Zelina "Princess Last Desire"

545 18 1
                                    

Introduction:

Lumipas ang isang buwan at natiyak na ni Zelina na buntis siya.Hindi na dumating ang kanyang menstruation.Mission accomplished,sa loo-loob ni Zelina.Dala niya sa sinapupunan ang anak nila ng kanyang kabiyak.

Nasisiguro niyang magiging napakagandang bata ang isisilang niya.Ma-lalake man o ma-babae.Lumipas ang araw at buwan kina David at Zelina.Naging saksi sila sa paglaki ng sanggol.Naging maalaga sa kanya ang kanyang asawa.Pinagsilbihan siya nito at halos ayaw siyang pakilusin at baka daw siya makunan.

Hatinggabi nang makaramdam ng labor pain si Zelina.Ginising niya ang asawa.Papungas-pungas na bumangon si David na nasa kanyang tabi.

"O,Bakit?Ano'ng problema?"tanong nito.

"Sumasakit na ang tiyan ko.Manganganak na yata ako.Kailangang dalhin mo na ako sa ospital."namimilipit niyang paliwanag sa asawa.

Parang ipu-ipong kumilos naman si David.Ang sabi ng doctor sa kanila ay may dalawang linggo pa bago sila magcheck-in sa hospital ngunit manganganak na ang kanyang asawa.Parang mali naman ang bilang ng doctor.

Mabuti nalang at handa na ang kanilang kagamitan na dadalhin sa hospital.Dahil private ay nagpareserved na sila ng delivery room bago pa ang nakatakdang araw na pagsilang ni Zelina.Agad niyang binuhat ang asawa at ipinagmaneho papuntang hospital.

Ilang sandali pa at nasa emergency ward na sila ng hospital.Inasikaso naman sila agad ng mga doctor at nurses na naroon.
"Lumabas na po muna kayo,Sir," sabi ng isang nurse kay David."Maghintay nalang kayo sa waiting room."

"Hindi ba puwedeng bantayan ko ang misis ko?Baka naman puwede akong pumasok sa loob?"

"Hindi po,eh.Labag po iyon sa alituntunin ng hospital na ito."

Napilitang lumabas sa emergency room si David.Naisip niya na kung naroon siya tabi ng asawa ay bibigyan niya ito ng moral support.Alalang-alala si David.Lihim na naidasal na sana ay hindi naman mahirapan si Zelina sa panganganak.Pabalik-balik siyang palakad-lakad sa waiting erea na parang hindi mapanganak na pusa.

Ilang oras din siya sa may waiting erea.Inip na inip siya.Tila nai-imagine niyang nahihirapang manganak ang kanyang asawa.Nakaramdam na rin ng gutom si David at gusto sana niyang pumunta sa canteen ng hospital pero ayaw niyang umalis sa kinaroroonan.Baka hanapin siya ng doctor habang nasa canteen siya.

Maya-maya ay nakita niya ang nurse na kumausap sa kanya sa emergency room kanina.Agad niyang sinalubong ito.Ngumiti ang nurse.Nagsalita na ito kahit na wala pang itinatanong si David.

"Mayor Sanchez,nakapanganak na ang misis mo.Isang napakaganda at napakalusog na babae."

"Salamat sa Diyos."

"Congrats po."

"Si...sino ang kamukha?"

Natawa ang nurse.
"Masyado po kayong excited,Sir.Pero sa mga sandaling ito,hindi pa natin masabi kung sino sa inyo ang kahawig ng sanggol.Napakaaga pa.Pagkalipas po ng isang linggo,malinaw na ang features ng baby niyo."

"Salamat.Can I just see my wife right now?"

"Nasa recovery room po at natutulog dahil sa sedative na injection na ibinigay dito.Medyo nahirapan po kasi sa panganganak ang misis niyo.Medyo malaki kasi ang baby."

Zelina "Princess Last Desire"Where stories live. Discover now