LTMB-28 "Princely affection"

1K 24 0
                                    

Prince's POV

"The beauty that never fades, its you My Sweet Ai." I've been watching her sleep for about an hour and a half almost two hours na din.

"Have you slept like this all your life?" Marahan kong tinanggal ang nakatabing na buhok sa kanyang mukha, ngayon kitang kita ko na ulit ang sleeping face nya, with slightly opened mouth.

"Queeeen! Nandito ulit ak-" binalingan ko ng isang masamang tingin ang bagong dating na si Gabi, tsk, distorbo na naman.

Sinenyasan ko sya ng wag maingay at itinuro si Queen kaya naman napatango tango sya ng dahil don, ingay ingay, papaansin 'tong.

"Ano na namang ginagawa mo rito? Wag mo nga kameng istorbohin ni Ai." Inis na baling ko sakanya, I know I'm usually a friendly guy but I'm not if its with my rival ofcourse, he's a treat! Isa pa yung Love na yon! Akala nya ha! Aagawin ko si Queen sakanya!

Bumalik na si Ai saamin ni Ivan, ibig sabihin lang non, malapit narin matapos ang relasyon nila nung hinayupak na Love na yon, kung sya ang naging dahilan kung bakit umalis si Ai at iniwas si Ivan, pwes si Ivan at ako naman ang magiging rason para iwan ni Ai si Love na yon.

Hmmp. Walang ibang aangkin kay Ai kundi saamin ni Ivan. Amin lang sya!

At kahit itong Gabi na to! Hindi nya maiisnatch ang Ai ko- este namin.

"Epal mo! Sinabi saakin ni Queen na hindi pa sya kasal and that means hindi ka nya asawa! Masyadong feeler." Bahagya pa syang tumalikod at tumawa tawa, aba't! Gago 'to a.

"Tsk. Papansin mo! Sinabi rin saakin ni Queen na itratrain ka nya na maging isang pulis, para hindi ka na mag 'feeling' pulis tsaka para di nya na ulit iligtas ang buhay mo! Tsk. Nakakahiya ka, lalaki ka pa naman tapos babae magliligtas sayo, bading." Ako naman ang bahagyang napatawa sa reaksyon nya, namula ito at nag iwas ng tingin, reminds me of queen, but its not so it's iritatingly gay pagdating sakanya.  Pfft, bakla.

"Oy lambot ano pang pakay mo dito? Tulog si Queen kaya di mo sya madidistorbo kase baka ikaw ang matulog pag ginising mo sya. Layas na! Shooo." Pagtataboy ko sakanya palabas pero inilingan nya lamang ako na ikinataas ng kilay ko. Anong trip netong lambot na ito.

"I'm on duty, pinagbilinan ako ni Adi. Baka mapatay ako non kapag hindi ko kayo binantayan ngayong gabi, atsaka baka gahasain mo pa si Queen. tsk" napangisi ako sa sinabi nya, I know this body well, at alam kong hindi pag gahasa ang ginawa ni Ivan kay Queen. Maybe I can brag a little kahit na hindi ako yon kundi si Ivan right?

"Believe me little kid, you don't need to know about our love making. Hindi yon pede sa batang malalambot." How amusing, his expression right now is so priceless, mukha syang sasabog sa sobrang inis.

"No. Ang epal mo! Alam kong nag sisinungaling ka lang, di yon gagawin ni Queen!" Nag taas ang kilay ko sa sinabi nya. Sumeryoso ang tingin ko sakanya at umayos ng upo.

"Bakit? Do you know Queen that much? Did you made her laugh and cry already? Do you know the pain she felt? Kase kung hindi, hindi mo rin alam kung hindi o gugustuhin ni Queen gawin yon kasama ako..." napangisi ako lalo ng makitang na taken a back sya sa sinabi ko, what a big mouth he has. Tsk. I hate his guts.

"Oh...before I forget, did you know that I was her first love, and first loves are the hardest to kill." Kinindatan ko sya at ngumisi. Shove that to your little head, I have a great advantage here.

"Hmm. What the hell ang iingay ninyo!" Napansin ko ang pag galaw ni Ai sa gilid ko at tinulungan ko itong tumayo. Bahagya pa nitong minasahe ang sintido, agad naman akong sumaklolo sakanya.

Tsaka tinulungan sa pag masahe sa sintido nya at napansin ang medyo mainit sya, she's hot- I mean literally hot. Nagkasinat uli sya tsk. Yan kase e. 

"You have a slight fever. Let's get you wrapped, linalamig ka." Napansin ko kase ang medyo pagyakap nya sa katawan nya, manipis kase ang hospital gown kaya siguro ganon. I stood up and let her lay on my bed, I can see her once sparkiling eyes grew weak, parang inaantok pa talaga sya.

"Sleep, love. Sleep. I'll be watching over you don't worry." Tumango ito and reached out for my face, and met her lips to mine, I smiled in between the kiss. As I thought...Ai's lips will always be the sweetest.

"Tsk. Makaalis na nga.... kaya mo na naman siguro?" May pagka inis ang sabi nya sa unang mga salita nya pero noong tinanong nya kung ok na ako tsaka gumaan ang pagbigkas nya, he's not that bad after all.

Tinanguan ko ito.

"Oo 'tol. Kaya ko na 'to." I replied and didn't get any response from him, at ang tanging ingay na nakuha ko ay ang pagsara ng pintuan.

It's just me and you again my Ai.

*******

"Hoy Prince! Saan mo ba ko dadalhin? Patay ako sakanila Faye kapag nalaman na tumakas tayong ospital, hindi pa tayo pinapayagan madischagre" hampas hampas nya ako kanina pa while I drive. It's been a whole week, ayos na naman ang kalagayan naming dalawa, sinasabi lang ng mga doctor na hindi pa pede kase di pa enough yung pahinga.

Well I cannot wait any longer for a date so I rushed one and took Ai with me without her consent alam ko kaseng hindi sya papayag kahit na sabihin ko sakanya ang plano ko. Tulog sya tge entire time, I did everything; including the change of clothes Ai is wearing, di naman pedeng naka hospital gown sya diba?

"And whats with the clothes? Are we going on a party or something, bakit ako naka-ball gown?" Nginisian ko sya at ipinokus ang tingin sa daan. As much as I want to tell her now I want to surprise her and let her see for herself what I'm intending to do.

"You'll see my sweet Ai, you'll see."

Loving The Mafia Boss  [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now