LTMB-1 "Lunch"

11K 118 2
                                    


******


Queen's POV



"What's this? Tell me ano to? Stop giving me bull craps and hand me a good proposal!" Pinagmasdan kong nanginginig ang isa sa mga empleyado ko't hindi manlang makasagot sa tanong ko.




All this stupid proposals are getting my head aching. Di ko na kaya, feeling ko kapag nagpatuloy pa 'to mababaliw na 'ko ng tuluyan! Gusto ko mang wag muna mag trabaho hindi pwede, dahil matatambakan naman ako ng trabaho.




"Ms. Tanaka. Your mom is on the phone." I motioned Love- my secretary to give me the phone and leave. Pagkaabot na pagkaabot saakin ng telepono ay bumungad agad saakin ang mala-armalite na bunganga ng mommy ko.




"Why do you have that kind of atittude! How can you fire thirty employees in a day! What if all of our employees get scared of you! What will you do if there's only Love willing to work for you!? Maging mabait ka naman! And watch that mouth of yours, stop threatening them. Takot na takot sila sayo, base sa report saakin. Be nice Queen change that atittude! Oh... before I forget may sasabihin akong importante about your fath-"




I was waiting for her to speak up pero biglang nawala sya sa linya. Siguro na pindot yung end call.




"Ms. Tanaka, eto na po yung bagong sets ng proposals. I'll just leave it here." Tinanguan ko si Love at kinuha ng isang folder mula doon sa binaba nyang bagong proposals, pero unang page palang ang na babasa ko puro butas na ang proposal na 'to, nag iinit ang ulo ko puro palpak kase ang ipinapasa nila lately.




Dati naman hindi ganito! Naalala ko pa noong bago pa lamang ako sa pagpapatakbo, the work here is running smoothly wala pang gano na problema, nag simula lang noong may naging karibal kame na isa pang kompanya. Tsk.




Babasahin ko na sana yung isa pang proposal pero nadistract ako sa pag kalampag ng tunog ng  sapatos na may heels, I looked up and saw Faye and Adi infront of me all smiles.




"Hi queen. Kamusta ka naman?" Inirapan ko si Faye sa tanong nya, hindi ba obvious na di ako okay? I pulled three all nighters and I haven't left my office.

Loving The Mafia Boss  [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now