Zelina "Princess Last Desire"

270 16 0
                                    

Chapter4

Nagpakawala ng malaking buntong-hininga si Jazz.Napalingon sa kanya ang kaibigan niyang si Daisy.
"O,bakit ang lakas naman yata ng buntong-hininga mo?"tanong nito sa kanya.

"Naisip ko lang kasi kung ipinanganak tayong mayaman ay hindi tayo napasadlak sa ganitong hanapbuhay.Sa umaga labandera.Sa gabi waitress."

Kung meron lang siyang ibang mapapasukang trabaho ay hinding-hindi siya papasok sa bar bilang waitress.Pakiramdam kasi ni Jazz,waitress ang pinasukan nila ngunit gusto pa silang gawing clown para mang-akit ng kanilang costumers.

Kunsabagay,mabuti na iyong nagse-serve lang siya.Dahil hindi naman sila puwedeng i-table.Mas mabuti na kaysa maging GRO.At ang pinakamabuti pa sa lahat ay madadagdagan ang ipon niya.

"Meron talagang masusuwerteng tao na ipinanganak na mayaman at meron ding medyo malas dahil hindi pa ipinanganak ay may mamanahin nang utang mula sa mga magulang.Pero naisip mo ba na kung ang lahat ng tao ay ipinanganak na mayaman ay parang wala nang thrill?Parang boring na ang life rito sa earth 'di ba?"

"Gustong-gusto ko talagang yumaman,Daisy."

"Sino ba naman ang mahirap na hindi nangangarap umasenso pagdating ng araw?Engot lang ang hindi naghahangad yumaman."wika ng kaibigan.

"Masama bang pangarapin kong makapag-asawa ng mayaman para makaahon ako."

"Hindi naman masamang mangarap na makapag-asawa ng mayaman.At isa pa,kung iyan din ang plano mo bakit hindi mo pakasalan si Nicoh."

"Ikaw talaga,puro ka biro.Seryoso ang usapan natin pero hinuhulaan mo ng kalokohon,"naiinis na sabi ni Jazz sa kaibigan.

"Hindi naman ako nagbibiro,ah.Matagal ka na ngang crush no'n."

Napangiti si Jazz sa kanyang kaibigan.
"He's not my type.."

"Mas type mo 'yong may edad na at may taning na ang buhay gaya ni Mr.Sanchez."prangkang sabi  nito.

Natigilan si Jazz.Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa kanyang kaibigan.Parang sapul siya sa sinabi nito.Ngunit wala naman siyang pagtingin kay Mayor Sanchez.Ang gusto niya lang ay ang mapalapit kay Mayor para matulungan siya nito sa kanyang pag-aaral.

Imbis na sagutin ang sinabi ng kaibigan ay pumara nalang siya ng taxi para makauwi na sila.Dahil madalang na ang jeep kapag ganong oras.Sa looban pa ang bahay nila pero hindi naman na makapasok roon ang taxi dahil iskinita ang daanan.

Ang inaasahan ni Jazz ay tulog na ang Mamita Hannah niya pagdating sa munting bahay nila pero napasukan niya sa silid na gising pa ito at nakaupo sa sahig.

"O,bakit gising pa po kayo Mamita?"

"Jazz...."

Mabilis na tumayo ito at lumapit sa kanya.Pagkalapit ay agad itong yumakap sa kanyang beywang.Saka naramdaman ni Jazz na umiiyak ito kaya bahagya niyang inilayo sa kanya si Hannah at inakay patungo sa kutson na nakalatag sa sahig.

"Ano hong nangyari?"Sinaktan na naman ba kayo ni Tito Jack.Ang sabi ko naman sainyo ay sakit lang siya ng ulo.Bakit ayaw niyo pong makinig sa akin."

Si Jack ay ang boyfriend nang Mamita niya.Kapag wala itong pang-sugal at pang-inom ay si Hannah ang pinagbubutungan niya ng galit.Ewan ba niya kung ano ang nakita ng Mamita Hannah niya sa kumag na iyon.
At hanggang ngayon ay hindi pa nito hinihiwalayan.

