IBWTCG Twenty-Three

5.8K 188 46
                                    

IN BED WITH THE CAMPUS GAY

CHAPTER 23

Pagkabalik ko sa tinitirhan namin ay dumeritso na ako sa kwarto.

Kailangan ko pang bumalik sa labas dahil andoon pa ang maleta ko, mabibigat yun kaya hindi ko kayang dalhin ng sabay.

Wala si Caine pagdating ko, marahil ay nasa office siya ni Aling Manda, pupuntahan ko nalang siya pagkatapos kong ipasok yung mga maleta.

Pagkalabas ko para kunin ang maleta ay nakarinig ako ng halakhak ng isang bata. Hinanap ko agad ito dahil alam kong si Caine yun.

Pumunta ako sa likuran ng boarding house at doon ko nakita si Caine, na kasama si Cleo, habang naglalaro sila ng habulan. Di ko maiwasang kabahan, nagpakilala na ba siya sa anak ko?

"Mama!" napaigtad ako sa kinatatayuan ko nang bigla akong tawagin ni Caine. Marahan akong ngumite sakanya habang tumatakbo itong lumapit sakin. Hinihingal man ay nakangiti parin si Cleo na kagaya ko ay nakatingin din sa anak namin.

"Mama bat tagal mo po?" agad niyang tanong.

Pinunasan ko naman ang noo niya gamit ang palad ko.

"Matagal ba si mama? Di naman eh" sagot ko lang sakanya. "Asan si lola Manda anak?" dugtong ko pa.

"I dont know po mama"

"Uh ehem" napalingon ako kay Cleo na hindi ko namalayang nakalapit na pala.

"Mama he's my friend pooo" mabilis na lumapit si Caine kay Cleo sabay yakap sa bewang nito.

Di ko mapigilang mapatitig sa mukha ni Cleo, nakarehistro ang saya sa mukha niya. Para itong naluluha dahil sa ginawa ng anak namin.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong gagawin ngayon. Sobrang gulo, lahat ng sekreto ay maibubunyag na.

Alam kong hindi ko na mapipigilan si Cleo sa paglapit kay Caine, satingin ko ay wala namang problema yun, ang iniisip ko lang kung pano sasabihin sa bata na ang taong to ang tunay niyang papa at hindi si Elo.

"Mama!" bumalik ako sa wisyo nang biglang sumigaw si Caine.

"B-bakit anak?"

"Bat po kayo titig sakanya?" biglang uminit ang pisngi ko sa sinabi ng anak ko, lalo pa't parang natatawa si Cleo dahil doon.

"Di n-naman nakatitig si mama eh" sagot ko nalang sakanya at umiwas ng tingin kay Cleo.

Anubaaa. Nakatitig ba talaga ako sakanya? Jusko nakakahiyaaa.

"Halika na anak, magbabye kana sa friend mo" sabi ko nalang para makaiwas sa tatay niya. Hinawakan ko ang kamay ni Caine pero nagmatigas ito.

"No mama, we will eat daw po"

"Ha?" gusto kong tumanggi sa sinabi niya.

Nakakahiya na nga, kakain pa kami ng sabay.

"Sige na Loisa, minsan lang naman mangyari to eh" napabuntong hininga nalang ako sa narinig.

Tiningnan ko ang mukha ni Caine, sumunod naman kay Cleo. Pareho na nga ang mukha, parehong expression pa ng mukha ang nakikita ko.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Sige"

"Yehey!" sigaw ng anak ko. Habang si Cleo ay nakangite lang.

"Halika na anak, magbihis na tayo" saad ko kay Caine na agad namang sumama pabalik sa loob.

--------------------------------------------
"San mo gusto kumain Caine?" tanong ni Cleo habang nagmamaneho ng kotse niya.

Katabi niya sa harapan si Caine habang nasa likod naman ako at tahimik na nakikinig sakanila.

In Bed With The Campus Gay (COMPLETED) Where stories live. Discover now