CHAPTER 33 (Loading failed!)

279K 4.6K 776
                                    

CHAPTER 33

Ito ako, kanina pa lunok ng lunok. Kinakahaban talaga ko. Nahalata nga ni Tyler eh pero tinatawanan lang niya ko. Ipapakilala lang naman daw niya ko as his friend. Nag blow ako ng malakas. Hindi kasi ako makahinga eh...

"Wag ka ngang matense pero uhmm just be prepared, Jamilah. Madami na kong friends na nameet parents ko. Lahat sila natatakot." He sighed. Lumunok ulit ako.

"T-Tyler, uuwi na lang ako. Byebye!" Maluha luha na ko. Nakita ko naman siya na pinipigilan tawa niya. Ang bait bait naman ni Tyler. Nakatulong talaga siya, grabe. Nakatulong sa pagpapatense lalo sakin. Ang lakas tuloy lalo ng tibok ng puso ko...

Kaibigan ko naman si Tyler at madami na akong kaibigan na nameet ko na yung parents nila tapos di naman ako kinakabahan pero bakit ngayon, sobrang kinakabahan ako?! Sa lahat ng parents ng kaibigan ko na nameet ko, sakanya ako pinakakinakabahan. Shems.

"Hindi pwede. Nasabi ko na sakanila eh. Sige ka, gusto mo bang magalit sila sayo?" Tiningnan ako ni Tyler ng seryoso kaya napalunok ulit ako. Ganun ba kastrict parents niya?

Nag sigh na lang ako. Bakit ba siya ganito? Imbis na i-comfort ako, lalo pa akong tinatakot.

Umiing iling ako ako at yumuko.

"Gusto mo na umuwi diba? Okay lang naman. Umuwi ka na." Bakit ba iniinis niya ko? Kanina lang ang sweet sweet niya tapos ngayon naman, ganito na siya. Amp.

"Ang sama mo, Tyler! Ang sama sama mo." I said pero mahina lang. Mukhang narinig niya kasi ngumisi pa siya. Bakit ba siya ganyan? T___T

"Nandito na tayo." Bumaba na kami ng jeep. Hinawakan niya kamay ko kaya napatingin ako sakanya. Hindi siya nakatingin sa akin, nakayuko siya at nakangiti. Nung aalisin ko na yung kamay ko, lalo pa niyang hinigpitan pagkakahawak sakin. 

"Tyler, ano nakain mo? Kanina, sweet ka tapos nung medyo kanina, iniinis mo ko tapos ngayon, sweet ka ulit. Hindi lang yun, ngumingiti ka ng walang dahilan. May problema ba?" Tumingin siya sakin ng nakakaloko.

"Malaki. Malaki problema ko." Sabi ko na nga ba may problema siya. Naglalakad pa din kami at nakahawak pa din kamay niya sa kamay ko... ng mahigpit...

Huminto ako at humarap sakanya...

"Ano? Nandito naman ako, I'm ready to listen." I told him and looked at him sincerely. Ngumiti naman siya. Huuuh? 

"Nababaliw na ko..." Pansin ko nga din eh, "sayo." Ha?

Muntik ng malaglag panga ko sa sinabi niya at pumikit pikit ako. Pagkatapos nun, tahimik na kaming naglakad. Wala akong masabi, bakit ba?! Kailangan ko ng tubig! Nalunok ko na lahat ng laway ko. Madedehydrate na ata ako.

Nilobo ko na lang pisngi ko para di ako mangiti. Tyler, bakit ka ba ganyan?

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon