CHAPTER 23 (Ang kulit naman!!!)

274K 4.9K 280
                                    

CHAPTER 23

Pumasok na kami sa room at tinawag na kami para pumunta sa section V. Kinakabahan ako. Hindi dahil kasama ko si Tyler, sige, isa na rin yun. Pero dahil sa kagustuhan kong maexempted sa physics. 

Pagpasok namin...

"Class, greet them na." Sabi ng Teacher. 

"Goodafternoon Visitors." See? Mababait naman pala sila eh.

"Good Afternoon. I'm Jamilah Rylie Hao. But you can call me Ate Rylie."

"Ate! Ate! Sino yung poging katabi mo? Pakilala mo namaaaan!" Sabi nung isang babae na nakapig tails pa. 

"Oo nga po!" Sabi ng katabi niya. 

"Hi, I'm Justin Tyler Dela Cruz." Then he smiled at them.

"Ang poooogi namaaan." Sabay sabay nilang sinabi.

HOY ANG BABATA NIYO PA!

"Ate Rylie, baka napapagod ka na. Upo ka muna.

"Huh? Wag na. Nakakahiya naman. Thank you na lang."

"Sige na ate! Si ate namaaan!"

Kailangan kong maging mabait. Okay? 

Umupo na ako. Kaso bigla akong may narinig na parang fart. Pag tingin ko sa inuupan ko. Oh my. Nakakahiya. Tingingnan ko si Tyler. Halatang pinipigilan niyang tumawa. Tumayo ako then I glared at him. He glared at me too. Gaya gaya puto maya!

Nagtawanan silang lahat. Namumula na siguro ako :"(

Nagdiscuss na kami. Naging maayos naman kaso minsan, nagkakasabay kami ni Tyler ng sinasabi. Tapos sabay din kaming tumitigil. 

"May questions ba kayo?" Tanong ni Tyler. In fairness, ang galing niya mag discuss. 

"Kuya kuya! Masarap bang mangchicks?

"Ah eh. Hindi naman ako nambababae eh." As if.

"Kuya, tingnan mo oh. Nagbablush si ate. Kayo ba?"

"Hindi ah. May girlfriend yan." Sabi ko sakanila. 

"Hindi kami ni Ate Rylie niyo." Sabi naman ni Tyler. Ang chichismosa't chismoso naman ng mga bata na 'to. Sabagay, may isip naman na sila. Yung iba nga, may boyfriends at girlfriends na. Actually, malalaki na sila. When I say malalaki, literal! Yung iba nga, mas matangkad sa akin. Grabeee, bakit ang tatangkad na nga mga bata ngayon? Nanliliit ako eh.


"Ay. May girlfriend na pala si kuya. Sayang naman." Sabi nung babaeng nakapig tails kanina. 

"Wala akong girlfriend." Sabi ni Tyler. 

"Diba kayo ni Ariza?" Diba sila?

"No? Who told you that?" O__________O

"Hindi kayo? Eh ba't lagi kayong magkasama? Atsaka narinig ko kayong naguusap dati."

"Yiieee. Nagseselos si ate." Sabi naman ng mga Grade VI. Geez! 

"Eh bakit kayo ni Christian? Lagi ding magkasama? Kung ganun pala, kayo na ni Christian? I didn't know that." Sabi ni Tyler pero mahinahon pa din. Ang seryoso nga niya eh. 

"Nagseselos din si Kuya?" Sabi na naman nila. Nakakatawa nga eh kasi titingin sila sa akin pag nagsasalita ako tapos pag si Tyler na yung nagsasalita, sakanya naman sila titingin. Palipat lipat. 

"Kasi nga wala siyang kasama. Nakipagbreak si Ariza sakanya dahil sa'yo." Sabi ko. 

"Alam ko. Pero hindi kami." Sabi na naman ni Tyler. 

"Eh ano kayo?" Tanong ko. Sasagutin na sana niya pero sayaaaang kasi inawat na kami ng teacher! Sayang talagaa!

"Excuse me? Nandito kayo para magdiscuss sa mga bata. Hindi para asikasuhin ang love life niyo." Sabi ni Ma'am. Halaaa. Patay na ang Physics ko nito!

"Sorry Ma'am" Sabay naming sinabi. 

"So, may tanong pa ba kayo?" Sabi ulit ni Tyler. 

"Meron po! Masaya po ba magkaroon ng love life? Okay lang bang magkaroon ng boyfriend kapag highschool na ako?"

Grabe! Nung Grade VI ako, may sarili kaming mundo ni Aisha. Madami naman kaming friends pero wala talaga sa isip namin yung love love na yan. As in, wala talaga! 

"Okay lang magkaroon ng boyfriend or girlfriend as long as hindi makakaapekto sa studies mo and alam ng parents niyo." Sabi ni Tyler.

"Ah. Eh kayo ate, ano masasabi niyo?" Sabi na naman nila. Kailangan ba talaga, may opinion ako? Ano ba naman T____T

"Ako? Uh? Don't lose hope. Makakahanap ka ng para sa'yo. Pero sa takdang panahon. If it's meant to be, it will be. Basta wag kang magmamadali. One step at a time lang. Alam mo, sobrang konti lang ng nagkakatuluyan sa high school sweethearts. Minsan wala pa nga eh." Sabi ko sakanila. Totoo naman yung sinabi ko diba? Konti lang talaga ang nagkakatuluyan sa mga highschool sweethearts. Bilib nga ako kay Ate Denise at kay Kuya Hans eh. Biruin mo, highschool sweethearts sila tapos 7 years na sila ngayon. Galing! Anyway, music club members sila. 

"Tama! Kaya ingatan mo yung puso mo kasi once na masaktan yan, mahihirapan ka na magtiwala." Sabi ni Tyler. Nuxx. Magkasundo kami ngayon ah? Astig! B-)

"Atsaka pag magmamahal ka, wag mong ibibigay yung puso mo ng buog buo. Pero wag kang magpapaasa ng kahit na sino kasi nasasaktan din sila." Hala? Naging love doctors na ata kami ni Tyler? What happened?

"Oo nga. Dapat matututo ka ding lumaban. Hindi puro kapakanan ng iba iniisip mo." May pinapatamaan ba siya? HOW DARE HIM! Natahimik ang buong klase.

"Aaaah. Ganun pala yun?"

"Grabe! Ang dami na nilang experiences. Maeexperience din kaya natin yan?"

Nagtanong naman sila ng kung anu ano pa like nakakastress daw ba maging highschool? Ano daw maeencounter nila? Totoo daw bang magulo ang highschool? Totoo daw bang masaya at the best ang highschool? Ang daming tanooong. 

 "Ate, Kuya, may tanong po ako."

"Ano yun?" Sabay naming tinanong. 

"Broken hearted po ba kayong dalawa?"

"Siya oo, ako hindi." Sabay naming sinabi. 

Aba! Kailan pa ko naging broken hearted? At kanino namaaan?

"Broken hearted nga." Sabay sabay nilang sinabi. 

Ang kulit naman!!! 

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon