CHAPTER 49 (Okay, nakapagdecide na ko.)

218K 3.7K 98
                                    

CHAPTER 49


Bakit ko pa kasi nasabi sakanya na di ko alam kung dapat ko siya mahalin?

"Sht!" Sinuntok ko yung wall.

"Alam mo, walang mangyayari kung susuntukin mo yan. Di ka naman susuntukin niyan pabalik. Magmumukha ka lang tanga."

"Hindi ko na alam dapat kong gawin Janilyn. Gusto ko siya layuan dahil alam kong hindi siya titigilan ni Alexa. Kinausap ako ni Aisha, ayaw daw tigilan ni Alexa si Rylie. Kinausap ko si Alexa, hinding hindi daw niya titigilan si Rylie hanggang di ako lumalayo sakanya. Gusto ko na siyang layuan pero hindi sa ganitong paraan..."

"Sundan mo si Rylie."

"Dapat naniwala na lang ako sakanya. Tang!na! Hindi ko na alam kung sino paniniwalaan ko sa inyo." Sumakay na ako sa car at umalis na ako sa bahay nila Janilyn. 

Tinawagan ko si Rylie pero busy. I called Aisha, busy din. I called Lynne, di daw niya alam. Last chance na 'to. Kapag wala, hahanapin ko siya!

"Ate, Si Tyler po 'to. Nandiyan po ba si Rylie? Gabi na po kasi at wala na rin pong dumadaan na bus or jeep."

"Ah. Umalis kanina pa. Pinuntahan ka."

"Sige, thank you." Binaba ko na yung phone. Sht. Saan ba yun nagpunta? Ang lakas na ng ulan! Jamilah, nasaan ka ba!?

*BEEEEEEEP*

May kotse sa harapan ko na biglang pumreno. Muntik na kaming magkabanggan konting konti na lang! Bumaba ako ng kotse kaya bumaba na rin siya.

"Ano problema boss?"

"Pasensya na pate. May babae kasing nakahiga sa gitna ng kalsada. Ang lakas pa naman ng ulan ngayon. Buti na lang nakita ko. Muntikan na kasing masagasaan..."

Pinuntahan ko yung babae...

"Rylie!" Binuksan niya yung mata niya. Half open.

"Magkakilala kayo?"

"Girlfriend ko manong. Sige ho, salamat!" Binuhat ko siya at pinasok sa likod ng kotse para makahiga siya. Pero bago ko pa isara yung pinto, hinawakan niya yung kamay ko...

"Wag mo akong iwan." Sinabi niya habang nakapikit...

"I won't leave you. Hahatid na kita sa inyo, nagaalala na parents mo."

"Di ka ba nagaalala?"

"Sobra..."

"Mahal mo ba ako?"













"Sobra..."

"Bakit di ka naniniwala?" Tumulo luha niya.

Tumabi ako sakanya then I hugged her tightly. Yung parang hindi na siya makakawala kahit kailan. I love her. Sobra! Pero bakit nagdadalawang isip ako kung sino paniniwalaan ko? 

"Kahit naman si Janilyn yung friend ko dati at matagal kong hinintay, ikaw ang mahal ko."

"Di ka pa din pala naniniwala." Binitiwan niya ako. Tumulo na naman luha niya. Mas masakit pag nakikita mo yung mahal mo na umiiyak dahil sayo.

Pumunta na ako sa driver's seat at cinontact ko yung ate niya.

"Hello Tyler? Nahanap mo na ba si Jamilah? Nagaalala na pati si mama at papa."

"Nahanap ko na po siya. Basang basa siya ng ulan."

"Sige. Gabi na, sa inyo muna patulugin si Jamilah kung pwede? Baka mapahamak pa kayo. Malapit lang naman bahay niyo diyan diba?"

"Sige. Ako po bahala."

"Sige Salamat." Ibaba ko na sana pero...

"Wait up- Tyler, I trust you. Please take care of my sister."

"Don't worry. I love your sister. Thank you for trusting me." Binaba na niya yung phone at nag drive na ako. Nakarating kami sa bahay. Tulog na siguro yung kambal, wala din pala si mommy at daddy. Tulog na si Manang. Paano ko bibihisan si Rylie?!

"Rylie, wake up. Kailangan mong magbihis kung hindi magkakasakit ka!" Nakapikit lang siya. Nakakunot pa yung noo. Kumuha ako ng damit sa cabinet nila mommy. Mapayat naman si mommy kaso matangkad. Kasya na siguro 'to.

Paano ko siya bibihisan?

Lumapit ako sa tenga ni Rylie, "Jamilah, come on! Wake up."

"Ayoko." Nagsalubong yung kilay niya. The fudge Rylie?! Hanggang sa pagtulog ba naman, stubborn ka pa din?

Hinawakan ko yung neck and forehead niya and I was right, nilalagnat nga siya. Sobrang taas! Kumuha ako ng towel, water, and basin. Pinunasan ko siya tapos kumuha ako ng malaking damit sa cabinet ko, para maging dress pag sinuot niya. Hindi ko na siya kailangan bihisan ng panjama.

Gagawin ko 'to para kay Rylie. WALANG MALISYA!

Pinaupo ko si Rylie at pinatalikod para wala akong makita. Teka...

Pinatay ko yung ilaw. Ang fail! Takte. Binuksan ko ulit.

Paano ba 'to?! Kailangan ko pang gisingin si Manang?!

Fine. ito na! 















































YES! SUCCESS! PINAGPAWISAN AKO! T@NG!N@!

Binaba ko na yung basin at towel. Nagluto ako ng soup, kumuha ako ng warm water at medicine. Nilagay ko muna sa table tapos bumaba ulit. Nilaban ko yung towel at pinalitan ko ng tubig yung basin. Umakyat na uli ako sa taas...

Pinaupo ko si Rylie at sinubuan ko ng soup. Pinainom ko siya ng tubig at gamot. Then saka ko siya pinahiga at pinunasan gamit yung towel. 

Nagpalit na ako ng damit. Kumuha ako ng upuan at tinabi ko sa bed ni Rylie este bed ko kung saan nakahiga si Rylie. 

I kissed her forehead...

"Sorry babe, I love you."

Gusto kong magalit kay Rylie dahil pinagalala niya kami at pinabayaan niya sarili niya. Paano kung masagasaan nga siya? Hindi ko alam gagawin ko. 

Umupo na ako. Dumukdok ako sa bed ko na hinihigaan ni Rylie at nagisip ng kung anong pwedeng gawin. Wala akong pakielam kung sino si TJ. I just want to love and take care of Rylie. That's all...

"I love you, Tyler."


Okay, nakapagdecide na ko.

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon