CHAPTER 28 (Need a shoulder, miss?)

338K 4.9K 465
                                    

CHAPTER 28

Ayoko na! Nasstress na ko. Masyado na akong busy! Wala na kong social life! Ang social life ko na lang eh si Tyler. Yung mga kabigan ko kasi, busy din. Busy sa lovelife, school works, at clubs nila. Kailangan din namin mag exam sa mga college entrance exams. Hindi ko nga alam kung saan o ano gusto kong course at school eh. *SIGH*

Pero alam niyo, sobrang laking pasasalamat ko kay Lynne kasi ginawa niya yung quizzes, seatworks, pati lecture ko nung nagkaallergy ako. Ang laking bagay nun sa grades ko! Hayy. Ililibre ko nga dapat siya eh kaso tumanggi naman. Nakakapanibago...

"Jamilah!"

"Ay butiki!" Bakit ba sobrang magugulatin ko? 

I saw him smile. Err. Oo, si Tyler nga yung tumawag sakin. Siya lang naman yung tumatawag sakin na Jamilah. Ayoko nga eh kaso nahiya naman ako kasi Tyler tawag ko sakanya. Eh diba ayaw nga niyang nagpapatawag ng ganun sa iba? AKO LANG DAW! AKO LANG!

"Bakit boss?" Tanong ko. Bakit ba? Boss ko siya eh. 

"May utos ulit ako." Seryosong sabi niya. 

"Ano po yun?" I smiled.

"Samahan mo ako sa mall. No ifs no buts. Let's go!" Kinuha na niya yung bag ko at hindi na ako nakaangal. Sumunod na lang ako sakanya at ito, pinagtitinginan na naman kami ng mga estudyante lalo na yung mga chismosa. Leche! Sabi naman sa inyo diba? Siya na lang ang social life ko! Buti na lang, gwapo siya kaya hindi ako nagsasawa sa pagmumukha niya...

Next thing I knew, nasa spa na kami! 

"Akala ko ba mall?" Tanong ko na halatang nagtataka...

"Masyado ka na kasing stressed. You need it, trust me." He smiled again tapos pumasok na kami. Syempre kung anu ano yung ginawa namin. Nag hubad, nag bathrobe, naligo, bumabad sa mainit na pool, nag sauna, and last but not the least, nagpamassage. Kumain din kami pero since matagal akong kumain, inabot na kami ng sobrang gabi. 5 PM kasi kami umalis sa school eh.

Grabe! Kung hindi lang ako si Rylie at kung hindi lang siya si Tyler, iisipin kong nanliligaw siya sakin. Biruin niyo, slave ako ha. SLAVE, KATULONG, UTUSAN, HUANAPO (Chinese of katulong), YAYA, AT KUNG ANU ANO PA pero parang ako yung pinagsisilbihan niya.

Gets niyo ba? Uutusan niya akong ibigay sakanya yung mga librong hawak ko para siya yung maghawak, uutusan niya akong kumain kasabay niya tapos libre pa niya, at kung anu ano pa. Everyday yun, almost 24/7. Akala tuloy ng madami, nanliligaw siya sakin.

Ito pa! Ito pa! Lagi siyang nasa bahay namin at lagi din akong nasa bahay nila. Kulang na lang, mag live in kami pero syempre joke lang yon. Pero walang halong biro ah, hindi pa ba nagsasawa si Tyler sa mukha ko?! O_______O

"Ano, ayos ba?" He winked. Naramdaman ko naman na nagblush ako kaya I looked away.

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon