpit. Bakas ang pagkabigla niya, pero di ko mapigilang mapaiyak dahil sa saya, parang sasabog ang puso ko. "Thank you Cleo" usal ko. Ramdam ko ang paghaplos nito sa likod ko.

Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi pagkabigla at saya. Di parin ako makapaniwalang na nasa harap na ako ng dream house ko, kahit na hindi si mama ang kasama ko, andito naman ang mag ama ko. Alam kong magiging masaya si mama habang nakikita niya ito.

"Halika na" sambit ni Cleo. Tumango ako at kumalas sa pagkakayakap sakanya.

Tumingala't pinunasan ang luha sa pisngi ko. Di ko maiwasang mapangite habang tinitingnan ang bahay, kung panaginip lang to, sana magising agad ako, ayaw kong umasa masyado.

"This house is huge papa!" manghang komento ng anak namin pagkapasok namin sa bahay. Kahit ako ay di mapigilang mapahanga sa nakikita, parang mansion kung titingnan mo dito sa loob. Kulay cream ang pintura kagaya ng gusto ko, may malaking chandelier sa living room, may maganda at mahabang hagdan papunta sa ikalawang palapag.

"Simula bukas, dito na kayo titira" napalingon ako kay Cleo na nasa tabi ni Caine nang magsalita ito. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko sakanya, kahit gusto kong tumanggi ay parang may pumipigil sakin.

"Really papa?! I love this house po!" masayang sambit ni Caine.

"Itotour ko kayo" saad ni Cleo at naunang naglakad. Tumabi sakanya si Caine at sumunod naman ako sakanila.

In Bed With The Campus Gay (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon