Zelina "Princess Last Desire"

259 14 1
                                    

Chapter6

Pagkalabas ni Jazz sa coffee shop ay nakita niyang nakatayo si Jack at nag-aabang ito sa kanya.He looked dashing in white shirt and jeans.Nakapamulsa ito habang nakasandal sa nakaparadang sasakyan.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"gulat na tanong niya sa lalaki.Hindi niya naitago ang pagkakilig nang makita niya ito.

"Sinusundo ka,"nakangiting sagot nito na sinalubong siya."I'm your bodyguard,remember?"

"Hindi ko kailangan ng driver at bodyguard,"aniya.

"Ayaw mo bang sumakay sa kotse ko?"

"May pang-jeep ako."

"Oh,c'mon.Dream mo naman talaga ang yumaman di'ba?Why don't you accept my invitation to hop in my car.Mas gusto mo bang sumakay sa kotse ni Mr.Sanchez kaysa sa kotse ko?"

Pinuntahan ba siya ng lalaking ito para asarin?
"Who cares?"simangot niyang sagot sa lalaki.
"I'm not interested with you.Isa pa,kapag nalaman ni Mamita na sinusundan mo ako,tsk!Patay kang Jack ka."nakataas ang kilay niyang sabi rito.

"In that case,I should say,ginagawa ko lang ang trabaho ko,Senyorita."ani Jack sa kanya.

"So,kotse mo ba talaga 'yan?"

"Hindi.Hiniram ko lang."mabilis nitong sagot.

"Walanghiya ka.Lubayan mo ako!Buwisit!"umuusok ang ilong niyang naglakad palayo sa lalaki.

Naglakad siya ng mabilis.Ngunit nahabol pa rin siya ni Jack habang nagmamaneho ito.Binuksan nito ang driver side window at tinatawag ang pangalan niya.Pero hindi niya iyon pinansin at patuloy lang siya sa paglalakad.

Bahala kang mamaos,ani Jazz sa kanyang isipan.Habang naglalakad ay tila may naramdam siyang may nakasunod sa kanya.Kanina pa may nagmamatyag sa kanya ngunit tila hind siya nahahalata ng sumusunod sa kanya.Na sense niya iyon kanina pa sa cafeteria.

Nang tumigil si Jazz ay tumigil din ito.Nang lingunin ni Jazz ay wala na ang taong sumusunod sa kanya.Binilisan ni Jazz ang paglalakad.Tuloy ay ninerbiyos siya kung sino ang nasa likod ng sumusubaybay sa kanya.

Mabilis siyang naglakad.Nang pagliko niya sa isang pasilyo ay meron siyang nakabanggaan.Sa gulat ay napasigaw siya ng malakas.
"WHAAOO!Oppss!"

Pag-angat niya ng mukha ay sumabay naman ang nakabanggan niya sa pag-angat rin nang mukha.Nagkauntugan ang kanilang mga noo at sabay nasapo iyon.

"ARayyyy!Nanadya ka ba?"sigaw ni Jazz.Pagkalingon niya ay laking gulat niya nang mapagtanto kung sino iyon.
"Walanghiya ka!Ikaw na naman?"

"Ayaw mong sumakay sa kotse ko kaya sinundan kita."

"Walanghiya ka!Nanakot ka,eh!"mangiyak-ngiyak na sabi niya rito.

"Sorry,sorry,hindi ko sinasadya,"hinging paumanhin nito.

Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Jazz.Sino ba talaga ang Jack na ito sa buhay ng kanyang Mamita?Nakakapagtaka lang dahil bakit biglang bumait ito sa kanya.

Zelina "Princess Last Desire"Where stories live. Discover now