Zelina "Princess Last Desire"

334 16 0
                                    

Chapter1

"Hoy!Jazz,halika nga dito!Saan ka na naman ng galing?Di'ba ang sabi ko saiyo maglaba ka."

"Mamita Hannah.Hustisiya!Isang linggo na po akong naglalaba kulang nalang pati kayo labhan ko at ang suot mo.Puwede bang rest day ko naman tutal birthday ko."pagsusumamo nito kay Hannah.

"Ikaw talaga puro ka dahilan.Sa'n ka galing?"

"Doon po sa mayamang mag-asawa.Gusto ko pong magpaampon sa kanila.Pero alam mo Mamita yung anak nila saksakan ng arte porke laking mayaman.Kakaiba ang pag-uugali."paliwanag ni Jazz sa kanyang ina-inahan.

"Di'ba ang bilin ko saiyo huwag na 'wag kang pupunta ro'n ba't ba ang tigas ng ulo mo!"

"Mamita naman,nagbaka sakali lang naman ako na baka maawa sa akin ang mag-asawa eh,kupkupin nila ako.Para hindi na tayo naghihirap.Ayaw mo ba no'n?Titira tayo sa malaking bahay at palagi rin tayong kakain ng masasarap na pagkain."

"Oh,tama na ya'ng pantasya mo.Kainin mo na yung pansit do'n sa kusina at may coke ka rin doon.Maligo kana rin.Ang baho mo para kang naka-apak ng ebak."

Natawa si Jazz sa turan ng Mamita niya.Kahit paano ay hindi siya ginugutom nito.Ang problema lang ay lagi siya nitong pinaglalaba.Maraming labahin ang kinukuha nito.Minsan ay na pupodpud na rin ang mga daliri niya at nagkaka sugat-sugat ng dahil lang sa sabon.

Kung magkakapera lang sana siya ay bibili na lang siya ng washing machine para hindi na kamay ang gamit niya.Sa sobrang dami ng labahin niya ay minsan inaabot siya ng maghapon sa paglalaba.

Labendara ang trabaho niya.Pero kahit gano'n ay masaya naman siya sa kanyang Mamita.Pinag-aral rin siya nito pero hanggang high school lang.Kung makakapagtapos sana siya sa kolehiyo ay mas bibigyan pa niya ito ng magandang buhay kapag nakapagtapos na siya sa kursong nais niyang kunin.Gusto niyang maging Lawyer.Iyon ang inaasam niyang mangyari sa kanya.

"Bakit Mamita,hindi ka ba sanay sa amoy ko.Ang bango ko kaya."

Umupo ito sa tabi niya nang magtungo siya sa kusina.Sinundan pala siya nito.
"Ang totoo ano'ng ginawa mo sa malaking bahay?"

"Wala nga.Nais ko lang makapasok sa bahay nila.Nais kong magdrama para ampunin nila ako at pag-aralin."

"Gusto mong mag-aral?"nagtatakang tanong ng Mamita niya.

Bago sumagot ay sumubo muna siya ng isang tinidor ng pansit.Nginuya-nguya niya iyon bago nilunok.At itinungga ang isang baso ng coke.Nais niyang ipaalam sa Mamita niya na gusto niyang makapagtapos sa kolehiyo ngunit saan naman kukuha ito ng panggastos sa pangmatrikula niya.Maliban nalang kung magkaroon siya ng sponsor.

"Ah..Wala 'yon Mamita.Tatapusin ko na po itong kinakain ko para makapag-laba na ako."

Saka na niya sasabihin sa ina-inahan niya ang plano niyang pag-aral.Hindi naman niya mapipilit ito dahil wala silang pera.Kahit pa siguro 24hours pa siyang naglalaba ay kulang pa sa pambili ng kagamitan niya.In that case,kaylangan niyang gumawa ng paraan.

She need to be close with that family.She need to make more time para makuha niya ang loob ng mag-asawa.Ngunit bakit parang kakaiba ang nararamdam niya tuwing napapalapit siya sa mag-asawa.Parang may kuryenta bang nakakapag-bigay ng kilabot sa kanyang sarili.

Wala sa sariling nagtungo siya sa kanyang kinapu-puwestuhan tuwing siya ay naglalaba.Pasalampak siyang naupo sa de-bankong upuan.Minsan pati rin ang puwetan niya ay nangangawit sa haba ng pagkakaupo.

