Zelina "Princess Last Desire"

231 13 0
                                    

Chapter8

David told to Zelina about Jazz.Sympre ayaw niyang ilihim iyon sa kanyang asawa.Isa pa naiintindihan naman siya nito.They always like to help those in need lalo na sa mga kabataang nais makapag-aral.

"I want to meet her,Hon,"ani Zelina.Nasa balcony sila ng hapong iyon habang nagkakape.

"You don't believe me if I say may hawig kayo ng batang iyon."natatawang reaksiyon nito.

"Baka nagkataon lang 'yon."sagot ni Zelina sa asawa.

"You met her before noong birthday party ni Sonia.Actually,inamin niya sa akin ang totoo noong isang araw na inimbitahan ko siyang magkape para ibigay ang resibo ng uniporme niya."ani David.
"Sinadya niyang magpanggap na isang pulubi para mapalapit sa atin at sinadya rin niyang magpabangga.Nakakatawa pero parang may konekto tayo sa batang iyon,"umiiling na sabi pa nito.

"Mukhang napapalapit ka na sa batang iyon,ah?I think she's a very good actress dahil nakuha na niya ang loob mo,"kunway nagtatampong wika ni Zelina.

Natawa naman si David sa ekspresyon ng kanyang asawa.
"Sa tingin mo naman kaya kung magloko ngayong nasa edad na tayo.We've been married for almost 17years."

"Wala naman akong sinasabing ganun.Isa pa,ikaw ang Mayor nang lugar na to.'Baka isipin ng mga tao o baka mapagkamalan ang batang iyon na kabit mo at mapahamak pa ito.Alam mo naman ang mga tao sa paligid."

"Nagseselos ka ba?"pagbibiro ni David sa kanya.

"Sa edad kong ito,ako magseselos?No way!"

"Kaya mahal na mahal kita,eh Mrs.Zelina Magno Sanchez."at saka kinindatan pa nito ang asawa."Kilala na kita noon pa."

Inirapan ito ni Zelina.
"Wala na po tayo sa mid-twenty,nasa mid-forty na tayo."

"Pero kinikilig ka pa rin?"

"Sus!Akala mo lang iyon,Mayor David Sanchez."

Hanggang sa naiba na ang takbo ng usapan nila at napunta na sa kulitan ng kanilang nakaraan.
Ngunit dinig ni Sonia ang lahat.Nagdeposito ang kanyang ama ng fifty-thousand para makapag-aral si Jazz sa isang kilalang unibersidad at makapagtapos ito sa kursong kinuha.

Hindi pa isang ordinaryong kurso ang kinuha nito.She want to be a Laywer.At malaki ang standard na makapasa ito sa board dahil Validictorian ito noong nagtapos ng High School.
Hindi niya hahayang agawin ni Jazz ang puwesto niya sa kanyang mga magulang.
Never!

Nasorpresa ang kanyang kaibigan nang ibinalita niyang ipina-enroll siya ni Mayor Sanchez para muling makapag-aral.Naging prangka naman sa kanya si Daisy.Na walang duda raw na may hihinging kapalit sa kanya si Mayor balang araw.

Sa bagay na iyon,handa naman ang kanyang kaisipan.Kung ano man ang hihingiin nitong kapalit,ibibigay niya kung kaya lang naman niyang ibigay.Kahit na wala silang usapan,kahit na sino,iisipin talagang may hihingiin itong kapalit.

Saka hindi na muna niya guguluhin ang kanyang isipan tungkol doon.Hihintayin na lamang niya ang sandaling kausapin siya ni Mayor Sanchez.Sa,ngayon ay itutuon na muna niya ang pansin sa kanyang pag-aaral.

Hindi niya sisirain ang ibinigay sa kanya na tiwala at pagkakataon ni Mayor.Isang pabor ang ginawa nito.Masuwerte siya at nakilala niya si Mayor Sanchez.Dodoblehin niya ang sipag sa pag-aaral.

