Zelina "Princess Last Desire

280 21 7
                                    

Chapter25

Nagtungo si Zelina sa tambakan ng basura kung saan siya namulat sa mundong ginagalawan.Kung saan siya lumaki at nakagisnan ang buhay kahirapan.Kung saan nag-umpisa ang kanyang pangarap.

Bumalik sa kanyang alaala ang nakaraan noong doon pa sila nakatira ng kanyang Nanay Lissa.Nakaramdaman siya ng lungkot habang pinagmamasdan ang paligid.Wala pa rin itong pagbabago.

Isa pa rin itong bakanteng lote.Maraming basura.Dito rin nagsimula ang kanyang buhay bago nakamit ang tinatawag niyang karangyahan.May mumunting luha ang dumaloy sa kanyang mga mata.

Ngunit ang pait lang nang kabayaran dahil sa kinasasadlakan niyang pag-ibig.Magmula nang makilala niya si David at si Hannah.
Ang babaeng naging karibal niya sa kanyang mahal na asawa ay hanggang ngayon ay pilit pa rin silang ginugulo.

"Isn't wonderful na bumalik ka sa lugar na 'to?Kung saan pinulot ang isang basurang kagaya mo at dapat na dito rin itatapon?So welcome back to your world!"sarkastikong sabi ni Hannah kay Zelina nang nagsalubong sila.

"Nasaan si Jazz?"hindi niya mapagiling itanong rito."Ako ang kaaway mo at hindi ang anak ko.Leave her alone,Hannah!"

"Huwag kang atat,Zelina.Nagsisimula pa lang ako,"nakangisi nitong sagot.

"Walanghiya ka!Hindi ka parin natuto sa mga kasamaang nagawa mo!Hanggang ngayon makasarili ka pa rin!"

"Dahil hindi ko hahayaang liligaya ka!Hinding-hindi!"

Hindi nakapagtimpi si Zelina at hinablot niya ang buhok ni Hannah buong puwersa niya iyong hinila at ipinulipot.Hinila niya iyon.Nasaktan si Hannah sa kanyang ginawa.

"Where is my daughter kung ayaw mong kalbuhin kita ngayon?!"nagiritan ang mga ngipin niyang tanong.
Pero bago pa mangyari ay dumating ang mga tauhan ni Hannah.Pinagtulungan nila si Zelina para tanggalin ang kamay niya sa pagkakasabunot sa babae.

"Bitawan niyo ako mga walanghiya kayo!Mga hayop kayo!"malakas niyang sigaw nang hinila siya ng dalawang armadong lalaki.

Sinampal siya ni Hannah.
"Tumahimik ka!Huwag mo akong galitin,"aniya."Nakikita mo ba 'yan,ha?"turo nito sa kanya sa may puno.

Mga gulong na naka-stocked at may lamang tubig sa loob.Nakita niyang nakatali si Jazz sa may puno at kapag pinakawalan ang lubid ay siguradong lulubog ang anak niya roon at malulunod.

Biglang kinabahan si Zelina.Hindi puwedeng mapahamak ang anak niya.Hindi ito ang tamang panahon para makipag-talo siya kay Hannah.Anak niya ang nakasasalay rito.

"Let my daughter free,"ani Zelina kay Hannah.

"Ano ka?"natatawang reaksiyon nito."Unless you exchange yourself to your daughter.Ikaw ang nasa punong iyon at unti-unting inilulubog ko sa tubig hanggang sa mamatay!"

"'Yon ba ang gusto mong mangyari?Palayain mo ang anak ko at ako ang ipalit mo roon!"inis niyang sigaw sa babae.

Natatawang napailing si Hannah.Nagtungo siya sa kinaroroonan ni Jazz.Hinila niya ang lubid na kinatatalian ni Jazz pababa at unti-unting inilibog ang dalaga sa tubig.

"Huwaaaaaaggggg!"malakas na sigaw ni Zelina."Please,Hannah nagmamakaawa ako saiyo wag mong gawin 'to sa anak ko!"nag-unahan ng maglandas ang mga luhang kanina pa niya pinipigalan.Naawa siya sa kinasasapitan ng anak.Naduduro ang puso niya

Natatawang itinaas ni Hannah si Jazz.Nakainom siguro ito ng tubig mula sa pagkakalubog nito dahil inubo ang dalaga.Hannah is still the wicked woman.Hindi pa rin ito nagbabago.

Hindi mapakali si Jackson Brix habang tinatawagan ang cell phone ni Jazz.Hindi kasi  sinasagot nang kasintahan ang mga tawag niya.Nag-aalala na siya sa kalagayan nito.

Ang huling pag-asa nalang niya ay ang kanyang Tita Hannah.Jack dialled Hannah number at saka kinontak ito.Ngunit hindi rin sinasagot nang tita Hannah niya ang kanyang mga tawag.

"Shit!"mura ni Jackson nang walang sinuman sa dalawa ang sumasagot sa tawag niya.

Nagtungo siya sa hospital kung saan naka-confine si Mayor David ang papa ni Jazz.Baka nandoon lang ang dalaga at abala sa pakikipag-usap sa ama't ina nito.Ngunit pagdating niya roon ay walang Jazz doon at wala rin ang Mama Zelina nito.

"Where did you go?"iritado na niyang tanong sa sarili.Again he called Jazz she's not picking-up his calls.Tinawagan niya muli si Hannah and finally she picked up the phone call.

"Where is Jazz?"galit niyang tanong sa Tita niya.

"What are you talking about,pamangkin?Ganyan ka na ba ka desperado para hanapin sa akin ang babaeng mahal mo?"

"Puwede ba Tita,wala akong planong makipag-lokohan saiyo.Where is Jazz?"nagiritan ang mga ngipin niyang tanong sa sobrang pagka-inis.

"She's fine,hijo.Bakit ba masyado kang nag-aalala sa kanya?"

"Nasaan siya?Gusto ko siyang maka-usap?"

"Hindi mo siya puwedeng kausapin ngayon dahil meron akong pinapagawa sa kanya."

"Saan mo siya dinala?Pupuntahan ko siya ngayon din?"

"Huwag mo akong subukan Jackson Brix.Masyado nang matigas ang ulo mo!Just leave Jazz alone!"sigaw ni Hannah sa kabilang linya.

"No,I won't!I love her,"matigas na sagot ng binata sa kanyang Tita.

"Ikakasal na siya Jackson Brix.Ikakasal na siya sa kababata niya kaya stop your nonsense love of her!Maraming babae para saiyo.Marami!"

"That's not true!You're lying to me!"naghihimutok sa galit niyang sigaw.

"Ganoon?Bakit naman ako magsisinungaling saiyo?Ikaw ang baby ng pamilya namin.Pinoprotektahan lang kita,"ani Hannah.

"You can't do this to me!Nasaan si Jazz?"muling tanong ni Jackson sa kausap.

"Nasa malayo....."Hannah answered him at saka pinatay na nito ang linya.

Nang maalala ni Jackson Brix na may inilagay siyang tracking kung saan naroon ang dalaga sa pamamagitan ng cellphone.And finally.Alam na niya kung saan naroon ang kanyang kasintahan.Masama ang kutob niya.

Ngayon palang ay napagtanto niyang may kinalaman ang Tita Hannah niya sa pangyayaring ito.May ginawa na naman itong kalokohan.Pero kailangan muna niyang magmatiyag sa paligid dahil for sure ay napapalibutan ito ng mga tauhan ng kanyang Tita Hannah.Hindi puwedeng pareho silang mapahamak ni Jazz dahil sa gustong mangyari nang kanyang Tita Hannah.

Next..

Zelina "Princess Last Desire"Where stories live. Discover now