CHAPTER 10 (Butiking nangitlog!)

361K 5K 337
                                    

CHAPTER 10

"Ha? Bakit mo kinakausap sarili mo?" Nagulat naman ako kasi biglang may nagsalita. Alam na alam ko na yung boses na yun eh. Pagtalikod ko...


"Ano ba sinabi ko?" Tanong ko kay Tyler.

"Tsss. Narinig ko yun." Ginulo niya yung buhok ko. Narinig naman pala niya eh, tinatanong pa! Sus.

"Bakit ka ba kasi nagagalit?" Tanong ko.

"Sino ba may sabing nagagalit ako?" Tama bang sagutin yung tanong ko ng isa pang tanong? Atsaka tanungin kaya niya sarili niya. Siya nga 'tong hindi namamansin eh.

"Hindi ka galit?" Tanong ko.

"Hindi. Sumakit lang ulo ko kanina." Sabi naman niya. Ahhh, sumasakit lang pala ulo eh. Grabe kasi Rylie, ang OA mo magreact. Dahil kaya sayo kaya nagkasakit yung tao. Wala kang karapatan mainis man lang no...

"Akala ko nagagalit ka. Sorry." Sabi ko sakanya.

"Bakit naman ako magagalit?" Tanong niya. Bakit nga naman siya magagalit?

"Wala wala." Sabi ko.

Tumawa siya at ginulo na naman buhok ko. I fixed my hair tapos may narinig kaming ingay sa likod namin. Sila Ariza, Christian, at Aisha lang pala. Iniinis na naman nila kami. Kaya daw kami lumabas para daw mag solo...

"Kaya pala lumabas ka, TYLER. Akala ko ba, iinom ka lang sa fountain? Hmm." Sabi ni Christian. Sinuntok na naman ni Tyler si Christian pero pabiro lang ulit.

Bumalik na kami sa room. Nakasalubong nga namin group nila Selena eh. Wala nga lang doon si Selena at Josh. Inirapan ako ng mga babae tapos yung mga lalaki naman, di tumingin sakin. Tss. Naiinis pa din ako kahit ayokong mainis sakanila...

Oo nga pala, may audition na naman ng music club ngayon kaya pinatawag na naman yung mga officers sa music club like President, Vice President, etc. Yung vice president ng music club yung pumalit sa akin kahapon since hindi ako nakapasok. 1st year students na lang yung mga pwedeng mag audition ngayon since tapos na ang audition for fourth, third, and second year students. Pinagsabay na kasi kahapon yung third and second year eh...

Sa monday na nga pala ilalabas yung results.

"Ate Rylie, add kita sa Facebook mo ha?" Tanong ng isang cute na freshman sa akin. Nag sure naman ako. Oh c'mon, ang cute cute niya kaya. His name is Gelo pala and natulala kaming lahat kasi parang anghel yung boses niya nung kumanta siya. Sure pasok na nga siya eh.

Natapos na yung audition pero bago ako bumalik sa classroom, kumain muna ako kasama yung mga kamembers ko sa Mcdo. Friends ko naman sila eh pero hindi sila yung friends ko na parang Aisha. Si Aisha kasi, one and only.

Tinatanong nga pala nila ako kung ano meron sa amin ng gwapong transferee student. Sabi ko naman, boyfriend ko. Lord, patawarin niyo po ako. Huhu. Wala naman po kaming naaapakang tao diba? Pinagtatanggol lang po namin ni Tyler mga sarili namin sa masamang espiritu. AMEN.

"Jam, paano kayo nagkakilala ni hanbie?" Tanong ni Jessica. Siya kasi yung Vice president ng music club and yeah, siya yung pumalit sa akin kahapon. Jam tawag nila sa akin since Jamilah yung first name ko at parang mas bagay daw yun sa club namin kasi daw parang jamming, ganun. Ewan ko ba, naguguluhan din ako eh. Hanbie nga pala tawag nila kay Tyler kasi 'HANDSOME NEWBIE' daw. Sus! Lahat na lang ah?! Lahat na lang nagkakagusto doon.

Anyway, ano ba sasabihin ko?

"Bestfriend ko kasi si Aisha diba eh pinsan niya si Tyler so meaning, dati pa lang magkakilala na kami. Grabe 5 pa lang yata? I forgot eh. Sobrang tagal na kasi. Noong una, akala ko ako lang may gusto sakanya kasi I was an ugly duckling back then. Ewan ko kung hanggang ngayon eh ugly duckling pa din ako. But I don't care kasi alam kong tanggap ako ng mahal ko." Proud kong sinabi. Nag yiee naman sila. Nice one Rylie! Pero grabe, all eyes on me talaga? Hindi tuloy ako makaconcentrate.

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon