CHAPTER 17
"Tumingin nga kayong lahat sakin!" Sigaw ko kaya napatigil sila Lynne, Brylle, Christian, at Aish sa paghigop ng noodles nila at tumingin sa akin. Nagulat ata sila eh.
"Makinig kayo sa itatanong ko. Gusto ko, sagutin niyo ng maayos ah! Be honest!" Sabi ko sakanila kaya tumango naman sila. Si Aisha naman at Lynne, ang weird ng tingin sa akin. Tinaasan pa ako ng pamatay nilang left kilay. Meygesh!
"Ready na ba kayo?" Tanong ko sakanila.
"Yeah." Sabay sabay nilang sinabi habang ngumunguya.
Nag inhale exhale naman ako.
"Pangit ba ko?"
Nagulat naman ako ng bigla silang tumawa ng malakas at binatukan ako ni Aisha. Si Brylle naman muntik pang maibuga yung iniinom niya kay Lynne. Ang lapit lapit naman kasi ng mukha eh. Araw araw naman niyang kasama pero grabe reactions nila ha! Ouch naman! Pwede naman sana nilang sabihin na pangit ako eh hindi yung tatawanan agad at babatukan pa. Hayy. What a friend talaga.
"You're pretty, Rylie. Bakit mo naman naitanong?" Sabi ni Christian. Oo nga pala, these past few days, hindi ko na nakikita si Ariza. Sabi ni Christian, lagi daw nasa room nila. Parehas kasi silang section 2 eh. Kinakausap nga daw niya pero ayaw daw talaga siyang kausapin. Define Martyr?
"Kung binobola mo ako, shoo away na lang. Okay?" Sabi ko sabay irap ng mga mata ko.
"Tingnan mo 'to, magtatanong tanong tapos di naman maniniwala. Pasapak nga Rylie?" Sabi ni Lynne. Ang harsh naman niya. Ito namang manliligaw niya, kunsintidor. Umagree pa! Geez! Shet ha! Bakit ba nila ako pinagtatawanan?
"Rylie, gusto mo maglaslas? Teka, bibili ako ng blade." Sabi naman ni Aisha. Ang babait naman nila sa akin. What a friend talaga.
"Ewan ko nga sa inyo!" Nag pout na lang ako.
Hayy. Ilang araw na lang, aalis na sila Tyler sa bahay namin pero hindi pa din kami nagpapansinan. Grabe kasi, ano bang kasalanan ko? At bakit nga ba hindi ko siya kinakausap eh nasaktan lang naman ako sa sinabi niya? Oo, hindi ako galit. Nahurt lang ako.
Dumating kami sa bahay ni Aisha ng sabay habang si Tyler eh hindi ko alam. Baka nakikipagdate kay Janilyn. Pssh. Magsama sila ng Janilyn niya. Mabait naman si Janilyn eh. Bagay sila.
Kinwento ko naman kay Aisha yung nangyari. Kinikilig pa nga ang loka loka. Nagseselos daw si Tyler. Sabi ko naman hindi kasi ayaw lang niya ako maging kaibigan ng kapatid niya. Ayan tuloy, nabatukan ako ni Aisha. Dumating na sa bahay si Tyler at dumiretso sa kwarto niya...
Ilang oras lang...
"Ate Ry! Ate Ry!" Excited siyang lumapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
Teen FictionPublished under Summit Pop Fiction (English, P175). Grab a copy now!