Zelina "PRINCESS LAST DESIRE"

293 13 0
                                    

Chapter 2

"MI AMiGA!"

Nagsalubong ang mga kilay ni Jazz ng marinig ang maarteng boses ni Sonia.Naroon na sila sa birthday party nito.Katatapos lang nitong magbigay ng speech sa stage at ngayon naman ay nagro-roaming para mabati ng kanyang mga bisita.

Feeling Thalia,teh?" Isa sa mga kaibigan nito na kasalo nila sa isang mesa ng maupo na ito sa tabi nila.

"Syempre,kamukha ko naman siya, noh?".Nakita niyang ikinawit ni Sonia ang mga kamay nito kay Nicoh.

"Sinong nagsabi?"

"Ang mummy ko!"
At ngumiti at proud na tumingin sa kanya.
"Hey!You don't look familiar to me?"baling nito sa kanya.

Natural!Paano mo ko makikilala,eh matapobre ka.Sa loob niya ng mga sandaling iyon.
Natawa nalang siya,at isinubo agad ang kinuha niyang pagkain.
"The best ka talaga at ang birthday party mo.Ang sarap ng mga pagkain.
Thank you ha?"
At nilantakan niya ang spaghetti na nasa harapan niya.

"Do you come here for the food?"muling sabi nito.

"Mmh,yeah....actually.."kanda putol-putol niyang sagot.
Kanina pa to' English ng English.Hindi ba siya marunong mag-Tagalog.Nakakasuka lang di naman sa panlalait but hindi nito bagay ang Eglish speaking

"So you're an item?"tanong niya kina Nicoh at Sonia.Nang makitang umiling si Nico ay natawa siya sa ekspresiyon nito.
"Bagay kayo."
Sabi niya,saka sumipsip sa soft drinks niya.

Tumingin si Sonia sa kanya."Thank you.Pinagkasundo na kami ng mga parents namin."

Itinirik niya ang mga mata.
"Ay,uso pa pala ang arranged wedding.Para sa mga mayayaman, dealing business with the family with their children.Kawawa na man ang isa sainyo.Tsk,walang kawala."

"Sakit mo naman magsalita."ani Nicoh sa kanya.

Natawa siya.."Ang OA mo naman Budz!Sa ngayon palang binabati na kita,ha." Pangbubuska pa niya kay Nicoh.

Inilibot niya ang tingin sa paligid.Nagbakasakaling makita si Mr.Sanchez
Pero nangawit na ang leeg niya sa kakatingin ay wala siyang makitang bakas ng mukha ng mayamang lalaki.
Siguro ay abala ito sa pag-aasikaso ng kanilang mga bisita.

"Lord,this is my chance.Please,kindly help me."
Lihim siyang natawa sa naisip.Kinakabahan siya na ewan.Tila natutuwa ang puso niya at nagbabakasakaling makita uli niya ang mga ito.Natapos na ni Jazz ang pagkain pero ni anino ng mag-asawa ay hindi pa niya nasusulyapan.

"Excuse me for a while.I just need to go the washroom.Mukhang natapunan ng sauce ang suot ko,"nakangising paalam niya sa mga kaibigan ni Sonia na naroon.

Tumango lang sila.Dahilan lang niya iyon para makapaglibot at mahanap ang mag-asawa.
Nakangiting nilisan niya ang kinapupuwestuhan nila.
Nasabi niya na baka makita niya ang mga ito kapag maglakad-lakad siya
Pero pag dating sa pintuan ng washroom ay nasulyapan niya si Mr.Sanchez kasama ang mga kaibigan nito.

Maghihintay siya ng pagkakataon para makalapit dito.
At hindi naman siya nabigo dahil pagkalipas ng ilang minuto ay naiwan na itong mag-isa.Nagkunwari siyang nadapa,pantawag atensiyon.
"Ouch!Aray,"kunwaring daing niya.

Zelina "Princess Last Desire"Where stories live. Discover now