Chapter 1

303 11 6
                                    

Naiyukom ko ang mga kamao ko habang nakadapa sa lupa. Naghahabol narin ako ng hininga dahil sa pagod. Ilang oras naba namin itong ginawa? Hindi ko na alam. Gusto kong tumayo pero nanginginig ang mga tuhod ko at baka kapag pinilit ko ang sarili ay mahimatay na ako.

"Stand up Maya. Hindi pa tayo tapos. You need to train more"malamig na wika ng Dad ko. Gusto ko ng umiyak sa harapan niya pero pinigilan ko lang. Baka pagalitan pa niya ako kapag nangyari iyon. Ayaw niya ng mahina. Ayaw niyang kaawan ako ng maraming tao pero hindi ko kayang tumagal kapag ganito nalang parati.

"I'm tired Dad. I want to rest please" pakiusap ko sa kanya pero binigyan niya lang ako ng walang buhay na tingin. Napalunok ako at napapikit. Baka pagalitan na naman niya ako.

"Zach, let her rest. Ilang oras na kayong nagtetraining"galit na wika ni Mom. Sinamaan niya ng tingin si Dad at kinarga ako. "She's just 7 years old Zach, hindi niya kaya ang training na pinapagawa mo. Wait until she reach 10 or above. Bawas-bawasan mo ang hirap ng training niya" wika ni Mom. Dad gritted her teeth but he didn't burst out. He loves mom so much so I know he can't hurt her. Dad is sweet and caring to his family except in training. He is really strict.

"She needs to control her abilities Bianca."pagrarason pa ni Dad. Umiling si Mom. "I know and I told you I will help you train her too pero huwag namang ganito. Mahina pa ang katawan niya dahil bata pa siya. Madali lang siyang mapagod kaya bawasan mo ang pagpapahirap ng training niya. Your son and Maya are different. You know that Maya was born weak and fragile. Huwag mong biglain ang katawan niya sa ganitong klase ng training" natahimik si Dad at malakas na napabuntong hininga. Lumungkot din ang mga mata niya.

Lumapit siya sa amin ni Mom at kinuha ako. Niyakap niya ako ng mahigpit at naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. "I'm sorry anak. Hindi na kita pahihirapan sa susunod mong training" anito. Hindi ako sumagot at tumango lang. I know Dad is strict and a little cold sometimes. I already said this, he is sweet and caring especially to his family. Kahit na hindi nila ako tunay na anak ay itinuring parin nila ako na parang sa kanila.

"It's fine Dad. I understand" sabi ko.

"Pumasok na tayo at kakain na" sabi ni Mom na ngayon ay nakangiti na sa aming dalawa ni Dad. Pumasok na kami doon at naabutan namin si Zachary na binabantayan ang dalawang taong gulang niyang kapatid. Zachary is their son and he is 4 years older than me and then there's Briar, our baby sister. Napatingin siya sa akin at lumukot ang noo niya. Nawala din iyon kalaunan at napalitan ng pag-aalala. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at bumaba na sa pagkakakarga kay Dad.

Kinuha ni Mom si Baby Briar at pumunta na kami sa kusina. Nakahanda na ang mga pagkain doon kaya umupo na kami. Mom prayed first before we started eating. Tahimik lang kaming kumakain nang biglang magsalita si Dad.

"Maya" tawag nito sa akin. Napantingin naman ako sa kanya. "Bakit po?"

"About the adoption. Is it okay with you?" tanong ni Dad. Hindi agad ako nakasagot sa kanya. I still don't know how to handle myself about that topic. If they will succeed in adopting me, my surname will change. Iyon lang ang naiwan sa akin ng mga magulang ko kaya nagdadalawang isip ako sa pagpayag.

"No" malakas na wika ni Zachary kay Dad kaya napatingin silang dalawa ni Mom sa kanya. Magkasalubong ang kilay ni Zachary at parang galit na galit. "I don't want her to be my sister Dad" anito. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa sinabi niya. He doesn't want me to be with his family? Kaya pala ayaw na ayaw niyang tinatawag ko siyang Kuya. Yumuko nalang ako at pinigilan ang mga luha ko.

"Zachary, nasa harap tayo ng pagkain. Don't raise your voice especially to your Dad" Mom said but Zachary is still angry looking at Dad. HIndi ko alam kung ano ang nasa isip ni Dad pero nakatingin lang din siya kay Zachary.

The Wicked WeakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon