CHAPTER 4 (SIGE NA NGA PAYAG NA!)

510K 7.5K 427
                                    

CHAPTER 4

Ano ba tong nangyayari? 2nd day ng 4th yr ko, ang dami dami ng nangyayari.

UNA: Naiwan ko Physics notebook ko!

PANGALAWA: Nakasagutan ko si Mr. Pogi. FC kami parehas eh. Or ako lang? 

PANGATLO: Nalaman kong niloko ako ng mga past boyfriends ko.  Whyyy? What did I do to them?

PANG-APAT:  A stranger is kissing me, right here right now.

HINDI BA NIYA ALAM NA SA BABAENG TULAD KO, IMPORTANTE ANG 1st KISS?! Hindi nga ako nagpapahalik sa mga naging boyfriends ko dati eh. Tapos itong gwapong mokong na to! Ugh.

AT ANG PANGLIMA...

ITO:

Inalis na niya yung pagkakahalik niya sa akin na hindi ko alam kung masusuka ba ko dahil sa hindi ko siya kilala, magagalit ako dahil hindi ko nga siya kilala o KIKILIGIN AKO DAHIL GWAPO SIYANG NILALANG?! Hindi eh. Naguguluhan at naiinis ako at the same time. Hindi ko nga siya kilala tapos ganito?

"J-J-Justin?" Sabi ng maluha luhang babae sa harap namin.

"So… Totoo ngang may girlfriend ka? SIYA NA BA ANG IPINALIT MO SA AKIN?! I mean, siya lang?!" Pagpapatuloy niya.

Hindi ako makasagot. Hindi ako makareact. All I know is, ayaw tumigil ng luha ko.  

"Yes. She’s also the reason why I transferred here so please, back off. And also, hindi siya ‘siya lang’ dahil yung ‘siya lang’ na sinasabi mo ay girlfriend ko.” Sabi niya na parang wala lang sakanya. Pinigilan ko na yung luha ko pero halata pa din na umiyak ako. Siguro ang haggard haggard ko na ngayon.

Hayy. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sakanila, sa akin, sa amin...

Narinig ko yung mga exes ko na sinasabing, ‘Diba hindi naman siya nagpapahalik. What happened?’


Nakita ko si Josh at ang mga syota-syota-an ko dati.

"Rylie? Hindi mo sinabing may boyfriend ka na. Bakit ka pa pumayag na ihatid kita?" Si Josh.

"Paano ba yan Josh. Talo ka na! 500 namin ah?"  Bulong ng mga kasama niya pero rinig na rinig ko pa din. 

"Rylie, akala ko ba ihahatid kita? What happened? "

"Hindi pa tayo tapos Justin Tyler. Humanda sakin yung babae na yan!" Umiyak na yung babae at naglakad na paalis. Gulong gulo na ako! 

"Babe, wag mo silang intindihin. Ako bahala sa'yo. Bati na tayo ha? Hindi mo naman ako masisisi kung magselos ako dahil niyaya ka ng isang lalaking hindi mo kilala. Masyado ka kasing mabait para i-reject siya eh. Pati hindi mo naman ako masisisi kung nagaalala ako, baka may gawin pa siyang MASAMA sayo. Hindi ko alam gagawin ko. Sorry na," Nagulat ako sa mga sinabi niya.

WHAT?!

"Pare! May pinapatamaan ka ba?" Sabi ni Josh.

"Bakit? Natatamaan ka?"

"Ako yung lalaki na sinasabi mo eh,"

"Talaga? Bakit nga ba gusto mong ayain GIRLFRIEND ko?"

"GIRLFRIEND nga ba talaga?"

"H'WAG MONG SAGUTIN ANG TANONG NG ISA PANG TANONG. Sagutin mo ako, bakit mo siya niyayaya?"

"Gusto ko siya!

"Mahal ko siya. Sino niloko mo?!"

"Pare kanina ka pa ah. Nakakalalaki ka na!

Susuntukin na niya sana si Justin pero...

"Hep! Girlfriend ko siya. Ako ang may karapatang magalit, not you!"

NI HINDI KO NGA ALAM NA MAY BOYFRIEND AKO EH! AT SA ISANG STRANGER PA!

"Hindi ako naniniwalang may boyfriend siya. Halata naman sa mukha niya kahapon kung gaano niya kagustong ihatid ko siya eh."

"TEKA NGA, GULONG GULO NA AKO! ANO BA ANG NANGYAYARI DITO?!" Si Aisha! Hayy Aisha, hindi ko din alam kung ano ang nangyayari. Nasspeechless na nga ako eh.

Sa kagustuhan kong umalis, nag walk out ako.

Ang naintindihan ko lang sa nangyari ay yung niloko ako pero the rest, wala na. Hindi ko na magets.

Pumunta ako sa room namin at buti na lang, wala ng tao. Nagulat nga ako kasi nakabukas pa din yung aircon. Kinuha ko yung physics notebook ko sa desk ko at yung pen ko sa pocket ko. Sinulat ko na lang yung pangalan ko sa likod ng notebook ko…

Nagulat na lang ako kasi may pumasok sa room.

"Don’t cry," Ano na naman ang ginagawa niya dito? Oo, sino pa ba? Si Tyler. Pinunasan ko yung luha ko na gamit yung panyo niya.

"Hindi naman masamang umiyak ah?"

"Pero pag pinakita mong umiiyak ka sa harapan ng kaaway mo, iisipin nila mahina ka."

"Wala naman akong kaaway pati mahina naman talaga ako. Hayaan mo na lang ako please?"

Sobrang hina ko talaga.

"Langya! Bakit ba ganyan ka?” Sabi niya pero mahinahon lang. Nababadtrip na talaga siya sakin.


"Hindi ko rin alam. Hindi ko mapigilan."

"Alam mo bang, pag pinakita mo sakanilang mahina ka, mas lalo ka nilang aapihin."

"Tama!" May biglang nagsalita…

Pumasok si Aish sa room, sinara ang pinto, nilock ito at lumapit sa amin.

"Kaya kung ako sa inyo, sabihin niyo sa akin ang mga nangyari."

Teka, bakit parang ang close ni Aish at Tyler? O baka FC lang talaga si Aish.

Kinwento ko ang mga nangyari. Nakatahimik lang si Tyler.

"But ang dami kong hindi maintindihan. I don’t understand why this stranger kissed me and why did he say that I’m his girlfriend,” Tinuro ko naman si Tyler kaya natawa si Aish pero si Tyler, walang expression. Hindi yata marunong mag express ng emotions ‘tong tao na ‘to eh.

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon