Zelina "Princess Last Desire"

612 26 2
                                    

Chapter28

One year ago....

Where do broken hearts go?

Pamilyar na tanong sa isang kanta.Five words na gumugulo sa isipan ni Jazz.Five words na naisip na itanong ni Jazz kay Mr.Google.Nakakulong siya sa sariling kuwarto at hindi gustong makipag-usap kahit kanino---kahit sa mga magulang na paulit-ulit siyang kinakatok para kumustahin,sa kanyang Tita na hindi mapakali sa kalagayan niya.Sa maid na nasa oras ang hatid ng pagkain na hindi naman niya ginagalaw.

Isang taon na silang walang communication ni Jackson Brix.Isang taon na siyang walang balita sa binata.Kung kumusta na ba ito?Kung may asawa na ba ito?Magmula ng dalhin siya ng kanyang mga magulang sa States ay tuluyan nang naputol ang relasyon nila ng binata.

Wala na siyang balita tungkol sa lalaki.Inabala at ginugol rin kasi niya ang kanyang panahon at oras sa pag-iimbistiga tungkol sa pagkatao niya.Kung paano nagkaroon ng Jazz Ocampo sa buhay nila David ,Zelina,at Hannah.

Speaking of Hannah;she was dead three months ago sa kulungan dahil sa food poisining.Nagsuka raw ito ng dugo at namatay sa loob ng kanyang selda.Namatay na ang kinikilala niyang ina sa mundong kanyang kinagagalawan.Ang babaeng nagpalaki at nag-aruga sa kanya.

Marami mang atraso at kasalanan ang kanyang mamita sa kanyang mga magulang ay napamahal pa rin siya rito.Hindi ito ganoon kasama gaya ng iniisip niyo.Hannah is just a victim of bullshit called things loved.Napatawad na niya ito noong una palang.

"Let me go back!"ani Jazz sa kanyang mga magulang nang mabalitaang patay na ang kanyang mamita."Gusto kong makita si mami Hannah kahit sa huling pagkakataon,"iyak niyang pagmamakaawa sa mga ito.She is begging for freedom to go back in the Philippines.

"We sorry,anak...pero hindi ka pa puwedeng umuwi ng Pilipinas."

"Why?Gusto kong masulyapan sa huling sandali ang babaeng nagpalaki sa akin.Huwag kayong makasarili.!"

"Jazz,listen.Your life is still in danger.Ayaw naming mapahamak ka at ayaw naming may mangyaring masama saiyo,"paliwanag ni Zelina sa anak.

"Puwede ba?Patay na ang mortal mong kaaway!Patay na ang mortal mong karibal.There's no more danger.We are now safe because she's dead,"hagulgol ni Jazz."She's dead......"

"Anak,pinoprotektahan ka lang namin dahil ayaw ka naming mawala ulit sa amin ng Daddy mo.Handa kaming tanggapin ang mga masasakit na sumbat mula sa iyo because we deserved that.And we love you so much."

"Huwag niyo akong masyadong sakalin kung mahal niyo ako dahil baka magsisi kayo sa huli.Sabihin niyo sa akin ngayon mismo na malaya na ako,"matapang niyang sabi sa ina.

"You are not leaving!"matigas na sabi ni Zelina kay Jazz."Hindi ka uuwi sa Pilipinas.Kung gusto mong magluksa sa pagkawala ng mami Hannah mo magluksa ka sa kuwarto mo!"

"Pagsisihan mo ang araw na ito!Pagsisihan niyong lahat!"sigaw niya sa ina.Saka patakbong umakyat sa kanyag kuwarto at doon inilabas ang sama ng loob.Doon ibinuhos ang hinanakit niya sa kanyang mga magulang at lalo na sa kanyang mama Zelina.

Bakit napakahigpit nito sa kanya?Ganoon ba ang tamang pagmamahal na gusto nito?Ang sumunod at maging sunod-sunuran sa mga sinasabi niya.Magmula ng magtalo sila ng kanyang mama Zelina ay napagdesisyonan niyang magkulong nalang sa kanyang kuwarto.

Gusto niyang mag-isa.
At sa wakas,pinagbigyan din siya ng mga ito.Heto siya ngayon,nasa madilim na kuwarto.Pagkatapos ng mahabang oras na pagtulala habang nakasalampak sa sahig at nakatitig nang tagusan sa kisame,nagbukas si Jazz ng laptop para itanong kay Mr.Google kung saan dapat magtungo ang mga kagaya niya.

Sumagot si Mr.Google
Maraming pagpipilian.Pumili si Jazz ng isa--isang blog ang nagturo sa kanya ng isang lugar.
Corazon.
Aalis siya para takasan ang lahat.

Pinatay niya ang laptop at nagdesisyong gawin ang naisip na effective na distraction--ang manood ng horror at takutin ang sarili.Humugot siya ng DVDs na hiniram pa niya sa kanyang pinsan na anak ng kanyan tita Janezza.Ni hindi na niya tiningnan ang title,isinalang na lang basta sa player.

Ang balak ni Jazz ay takutin ang sarili para mailayo ang atensiyon sa bigat na nasa kanyang dibdib pero wala rin naman epekto.Hindi siya tinablan ng maingay na tunog.Tulala lang siya sa flatscreen ng TV.,ni walang epekto pati ang weird na paggapang ng isang character palabas sa TV.

Tagusan kasi sa screen ang titig niya.At habang sa pinapanood ay lumalabas sa TV ang multo,ang nakikita naman ni Jazz sa isip na eksena sa eskuwater----tumatakbo siya palabas sa car kung saan hinabol niya ni Jackson ngunit bigla nalang itong naglaho.Nawala sa paningin niya ang binata.May tumulong luha sa kanyang mga mata.

Walang epekto ang horror movie hanggang matapos iyon.Pero nang tumunog ang cell phone niya ay napapitlag siya---at napukarap-kurap.Mamatay na rin ba siya in seven days?

Wala sa loob na napatingin si Jazz sa screen ng telebisyon.Hindi naman siguro magliliwanag iyon at lalabas ang multong napanood niya.Napailing nalang si Jazz.Hindi niya gustong sagutin ang tawag pero nang maisip na baka si Jackson iyon ay tinanggap rin niya.

"Hello?"wala halos tunog na bungad niya.

Katahimikan....

"Hello?"ulit ni Jazz.Mas kinutuban siya na si Jackson ang nasa kabilang linya.Kung posible lang i-wish na mamanhid ang puso ay matagal na niyang ginawa.
Wala pa ring sagot malinaw na may nakikinig sa kanya sa kabilang linya.

"Hello-----"

"Jazzzzz?"putol ng buong-buo at mababang boses ng lalaki sa kabilang linya.Sa tono ng tanong ay hindi sigurado kung siya nga si Jazz.

Napakunot-noo ang dalaga.Hindi iyon boses ni Jackson.Hindi rin boses ng kung sinong kakilala niya.
"Yes...."wala siyang balak dugtungan pa ang isang salitong iyon.Hindi rin siya intresadong itanong kung sino ang caller.

"Hihintayin kita,"mababang sabi ng lalaki sa kabilang linya.

Umuwang ang mga labi ni Jazz.Nalito.Kilala ba niya ang lalaking ito?Sa pagkakatanda niya ay wala siyang kinausap at pinangakuan.Napaayos si Jazz nang upo.Kung hindi binanggit ng lalaki ang kanyang pangalan ay iisipin niya na hindi talaga para sa kanya ang 'wrong timing' na tawag.

Sino naman kaya ang lalaking ito na eksakto pa sa masamang sitwasyon ang weird na tawag.Gumamit ba si Jackson ng tao para magkausap sila?

"Magkasama ba kayo ni Jack?Utos ba niya ito para tawagan ako?Saan?Saan ko siya pupuntahan?"

"Sa Corazon."

Napatanga si Jazz.Napatingin sa smartphone na nasa kama kung saan naka-save ang mapa na gagawin niyang guide patungong     Corazon.Nagmula ang mapang iyon sa blog na nagturo sa kanya ng lugar.

"C-Corazon?"nalilitong ulit niya.Masamang-masama man ang pakiramdam niya ay sigurado si Jazz na wala rin siyang pinagsabihan tungkol sa naisip na pagpunta sa Corazon.Utos ba talaga ni Jackson ang tawagan siya.Bakit parehong lugar ang sinasabi ng caller kung saan siya hihintayin?

Napahagod sa buhok ang dalaga,kasunod ay sa sentido.Pumikit siya at dumilat.Ang gulo na ng kanyang isip.Ilang ulit niyang ginawa iyon,gustong tiyakin sa sarili na gumagana ng tama ang kanyang utak.

Nitong mga nakaraang araw lang ay lutang siya.Gulong-gulo ang isip at mabigat ang dibdib.Marami siyang tanong na walang sagot.Marami din siyang gustong gawin---una ay hanapin at kausapin si Jackson.Gusto niyang malaman kung ano ang nangyari.

Kung napahamak ba,kung ano ang kasalanang nagawa niya para basta na lang siya nitong iwanan at kalimutan..Ang talikuran at magdusang mag-isa.Magsasalita pa sana si Jazz pero na wala na ang lalaki sa kabilang linya.

Time to search for happiness.
Time to spread her wings and find her perfect place.
Jazz

To be continued:
Zelina"Hurt Princess"
Book4

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jul 25, 2018 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Zelina "Princess Last Desire"Onde histórias criam vida. Descubra agora