CHAPTER 1 (Is this the sign?)

897K 11.2K 2.5K
                                    

Chapter 1

Aish! Gising na! Papasok na tayo sa school.

Rylie naman. Mamaya na!

Eeeeeeh? Gumising ka na oh? May flag ceremony kaya ngayon. 1st day pa ng class. Makikita ko na si Josh sa wakas. After blank months masisilayan ko na ulit siya.” Nag evil laugh ako. Bumangon naman siya at binatukan ako.

Ikaw, bruha ka talaga! May girlfriend na yung tao. Wag ka ng umasa. Okay?

Tsss... Kung asawa nga naaagaw, syota pa kaya.” Tiningnan niya ako ng masama. “Joke lang! HAHAHAHA! Hindi naman masamang mangarap ah? Makita ko lang kagwapuhan niya, okay na okay na ako.

Are you that desperate? Mahal na mahal niya girlfriend niya, hindi mo ba nakikita?” Hayy.  Alam ko naman na mahal na mahal niya si Selena eh. Crush lang naman kasi, pinagdadamot pa niya! Ito talagang bestfriend ko na ‘to oh. Intindihin ko na nga lang, bagong gising eh.

Alam ko, Aisha. Alam ko,” I sighed. 

Hayy Rylie. Masasaktan ka lang pag pinagpatuloy mo pa yan.” Sabi niya habang minamassage forehead niya, nahihilo ata.

Hindi no. Mas nasasaktan pa ko sa mga pinagsasabi mo eh. Bangon ka na nga at malelatetayo!


Hindi mo ba nakikita, 5:30 pa lang oh? OA. 7am pa naman pasok natin.” Tinuro niya yung clock. Ako naman, tiningnan ko siya ng masama pero pabiro lang naman.

Oo nga. Tapos 30 minutes ka pa magreready and 30 minutes din ang papuntang school. Umalis pa si kuya driver kaya magbabus tayo. 55 minutes na ang papunta sa school. So ano, magreready ka ba o kukuryentihin kita?

Alam mo...” Sabi niya pero pinutol ko kasi alam ko na gusto niyang sabihin.

Alam ko ang daldal ko.

Buti alam mo.

ANO BAAAAAA!


ito na nga.” Nagpunta na siya sa banyo, sa wakas.

Ako nga pala si Jamilah Rylie Hao. Half Chinese. Sabi nila napakamasiyahin ko daw. Anyway, 4th yr highschool pa lang ako. Best friend ko si Aisha Hera Dela Cruz at nandito kami ngayon sa bahay ng pamilya ko at nag over night siya. Minsan naman ako nago-over night sakanila. Friends din naman ang family ko at family niya eh.

After 1 hour and 15 minutes. Nakarating na kami sa school. 20 minutes lang siya gumayak. Naawa siguro sa akin. 6:50 kami dumating sa school. Nagdaldalan pa kasi kami sa bahay eh. 

Hindi naman ako masyadong TC no? Time conscious. Kumbaga sa alice in wonderland, ako yung rabbit. Okay ang corny mo na Rylie, tumigil ka na. LOLOLOL. Sorry ang hyper, excited eh. Intindihin niyo na lang ako guys. Heehee!

Anong section kaya ako? Pagtingin ko sa list, section I pa din ako. 

Hay. Kailan kaya ako magiging section III para naman classmate ko si Josh.

Miss, ano ba! Excuse me sabi eh,” Natulala ako.

Ha?” Ang gwapo niya. 

Sabi ko EXCUSE ME! Kanina pa ko nageexcuse. Bingi ka ba?” Di bale ng masungit siya, okay lang. Magiging kami din balang araw. Wala namang imposible sa mundong ito. Libreng mangarap. 

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon