Zelina "Princess Last Desire"

345 16 2
                                    

Chapter26

Bago nagtungo si Jackson sa kinaroroonan ni Jazz ay tinawagan muna niya ang kanyang Lolo.Hihiramin muna niya ang mga tauhan nito dahil malakas ang kutob niyang nasa panganib ang kasintahan.Hindi niya mapagkakatiwalaan ang kanyang tita kailanman.

Nasa isang tambakan ng basura ang mga ito.At hindi siya sigurado kung ano ang ginawa ng tita Hannah niya kay Jazz.Kung bakit kailangan pa niyang dalhin ang dalaga roon.

"Huwag muna kayong susugod,"ani Jack nang makitang napapalibutan ng mga tauhan ng kanyang tita ang lugar.Ngunit laking gulat niya ng makita ang kasintahan na nakatali sa may puno.Kitang-kita niya ang kawawang kasintahan na hirap na hirap sa kanyang kalagayan.Napamura siya.
"Shit!!"anito."Sinasabi ko na nga ba,eh!"gigil niyang sambit."You still think of revenge sa mga magulang ni Jazz at dinamay mo pa talaga kami!"nayayamot nitong sabi.

"Sir,ano pong gagawin natin?Mukha namang patay gutom ang mga tauhan ng tita mo.Isang suntok lang tulog agad,"isa sa mga tauhan ng kanyang lolo.

"Oo,nga Sir,"sang-ayon naman ng isa."At saka mukhang hindi naman sila ganoon karami.Pero ang hindi natin alam ay baka may baril sila kaya magmatiyag muna tayo,"patuloy nito.

Naghintay sila ng pagkakataon.Hindi sila nagpahalata na nasa paligid lang sila.Tahamik ang lugar.Ilang segundong nasa ganoon silang sitwasyson.Sinenyasan ni Jackson ang mga tauhang dala niya na palibutan na nila ang lugar.

Tumawag na rin siya ng mga police para tulungan sila sa pagre-rescue.It doesn't matter kung mahuli muli ang tita Hannah niya.Jazz is innocent at wala itong kinalaman sa away ng mga ito pero bakit dinamay pa niya.

Ang importante ngayon para sa kanya ay ang mailagtas niya ang kasintahan.Nag-go signal siya sa mga kasamahan na susugod na sila.Nakita siya nang kanyang tita Hannah at agad siya nitong nilapitan at pinadapuan ng sampal sa mukha.

"What are you trying to do,Bastard child of my brother?!"gigil na sigaw ni Hannah sa binata.

"That what should I asking you?What are you trying to do?Alam mo bang mali ang ginawa mo?"Saka nilagpasan ang tita Hannah niya at tinungo ang kinaroroonan ni Jazz.Ngunit sinundan siya nito at pinigilan.

"Ano sa tingin mo ginawagawa mo?"aniya.

Jackson grabbed his hands and look sternd at her tita Hannah.
"Sa tingin mo ang gagawin ko?Eh,di ililigtas si Jazz.Better don't stop me or else... ako ang makakaaway mo!"

"Sige!Subukan mo ako!Ako ba ang tinatakot mo,ha!"aniya.
Saka itinutok ang baril sa kanya na hinablot nito mula sa kanyang balakang."Suwayin mo ang utos ko at gagawin kong Romeo at Juliet  ang lovelife mo.O,baka gusto mong uunahin ko ang kasintahan mong matigas ang ulo?!!"

"You can't!"he shouted with dismay."Ikaw pa na sarili kong Tita ang sisira nang buhay ko!Who are you to command me?You're mad!"nakakunot-noong sigaw niya kay Hannah,hindi pinansin ang pakikipagtagisan nito ng titig.

"Hanggang diyan ka nalang Jackson Brix kung ayaw mong iputok ko ang hawak kung baril kay Jazz,"her eyes was full angry and satisfaction.Nakatutok kay Jazz ang sintido ng baril at hindi ito nagbibiro lang.
"Subukan mong ihakbang ang paa mo at putok ng baril ang maririnig mo!"

Natanggal na ang pagkakatali ni Zelina sa tulong ng mga tauhan ni Jackson.Agad niyang sinugod si Hannah at nakipag-agawan sa hawak nitong baril.Tiningnan ni Zelina si Jackson na nanood sa kanila,tila natulala ang binata.

"Go!"sigaw niya."Iligtas mo ang anak ko!Ilayo mo siya rito!Pleasee!"ani Zelina sa binata.
"Dalian mo!!"

"Walanghiya ka!"ani Hannah."Sana pinatay nalang kita kanina!"

"Mas walanghiya ka!Sa dinami-dami ng kinakatalo mo ako pa talaga ang gusto mo.Puwes!Tatapusin na natin 'to!"aniya habang pilit na inaagaw ang baril kay Hannah.
"Kung may mamatay man sa ating dalawa,ikaw 'yon!"

Habang tinatanggal ni Jack ang pagkakatali ni Jazz sa may puno ay nakarinig sila ng serena mula sa sasakyan ng mga police.Naalarma ang mga tauhan nang lolo niya at tauhan rin ng Tita Hannah
niya.Nagkanya-kanyang takbuhan ang mga ito para makagpagtago dahil ayaw nilang mahuli.

Patuloy pa rin ang dalawa sa pag-aagawan nang baril.Nakalas na ni Jackson si Jazz.Binuhat niya ang dalaga na hinang-hina at wala nang lakas.She put her into his car at saka bumalik muli sa kinaroroonan nang dalawa.

Ngunit bago pa makalapit si Jack sa dalawa ay isang malakas nang putok ng baril ang narinig niya.Parehong gulat.Hindi mahulaan ni Jackson kung sino sa dalawa ang nabaril hanggang sa bakita niyang unti-unting nalupasay sa lupa ang kanyang tita.Kay Hannah tumama ang baril.

Dumating naman ang mga police sa pinangyarihan ng gulo.Ngunit huli na dahil kahit nakaligtas si Jazz at ang Mama Zelina nito ay may trahedya nang nangyari. Aksidenteng naiputok ang trigger ng baril kay Hannah kaya naabutan nila itong nakalupasay sa lupa at duguan.Isinugod nila agad ito sa hospital at ganoon din si Jazz.

Makalipas ang dalawang araw ay maayos na ang kalagayan ni Jazz.Maayos na rin ang kalagayan ng Papa David niya mula sa tinamong daplis ng bala sa balikat.Nasa hestirikal pa rin naman ang Mama Zelina niya dahil sa aksidenteng pagkakabaril kay Hannah kahit na aksidente ang pagkakaputok niyon.

Ngunit ayon sa imbistigasyon ng mga police ay si Hannah ang may hawak ng baril kaya marahil ay siya mismo ang nakaputok niyon sa kanyang sarili.Ngunit sabi nga ng lahat,may kasabihan na "Masamang damo;matagal mamatay" Nakaligtas parin si Hannah sa baril na tinamo at buhay pa ito.Kailangan lang nito ng pahinga bago makalabas sa hospital at balik-kulungan.
May posibilidad ding makalaya ito muli.

NEXT

Zelina "Princess Last Desire"Where stories live. Discover now