Pasado alas-otso na nang dumating si Jazz sa beauty parlor na papasukan niya.Extra income para makaipon siya ng konting pang-gastos sa pamasahe at pang-kain.Ayaw naman niyang iasa sa lahat kay Mayor Sanchez.Masyado na siyang maka-sarili kung ganoon.

May costumers siyang naabutan roon,dalawang babaeng nagpapa-foot spa at magpapa-pedicure.May special discount kasi sa beauty parlor kaya naman maaga palang ay may mga costumers na.

"O,mabuti naman at narito ka na,"salubong sa kanya ni Barbie na siyang may-ari nang parlor.
Berto Bartolome ang tunay nitong pangalan at siya rin ay Tita-Tito ni Daisy.Kaya naman naman naka-tyamba siyang nakapasok sa parlor nito.

"Late na po ba ako?"nag-aalalang tanong niya.

Tinignan siya ng makahulugan ni Barbie.Nagtaka si Jazz nang iabot sa kanya ni Barbie ang tatlong pulang rosas at isang malaking supot ng mansanas.

"Para saiyo ang mga 'yan."

"Kanino po galing ang mga ito?"nagtataka niyang tanong.

"Kanino pa ba?E di,sa very loyal mong manliligaw na si Nicoh.Hindi ba't araw-araw naman 'yung nagbibigay saiyo ng bulaklak at iba't-ibang pagkain."

"Sana pinera lang po niya.Hindi ko naman ito mapapakinabangan sayang lang ang ginagastos niyang pera.Ang hirap kayang hanapin ang piso sa buong maghapon."

"Ikaw talagang bata...nagiging praktical ka na."

"Totoo naman po,eh.Isa pa,aanhin ko ang mga bulaklak kung malalanta rin lang.Hindi kagaya ng pera,nai-ipon."

"Wala ka bang balak sagutin ang batang 'yon?Guwapo naman siya,mayaman at saka isa pa matagal nang bali-balita na nagkakaintindihan na kayo."

"Wala po,"iling ni Jazz kay Barbie.
"May pangako po kasi ako sa sarili ko at sa mabait na taong nag-sponsor sa akin na pagbubutihin ko ang pag-aaral ko and no hindrance for this coming months and years."

Ngunit nasagi ng isip niya si Jack.Kung ito kaya ang nagbigay ng bulaklak sa kanya at mga prutas baka sakaling tanggapin pa niya.Bakit ka naman niya bibigyan?Hindi ka naman niya nililigawan nung tao.Tanong niya sa kanyang sarili.

"Mukhang desidido kang makapag-tapos,ah.Go girl."wika ni Barbie na pabiro pa siyang kinurot sa tagiliran.
"Mas masaraming guwapo sa mga University.Kaya be awere!"

Tinawana na lang ni Jazz ang tsismosang bakla.

"Work na tayo,Bebe,"palatak nito na ikinumpas-kumpas pa ang kamay sa hangin.

Tumango siya rito.Nang akmang aasikasuhin na niya ang kanilang costumer para punasan ang paa nito ay muling nagsalita si Tita Barbie.

"Ang masasabi ko lang,hindi pa kasi kumakatok sa iyo ang true love.Pero kapag dumating na ito ay hindi mo na puwedeng iwasan at tanggihan.Kahit ano pa siya ay tatanggapin mo,kasehadong nagbobote't diyaryo lang siya o driver lang ng dump truck."

"Masyado pa po akong bata para diyan,"ani Jazz.
"Meron po akong prinsipyo sa buhay.Kung mahalaga sa iba ang pag-ibig,mas mahalaga naman sa akin ang kinabukasan.Hindi ako magbo-boyfriend hanggat wala po akong diploma."

"Oy,Bebe,"sambit ni Barbie na pabiro pa siyang kinalabit sa braso.
"O Siya,siya....work,work na.Remember that love is unexpected.And it conquers all.''

Napapangiti nalang si Jazz sa kadaldalan ng baklang boss niya.Ngunit sinabayan nalang niya ito paraa entertain ang kanilang mga costumers na minsan sumasali rin sa kanilang usapan.

Zelina "Princess Last Desire"Where stories live. Discover now