Naiinis siyang nagtungo sa kuwarto kung saan naroon si Jack.Kinatok niya iyon.Wala siyang pakialam kung nakaka-istorbo siya.Nang akmang kakatok uli siya ay pinagbuksan siya ni Jack.

Tila hayop ito na pinagmasdan ang hitsura niya at ngumisi-ngisi pang nilalaro ang dila sa loob ng bibig niya.
"Ano na naman ang ginawa mo sa Mamita ko?"galit na tonong tanong niya.

"Ah,nagsumbong siya saiyo.Eh,nagseselos,kaya sinampal ko lang naman."walang kuwentang sagot nito sa kanya.

"Ako ang bumubuhay sa Mamita ko kaya 'wag mo siyang pakialaman.Oras na saktan mo uli siya ipakukulong kita!"

Humalakhak ito ng nakakaloko saka hinawakan siya sa baba.
"Huwag kang magtapang-tapangan sa harap ko dahil baka isang pitik ko lang wasak ang pagmumukha mo."

Ngunit hindi naman nagpadaig si Jazz sa lalaki.Nag-ipon siya ng malakas na puwersa at sinipa ang ari nito na siyang nagpakawala sa pagkakahawak nito sa kanya.

"Huwag mo rin akong sasaktan dahil wala akong utang na loob saiyo!Hayop ka!Umalis ka sa bahay na 'to!"
Naramdaman niyang kinalabit siya ni Hannah.
"Mamita,paalisin mo ang lalaking 'yan rito.Hindi siya nakakatulong sa buhay natin."

"Mahal ako ni Hannah kaya hindi niya ako paalisin.Di'ba Honey,"anito,na inakbayan at hinalikan pa si Hannah sa labi.Itinayo ng Mamita niya ang lalaki dahil tila namimilipit ito sa sakit sa pagkakatuhod niya sa ari nito.

Nang tiningnan ni Jazz si Hannah ng makahulugan ay tila sinang-ayunan pa nito si Jack.Naiinis siyang naglakad paalis sa harapan ng mga ito ng pigilan siya ni Hannah at mahigpit na hinawakan ang braso niya.

"Pera?"hula niya sa sasabihin nito.

"Jazz,anak....kung may naitabi kang pera puwede ko bang hiramin muna,"ani Hannah sa kanya.

"Hihiramin?"sarkastikong sabi niya.
"Huwag na po kayong mag-drama sa akin dahil ang perang hinihiram niyo ay ibibigay niyo rin sa lalaki mo."

"G-gusto mo bang sinasaktan niya ako?"pangongonsensiya nito."Hindi ko kayang mawala sa akin si Jack.Kaya please,pautangan mo muna ako ng pera mo."

"Mamita....."

"Sige na anak.Maawa ka.Promise,ibabalik ko rin agad saiyo ang pera mo.Kaya pautangin mo muna ako kahit dalawang libo lang,"ani Hannah sa kanya.

"Dalawang-libo?"malakas na sabi niya."Wala po akong ganong kalaking halaga,"kinuha ni Jazz ang wallet at naglabas ng walong daang piso at inabot sa ina-inahan.
"Bukas na po ang iba."

Pagka-abot ay nagtungo na siya sa kanyang silid.Padapa siyang nahiga at nanlumong yumakap sa unan.Dala ng sama ng loob ay napahagulgol si Jazz.Kung puwede lang maging Cinderella ang buhay niya.Rug to richest.

Nang biglang tumunog ang cell phone niya.....
Hinayaan niyang mag-ring lang iyon.Nang akmang papatayin niya iyon ay nakita niyang new number ang bagong caller.
Nang tumunog uli ay sinagot niya iyon.

"Ho?Ngayon na,"ani Jazz sa kausap.Sa ganitong oras siya makikipagtagpo?Parang kakaiba naman yata?Oras na ng pahinga.
Ngunit hindi na siya nagdalawang-isip pa.Nagtungo siya sa lugar kung saan niya kakatagpuin si Mayor Sanchez.

Zelina "Princess Last Desire"Where stories live. Discover now