Kumuha siya ng isang damit sa kanyang tabi at inilagay iyon sa batya na may lamang sabon.Hindi naman niya iyon ginusot kundi basta nalang niyang inilagay at ibinabad ang mga kamay.Nasa ganoon siyang ayos nang biglang may nagwasik ng tubig sa kanyang mukha.

Ang kababata niyang si Nicoh.Ka-edad niya ito at kaibigan.Nagsimula ang pagkakaibigan nila ng inaapi nila ito at ipinagtanggol niya sa mga ka-klase nitong bully.

"Ano ba?"galit-galitan niyang sabi sa kaibiga."Ano'ng ginagawa mo rito?"

"I want you to come with me.Dahil best friend kita nais kitang maging partner sa kaarawan ng anak nila Mayor Sanchez at Madam Zelina."

"Bakit ako?Atsaka teka lang,hindi ka ba nahihiya na ako ang kasama mo do'n?Paano kung kantyawan ka ng mga kaibigan mo dahil isang anak mahirap lang ang kasama mo."

"So what?I just don't bother what people talk behind me.Kaya please,pagbigyan mo na ako Jazz.Kahit ngayon lang promise."

"Maka-promise ka riyan!Pag-iisipan ko muna,"aniya saka itinuon muli ang mga mata sa batya.Paano kung makilala siya ng mag-asawa.Paano kung mamukhaansiya ng mga ito na nagpapanggap siyang pulubi para kaawan lang?

Nababuntong-hininga siya.Kay lalim ng tinatakbo ng isip niya.Ang dami niyang pangarap na gustong tuparin ngunit paano niya iyon makakamit kung wala naman siyang pera.

"'Huwag mo nang pag-isipan.Sympre,bago ako pumunta rito pina-ready ko na ang isusuot mo.At saka pinatawag na rin ni Mummy yung mag-aayos saiyo."

"Wow!Alerto ka rin.Pero alam mo hindi kasi ako nababagay roon,eh.Isa pa,puro mayayaman lang ang mga kaibigan ng anak ni Mayor.Pangalawa,may pagkapangas ang pag-ugali.Akala mo tumatae ng ginto."dahilan niya sa binata.

"'Yan ba ang dahilan mo kaya ayaw mong sumama sa akin?That's why I'm here.Come'on Jazz.Pagbigyan mo na ako.Ayaw ko ring ma-out of place doon,eh.You know me,hindi ako palakaibigan and-----"

Sinabugan ni Jazz si Nicoh ng tubig para tumahimik na ito.
Mahirap pa naman tanggihan ang lalaki dahil marami itong dahilan para kaawan mo.Masyadong ready tuwing may nais hilingin.

"Hoy!Ngayon lang to.'Para sabihin ko saiyo hindi na ito mauulit."

Sa tuwa ay napayakap sakanya ang lalaki.
"Thanks,Jazz.You're the best."

Tinulak niya ito.
"No,string attach,okay.I've still have a dream."

Humalakhak naman ang binata sa sinabi niya.Tuloy pakiramdam niya ay nag init ang pisngi niya.Hinala na siya nito papunta sa bahay nila dahil nandoon raw ang kanyang susuotin at ang mag-aayos sa kanya.

Nagpahila naman siyasa binata nang walang tutol.Dinala siya sa isang guess room at doon inayusan.Isang pink-tube ang pinasuot sa kanya at light make-up ang ginawa.Ang kanyang mga mata ay nilagayan ng blue-lense na lalong nagpaganda sa kanyang appeal.

When she was done.Ay halos napanganga ang lahat.Lalo na si Nicoh na ayaw ng kumurap.
"What a beautiful lady in my side right now."bulong nito.

"Bolero,"aniya.

Nagtungo sila sa birthday party ng anak ni Mayor.Kakatwa dahil kaarawan din niya ang araw na ito.Nanginginig ang mga kamay niya sa kaba at tila pinagpapawisan siya ng malagkit dahil sa kakaibang nararamdaman.Tuwa at kaba ang tumatakbo sa kanyang isipan at sa paghaharap nila muli ni Sonia,ang anak ng mag-asawa

Zelina "Princess Last Desire"Where stories live. Discover now