Zelina "Princess Last Desire"

224 16 1
                                    

Chapter11

"Tingnan mo ang ginawa mong kagagahan sa pamangkin mo,Hanna!Kailan ka ba magigising sa kahibangan mo!"malakas na wika ni Don Ricardo sa kanyang anak.

"Papa,ang sabi ko lang sa mga tauhan mo takutin nila si Jack.Hindi ko naman alam na manlalaban siya kaya naman pinalabas ko nang ninakawan siya."rason ni Hannah sa kanyang ama.Ito ang nagplanong takutin ang binata.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo!Hanggang kailan ka ba titigil sa paghihiganti mong 'yan!"

"Hangga't buhay ako Papa.Hindi ako titigil."

"Hindi ka pa ba magigising sa katotohanan!Pati sarili mong pamangkin pinahamak mo!At huwag mo akong matawag-tawag na papa kapag bumalik ka ulit sa bilangguan.Pag-isipan mong mabuti 'yan Hannah."

"Papa,imbis na makatulong siya sa akin.He was betraying me.He was falling in love with the daughter of my enemy.Hinaharangan niya ang mga plano ko!"nagngingit niyang sabi."At sisiguraduhin kong hindi na ako babalik sa bilangguan dahil mahal ako ni Jazz.Pinaliki ko siya ng tama."

"Pinalaki mong maayos ang anak ng kaaway mo,pero sarili mo hindi mo maitama!Kalokohan ang mga pinagsasabi mo Hannah,"sarkastikong sabi ng Don."At 'yang anak ng kaaway mo hanggang kailan mo rin siya itatago sa kanila?Dalaga na siya,malaki na,ano ba talaga ang gusto mong mangyari?Huwag mong hintayin na hanggang sa huli ng buhay mo paghihiganti pa rin ang namamayani diyan sa isipan mo!"

"Malaki ang atraso nila sa akin Papa.Hindi sapat na si Jazz lang ang kabayaran gusto ko tatlo silang magdurusa sa kamay ko!"
Nasisiraang sambit nito.

"Labas ako sa mga plano mo.Kung ano man ang gusto mong gawin I will let you handle that.Huwag mo lang uulitin ang ginawa mo sa apo ko,"ani Don Ricardo at tuluyan nang iniwan si Hannah sa silid.

Galit na galit ang Papa niya sa kanya dahil hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Jack.Ang sabi ng mga doctor ay baka magkakaroon siya ng temporary amnesia.But she will be glad kapag ganun nga ang mangyari para tuluyan na nitong layuan si Jazz.At hindi na nito maalala ang dalaga.

Binalingan ni Hannah ang tatlong tauhan ng kanyang Papa na nakasalukuyang nasa garahe.
"Mga gonggong!Mga tanga!"mura niya sa mga ito.Saka pinagsasampal ang kanilang mga mukha.
"Tignan niyo ang katangahang ginawa niyo!Ang sabi ko,takutin niyo hindi bugbugin!At ikaw?"turo niya sa isang tauhan.
"Lagot ka sa akin pag may nang-yaring masama sa pamangkin ko!Bobo!"

Habol ang hiningang iniwan niya ang mga ito.Buwisit na buwisit siya sa takbo ng pangyayari.Ang plano niya ay ang mapalapit si Jazz sa kanyang ama ngunit ano na ngayon ang nangyayari?Bumabaligtad na ang lahat.

Wala na siyang aasahan sa mga plano niya dahil lahat iniwan na siya.Isa pa ang kanyang pamangkin na nagkakagusto na sa anak ng kaaway niya.Ano ba ang nakain ng batang iyon at kung ano ang nakita nito kay Jazz?
Naiinis siya dahil palpak ang mga plano niya.
~~~
Pagkauwi ni Jazz sa inuupang bahay nila ay agad na siyang nagbihis ng kanyang uniporme.Nag-meryenda muna siya dahil lagi siyang binibilhan ng kanyang Mamita ng pagkain.

Napakasuwerte pa rin niya sa kanyang ina-inahan dahil hindi siya nito pinapabayaan.Napaka-maalaga nito.Kahit na siya lang ang kumakayod ay wala na mang problema iyon sa kanya.

Habang kumakain siya ng pansit ay nasulyapan niya ang libro kung saan niya iniligpit ang sulat ni Jack.She quickly picked it up at napangiti siya.Akmang bubuksan na sana niya ang sulat ng may magsalita sa mula sa kanyang likuran.

"Kumusta ang pag-aaral mo?"ang Mamita lang pala niya.
"Hindi ka na nahihirapan sa mga subjects mo?"nakangiting tanong nito.

"Mabuti naman po,Mami.Pero alam niyo ba?"aniya habang ngumunguya ng pansit.
"Yung....Yung anak ni Mayor Sanchez pinuntahan niya ako sa university tapos pinagbantaan niya ako na layuan ko raw si Mayor,"sumbong niya kay Hannah.

"Ano naman ang problema ng anak ni Mayor Sanchez?Hindi ba't tumutulong ang mag-asawa sa mga batang kapus at gustong makapag-aral?"

"Yun na nga Mami pero pinagkamalan niya akong kabit.Layuan ko raw ang Papa niya kundi ipagkakalat niya raw sa buong unibersidad na kabit ko ang Papa niya."nakaismid niyang sagot.

"Huwag mo siyang pansinin.Ang mahalaga pagtuunan mo ng pansin ang pag-aaral mo,anak.Magiging isang magaling kang abogada pagdating ng araw."ani Hannah kay Jazz.

"Pero natatakot po ako Mami."

"Huwag kang matakot nandito ako para saiyo."

"Thank you Mami.You're the best."
Saka muling sumubo ng pansit.

"Papasok ka ba sa club ngayon?"bigla ay tanong ng Mamita niya.

"Opo...ka-kasi kailangan ko ng extra-money,"pag-amin niya.

"Ano'ng nangyari sa kita mo noong isang araw?Isang linggo mo na rin akong hindi binibigyan ng pera,ah?"galit-galitan na sabi nito.

"Sorry,Mami,k-kasi....."paano ba niya sasabihin sa Mamita niya na nagastos niya ang pera dahil kay Jack.Baka manghinala ito sa kanya kapag umamin siya rito.
"May group project po kasi kami."pagsisinungaling niya."Tama po,group project,so I need to contribute."

"Akala ko ba counted na 'yon sa buong taong binayaran ni Mayor Sanchez?Bakit kailangan mo pang gumasto?"

Paano niya ba sasabihin sa Mamita niya ang totoo.Baka makatikim siya rito kapag sinabi niyang itinakbo nila si Jack sa hospital kaya naman nagastos na niya ang kanyang ipon.

Ngumiwi siya."Nakakahiya kasi Mami kung iaasa ko lahat kay Mayor.Hayaan mo e-extra ako bukas sa parlor tutal linggo.Bibigyan ko po kayo ng alawans,promise po,"pakunswelo niya.

Napabuga siya ng hangin dahil saktong dumating si Daisy at papasok na raw sila sa club.Iniligpit niya muli ang sulat ni Jack sa kanyang libro.Bago nagpaalam sa kanyang Mamita.

Zelina "Princess Last Desire"Où les histoires vivent. Découvrez maintenant