CHAPTER 2 (Imposible na LALO.)

604K 8.3K 1K
                                    

CHAPTER 2

 

Habang nasa kalagitnaan si Josh sa pagbuo ng aming maligayang fairytale este pangunguha ng aking numero, may isang babae, na nagngangalan na Aisha, ang dumating.

Ry! Ry! Ra-“ Napahinto siya at hindi na natapos buuin pangalan ko dahil sa gulat niya. Nakanganga lang siya habang tinitingnan niya kaming dalawa ni Josh my love.

Uy Aish, bakit?

May sasabihin sana ako pero nevermind. Bakit magkasama kayo?” Tanong niya.

Ah. Ano kasi-

Kinuha ko kasi number nitong kaibigan mo. Okay lang ba?” Sabi ni Josh. Yan ang fighting spirit! GO JOSH!

Hindi pwede!” Nanlaki mata ko sa narinig ko. Aish naman, don’t tell me, ikaw sisira ng fairytale ko? 

Bakit naman, bestfriend?” Tanong ko.

May girlfriend yan!” Sabi  niya habang masama tingin niya kay Josh. Nakakatakot talaga ‘to pag nagsusungit.

M-m-makikipagkaibigan lang naman?

So?

Wala na kami ni Selena.

So?

Anong so?” Naguguluhan na yata si Josh kay Aisha. Baliw kasi eh.

Pag yan sinaktan mo, baka hindi ko lang ilublob yang ulo mo sa drum na punong puno ng mainit na tubig, hindi ko lang paplanstahin ang mukha mo, hindi lang kita mapapatay, MAPUPUNTA KA PA SA IMPYERNO!” 

Ang creepy naman ng best friend ko. Natrauma na siguro siya sa mga lalaki ko dati. Yeah, siya talaga ang natrauma. Hindi ako. Siya!

Wag kang mag-alala. H-H-Hindi ko sasaktan ang bestfriend mo. Friends lang naman kami eh diba?” Tumango ako habang nakangiti kay Aisha.

Joke lang yung kanina. Baka isipin niyo ang weird ko. Pero pag may nanakit ulit sa bestfriend ko, baka pwedeng mangyari yung sinabi ko kanina.” Tumawa na lang ako. Ang weird nga niya. Tumawa din si Josh, pero parang fake. Natakot ata?

"Ano nga pala sasabihin mo?" Tanong ko kay Aish. Parang may sasabihin kasi siya kanina eh pero hindi natuloy dahil sobrang gulat siya na magkasama kami ng crush ko. LOL :">

"Wala. Mamaya na lang sa bahay niyo." Ay? Nagtampo? 

Nasa loob na kami ng classroom. Sympre orientation pa lang ngayon. Isa na lang yung vacant na seat. Yung isang katabi ko si Aish. Pero yung isa, blanko! As in walang nakaupo. 3 seats kasi bawat row. Ayaw ba nila akong katabi? Whyyy? Mabait naman ako ah?

May pumasok naman na lalaki. Mukhang bad trip. Ay! Si Mr. Pogi na masungit kanina, classmate ko?

Huminto siya sa aisle. Tumitingin siguro ng upuan.


Tumingin ako sa chair na katabi ko. Yun na lang ang vacant. 

Meaning, uupo siya sa tabi ko.

Kaso...

Biglang may tumabi sa akin na girl. Kasamahan to nila Selena ah? Yung kasama sa limang witch. Bale si Rhea, Lea, Selena, Dianne and Trina. Si Selena naman ang leader, yung girl friend ni Josh. Ay ex na pala. I feel bad for her. Siguro sobrang sad siya ngayon?

Ay wait! Nagulat ako…

Bigla naman tumayo si Selena at sinalubong si Mr. Pogi.

Hi I’m Selena. And you are?” Inabot niya yung kamay niya kay Mr. Pogi pero si Mr. Pogi hindi siya pinansin. Tumitingin pa din siya ng seats. Kawawa naman si Selena. Ang sungit naman kasi ni Mr. Pogi eh. 

Uhmm...

You can sit beside me.” Sabi na naman ni Selena. Inggit ako! 
 
Sure.. thanks.” Ngumiti naman si Selena pero si Mr. Pogi parang wala lang. 

Magkatabi na sila. Nasa unahan ko pa. Tsss...

Di ako nagseselos ah? Hanggang crush lang ako. Sigurado, sila din naman ni Selena ang magkakatuluyan. 

Si Selena pa, maganda, mayaman, at popular. Ako? Cute, masiyahin at mayaman. Yaan lang ang meron sa akin. Ay meron pa pala ako na wala siya no. Virginity

Paano ko nalaman? Proud kaya siya. HAHAHAHA! Okay Rylie, stop na! Bad yan!

Dumating na ang teacher. Yay! Makikilala ko na si Mr. Pogi.

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon