IBWTCG Eight

12.3K 310 111
                                    

IN BED WITH THE CAMPUS GAY

CHAPTER 8

"Masama parin ba ang pakiramdam mo? Wag ka na munang pumasok" ani Mirasol habang inaayos ang gamit niya sa trabaho.

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.

"Pero dalawang linggo na akong nakatunganga dito sa apartment mo. Nauubos na pera ko" nanlulumo kong sabi.

Tama kayo ng pagkakabasa. Dalawang linggo na akong hindi nagtatrabaho at dalawang linggo na din simula nong lumayas ako sa condo in Cleo.

Isang linggong pahinga lang naman ang plano ko eh. Pero hindi ko magawang pumasok sa trabaho dahil palaging masama ang pakiramdam ko lalo na tuwing umaga.

Di ko nga maintindihan ang sarili ko eh, wala naman akong lagnat pero madalas akong mahilo at masuka. Ayan tuloy, di ako makapagtrabaho at nauubos na ang ipon ko!

"Ako na munang bahala sayo Loisa. Wala naman akong ibang binubuhay kundi ang sarili ko lang" aniya na nagpaluha sakin.

Eto din ang isang weirdong nangyayari sakin. Kunting nakakatouch na salita lang, di ko mapigilang mapaluha. Tapos hindi ko pa mapigilan ang luha ko sa pagtulo!

"Salamat Mirasol ha? Di ko alam ang gagawin ko kung wala ka" lumuluha kong sabi na nagpangite sakanya.

Niyakap niya naman ako at pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"Ang drama mo talaga. Sige nat aalis na ako, ikaw nang bahala dito" kumalas siya sa pagkakayakap sakin at kinuha ang bag niya.

Sinundan ko naman siya palabas ng apartment dahil kailangan kong isara ang pinto. Ako lang kaya ang tao dito, tas ang ganda ko pa. Andaming magkakainteres na pasukin ako dito no!

Pagkaalis ni Mirasol ay bumalik agad ako sa kwarto. Eto na naman ako, magmumukmok hanggang sa makaramdam ng gutom. Ala sais na din ng hapon at wala narin naman akong gagawin dito sa apartment dahil kanina pa ako naglilinis.

Humiga ako sa kama at tinitigan ang cellphone ko.

Kahapon tumawag si Bakla pero hindi ko yun sinagot. Ewan ko ba, para akong tangang nagtatago sakanya at umaasang puntahan niya ako dito at pabalikin sa condo niya.

Opo, tama ang pagkakabasa niyo. Umaasa na ang dyosa sa baklang feeling dyosa na yun!

Hays. Last week ko lang narealize na may gusto na ako sakanya. Miss na miss ko na nga siya eh, pati sa panaginip ko sinusundan niya ako.

*RING-RING*

Halos mapatalon ang dyosa nang biglang magring ang cellphone ko.

Sino ang tumatawag?

Edi ang gwapong bakla! Sheems. Ang puso ko umakabog kabog na naman!

Baklang to talaga, iba ang effect sakin!

"H-hello?" Sagot ko sa tawag niya.

Di ko na din matiis eh, miss na miss ko na siya.

"Loisa" rinig ko sabi niya.

Bigla nalang tumalon ang puso ko pa outer space nang banggitin niya ang precious name ko!

"Yes. What d'ya need?" Mataray kong tanong?  

Wag kayong makialam, baka lambingin niya ako pagmagtaray ako eh Hihi

"Let's meet" sabi niya naman.

Kyaah! Kita niyo? Di na niya ako matiis at makikipagkita na talaga siya.

"F-for what?" Kagat-labi kong tanong.

In Bed With The Campus Gay (COMPLETED) Where stories live. Discover now