CHAPTER 34 (Monkey Guy & Monkey Girl)

297K 4.7K 553
                                    

CHAPTER 34

(TYLER'S POINT OF VIEW)

"Tounge-na, Justin!" Aisha smiled at me. Nandito siya sa bahay namin at nagmumura kahit na ang aga aga pa. Nakaupo kaming dalawa sa sofa, nanonood ng TV. Pag siya narinig ng kambal, ewan ko na lang. Saturday nga pala ngayon. Umalis na naman parents ko.

"Bakit?" I smiled.

"Parehas kayo ni Rylie pag in love!" Hinampas hampas niya ko.

"Ano?! Di ako in love!" Hindi naman talaga, diba? Nak ng! Nababaliw na talaga ko.

"Nakangiti lang kayo na parang tanga. Ang lungkot ng pinapanood mo kanina pero nakangiti ka pa din tapos ngayon teka, kailan ka pa natutong manood ng Spongebob?! Favorite cartoon yan ni Rylie ah. Nakooo." Oo nga no! Bakit ba ito pinapanood ko?! Langya! Ano bang pinakain sakin ni Rylie at nagkakaganito ako ngayon?! 

"Tigilan mo nga Justin Dela Cruz, hindi bagay! Hindi ako sanay na ganyan ka pero oks na din. Nag work ang mga plano ko, di na kailangan ng mga dares. Hehe!" Sabi niya kaya sumeryoso mukha ko at tumingin sakanya. 

"Aish, tigilan mo na nga yung dares na yan. Pag yan nalaman ni Rylie, ewan ko na lang. Kahit malinis intention mo, for sure, iba iisipin niya. Kahit sino naman, iba iisipin. Kahit ako..." Yumuko ako. Nagigulty ako. Aminado ako na yung ibang ginawa ko dati, dare lang. Nakulitan lang ako kay Aisha at knowing Aisha, competitive yan. Hindi yan papatalo kaya syempre, hindi ako pwedeng magpatalo pero ngayon, hindi. Hindi talaga! Natupad na nga mga plano ni Aisha!

"Sorry na. Amp. Pero aminin mo, nakatulong yung mga plano ko sa inyong dalawa." Tumingin siya ng nakakaloko. Sira talaga 'tong babae na 'to.

"Oo na, oo na! Ano ba kasi ginagawa mo dito?" I asked. 
"Masama na bang dalawin pinsan ko? Ha?
"Tss. Magpapachismis ka lang eh." Sabi ko habang nanonood ng TV.
"Buti alam mo!" Ngumisi siya. Tss.

Pinatay ko yung TV at kinwento ko na kay Aisha yung mga nangyari.

Taena! Mali ata na nagkwento ako dito eh. Maghapon ba naman akong tinutukso. Napapaisip tuloy ako... Torpe nga ba ko? I already told her that I like her diba?! Anong torpe doon? Teka, like nga lang ba? Like lang diba as in gusto?! 

"Hindi ba kayo lalabas ni Rylie ngayon? 1 PM pa lang oh. Wala ka namang ginagawa. Dali na, ako na magaalaga sa twins." Sabi ni Aisha out of the blue.

"Ang kulit mo! Kanina ka pa!" I said. 
"I know. Dali na!" Siniko niya ko.
"AYOKO. ISA!"  
"K." She rolled her eyes at nag walk out.

"Dali na, Kuya Justin! Date na kayo ni Ate Rylie!"

Sabay sinabi ni Janine at Jenine mula sa likod ko.

"HINDI NGA SABI EH." They both pouted and walked out.

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon