CHAPTER 21 (Pagiisipan ko.)

324K 4.7K 828
                                    

CHAPTER 21

It's been two weeks since nag stay sila Tyler sa bahay namin. Namimiss ko na nga yung kambal eh. Okay fine, namimiss ko na din si Tyler. Kasi naman, hindi niya ako pinapansin since umalis sila. As in, hindi talaga. Alam mo yung kausap na... ay ewan! Puro about school works and other stuff. Nakakabaliw. Buti na lang talaga, madaming ginagawa sa school. 

On the brighter side, wala ng nagpapadala ng hate mails sa akin. May mga nagsosorry pa nga eh. Syempre, pinatawad ko na dahil mabait naman akong anghel. LOLOLOL. At isa pa pala, wala na rin akong naririnig na pangalan ko sa hallway. Ay, meron pa pala pero konti na lang.

On the worst side naman, naloloka ako! Hindi ata naisip ni Tyler na kapag sinabi niya yung totoo sa lahat, iisipin ng iba, barbero ako kahit totoo naman. Kasi eh, ang haba ng kinwento ko sakanilang love story namin ni Tyler. Ayan tuloy, kinukulit nila ako kung gawa gawa ko lang ba yun o baka naman isa na naman sa kasinungalingan namin. Ito naman ang sabi ni Tyler sakanila...

"Most parts are true. Actually, isa lang naman yung kasinungalingan doon eh. Yun ay yung girlfriend ko siya pero the rest, totoo na. Kayo na bahala kung maniniwala kayo o hindi. But don't blame her. It's all my fault. She just saved me from a witch.

 In fairness, sinabi niya yun para di na ako guluhin ng mga tao. Gusto ko nga na may umaaway sakin eh kasi lagi niya akong pinagtatanggol. Pag wala kasing umaaway sakin, di naman niya ako kinakausap. Hehehe. Syempre, biro lang. Ayoko ng may kaaway no!

"Rylie, may napapansin ka ba kay Justin?" Tanong ni Lynne. Nandito kami ngayon sa bench. Hindi pa naman time kaya tumambay muna kami ni Lynne. Wala kasing magawa sa loob ng room at isa pa, nandoon si Tyler.

"Lately naman kasi, iba't iba na kasamang girls ni Justin. Labo nga eh. Sinulat ko pa nga yung mga names nila oh. Look!" Tiningnan ko naman. May maliit kasing notebook si Lynne na lagi niyang dala. May pagkanerd yan eh pero hindi naman halata. And journalist din yan sa school namin. Lumalaban nga siya sa kung saan saan eh. Galing!

Janilyn

Ariza

Britney

Cindy

Georgina

Rhea

"Ikaw talaga Lynne! Baka friends lang sila." Sabi ko sakanya. 

"Ah. Okay. Bahala ka! Basta pag niloko ka ng lalaking yun, wag mo ng sagutin ha." Alam na nga pala niya LAHAT LAHAT! Pati yung tungkol kay Alexa. Ahh basta, lahat! 


"Hindi naman nangliligaw e. Eh bakit nga si Brylle? Hindi ka naman niloloko pero ayaw mo sagutin?" I poked her side stomach at tiningnan ng nakakaloko kaya tiningnan niya ko ng masama.



"Ibang sitwasyon na yun no. Naghihintay lang ako ng right time." She smiled. Yung smile na kinikilig? LOL. Ito talagang si Lynne, pakipot kahit kailan!


"Kailan ba ang right time?" I asked para mawala yung topic sakin.


"Sa tamang panahon. Basta kasi. Teka, ikaw yung topic ah? Bakit napunta sa akin?"

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon