CHAPTER 40
(JUSTIN TYLER'S POINT OF VIEW)
"Hey you! You hurt my bestfriend! I hate you!" Si Aisha. Nak ng. Sigurado, sesermonan na naman niya ko. Nag CR kasi si Rylie at wala din ibang tao sa room kaya safe naman ata kami mag-usap.
"What do you want me to do?" I asked her kahit alam ko naman na dapat kong gawin. Hindi ko lang talaga alam kung paano.
"I don't know pero feel na feel ko Justin Dela Cruz, you love her as much as she does. You have to move, Justin. Stop being so sheepish! Wag kang torpe kasi alam na alam mo sa sarili mo na Rylie's very fond of you. You know that and you know Rylie, she thinks too low of herself." She looked away at nag sigh. She loves Rylie so much. Sino bang hindi?
"I know. I know. I didn't mean to hurt her but Aisha, everything I said earlier was true. She's not yet mine and I'm still not courting her. Alam ko hindi na uso ngayon yung formal na ligawan but I want Rylie to be happy. I want to court her, formally. That's what she likes, Aisha. Sa lahat ng minahal niya, walang nag effort sakanya. You were the one who told me that. Aisha, I want her to feel that she's special."
"Sabagay. Kailan ka pa naging ganyan kasweet?" Sweet ba ko? Tounge na! Sabi din ni Rylie, sweet ako. WTF?!
"Ewan ko. Isa pa, exercise na din yun." I smirked.
"Abno! Paano naman yun naging exercise?" She laughed. Bentang benta ata sakanya yung sinabi ko. Aisha talaga!
"Hindi naman namin sigurado kung kami talaga diba? Hindi naman lahat, nagtatagal. Ayoko na siyang masaktan kaya gusto ko muna siyang ligawan. Siya magdedecide, siya lahat. Gagawin ko lahat ng gusto niya and I will do everything just to please her." I'm just being realistic.
Kaya nga isa pang dahilan kung bakit gusto ko muna ligawan si Rylie dahil malay ko ba kung sinagot lang niya ako kasi akala niya, 'prince charming' niya ko. Malay ko ba kung iniisip niya lang na mahal niya ko kahit hindi naman talaga. I want assurance. Ayoko maging kami ng hindi kami sigurado sa feelings ng isa't isa and I want her to make the decision that's why I want to court her.
"Yeah right. Sira ulo ka ba?! Para saan pa't naging kayo?"
"Kaya nga liligawan diba? Mahal ko ang bestfriend mo pero hindi lahat ng nagmamahalan, nagkakatuluyan. Tingnan mo, hindi pa man nagaaway na kami. Paano pa kaya pag naging kami diba?" Yumuko ako. Bakit ba iniisip kong maghihiwalay din kami? Natatakot ba ko masaktan o natatakot lang akong masaktan si Rylie? Naguguluhan na ko.
"Justin-" Hindi niya natuloy sasabihin niya dahil nagsalita na agad ako.
"Wag ka ng magsalita. Gusto ko lang, makasama siya. Ayoko siyang mawala sa akin. Pero we must face reality Aisha. Kayo ba ni Drei, sure na kayo sa isa't isa?"
"E-e-ewan?" She lowered her head.
"Magsabi ka nga ng totoo. Kilala kita." I furrowed my forehead.
"Nagkakalabuan na kami ni Drei." She frowned."Sabi ko na nga ba. Tangina! Ano na naman ginawa niya, Aisha?!"
"Feeling ko may iba siyang gusto. Hindi lang niya sinasabi. Siguro nga tama ka, hindi lahat ng nagmamahalan nagkakatuluyan. Pero anong exercise ba kasi yung sinasabi mo?" She changed the topic. See? May problema si Aisha. Tss.
"Gusto kong matutunan niyang pahalagahan sarili niya. Dapat hindi siya nagyeyes agad. Dapat isipin niya muna sarili niya bago yung iba dahil sa huli, siya din ang mahihirapan."
"Sobrang concern mo naman!" She laughed pero alam kong malungkot siya. Alam na alam ko. Hindi naman ako manhid para hindi ko malaman na nahihirapan siya.
"Aisha, mahal ko siya. Ayoko siyang nakikitang nasasaktan, inaabuse, inaapi o kahit ano. As much as I want to protect her from everything and everyone, hindi naman sa lahat oras magkasama kami. Gusto ko matutunan niyang ipagtanggol sarili niya para kahit wala ako sa tabi niya o kahit wala na ako, she can still handle herself, perfectly."
"Sige na, ikaw na sweet. Kung hindi lang talaga kita pinsan! Nakooo!" She laughed again. Tangina! Aisha's hurt. Napapansin kaya ni Rylie?
"Abnormal! Kadiri ka!"
"Incest tayo "
"Ikaw lang."
"Loko loko! Ay Justin, gusto mong ligawan si Rylie diba? May plano ka na ba?"
"Oo naman pero err, wala pa. Oo nga pala, alam din ni Lynne na gusto kong ligawan si Rylie. I told her last week. Sabi niya tutulungan niya ko pero hanggang ngayon, wala pa din siyang maisip. May naiisip ka ba? Langya, ang hirap pala manligaw."May binulong siya sakin... Sht!
"Ayoko." I said.
"For Rylie?" She blinked while smiling.
"But-" I lowered my head.
"What?" She frowned.
"Fine! Walang ilaw dapat."
BINABASA MO ANG
Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
Teen FictionPublished under Summit Pop Fiction (English, P175). Grab a copy now!