Zelina "Princess Last Desire"

240 17 0
                                    

Chapter7

Nang pumikit si Jazz ay may luhang nag-unahang maglandas sa kanyang mga pisngi.Ang hirap-hirap ng buhay niya.Nagpakawala ng malalim  na buntong-hininga si Jazz.Kailan kaya siya makakatagpo ng lalaking mag-aahon sa kanya sa kahirapan?

At siya naman ay mistulang Cinderella sa makabagong panahon,who was swept off her feet by her prince.Meron nga kayang tulad ng prinsipe sa totoong buhay?Iyong lalaking ubod ng yaman,mabait,mapagmahal,sweet,may mataas na pinag-aralan at higit sa lahat ay super guwapo?

That when she look at the first glance at him she will fell love at first sight.Mula nang magbabasa na siya ng pocketbooks ay lagi na siyang nangangarap na isang araw ay darating ang kanyang prinsipe,upang pawiin ang kanyang lungkot,hirap at takot.

Nainggit siya sa mga bidang bababe na isang guwapo,magaling,at magiting at mayamang lalaki ang nakakatuluyan sa kuwento.Kaya nabuo sa imahinasyon niya ang mga pipi niyang pangarap.

Kailangan niyang makatagpo ng 'prinsipe' para makaahon siya sa hirap.Ayaw niyang magkaroon ng anak at asawa samiserableng lugar na ito.Ayaw niyang sumunod ang mga ito sa kanyang yapak.

Kaya naman magpupursigi siyang mag-aaral ng mabuti at makapagtapos sa kursong kukunin para makahanap ng magandang trabaho kahit na malabong makahanap siya ng isang prinsipe.

Nang biglang makarinig si Jazz nang kaluskos mula sa likuran nang kanyang kuwarto.She got shocked nang mapagtantong si Jack iyon.Saan naman kaya lumusot ang lalaki ito at walang sabi-sabing nakapasok sa kuwarto niya?

In-on niya ang ilaw para maliwanagan ang loob ng kuwarto niya.Ngunit tinakbo ni Jack iyon at pinatay muli ang ilaw.
"What do you think your doing?"nagtataka niyang tanong rito.Tinakpan ni Jack ang bunganga niya nang magsasalita na naman sana siya.

"Sshhh!"sabi nito at sinenyasan pa siya na 'wag maingay.
Nais niyang tumutol ngunit tumango na lang siya at saka inakay siya nito sa kanyang kama para maupo.

"Okay,Jazz...listened to me carefully,"anito.
"Aalis tayo rito.Itatakas kita."

Tinuro ni Jazz ang kamay ng lalaki na nakatakip sa kanyang bunganga.Tinanggal naman nito at humingi ng sorry.
"Paano ka nakakasigurong sasama ako saiyo?"

"Jazz,believe me.Mayaman ako.Mayaman ang Lolo ko.He can help us,you to pursue your study.Tutulungan kita."paliwanag nito.

"Ano bang pinagsasabi mo?"naiinis niyang tanong sa lalaki.Sa amoy at bihis nga naman nito ay mukhang mamahalin ngunit hindi siya nakakasigurado kung nagsasabi nga ito ng totoo.

"Trust me.Mapapahamak ka lang paglalong tumagal ka pa rito.And that old man he is not meant for you.Hindi kayo bagay."

Sinampal ni Jazz ang lalaki.Heto na nga eh,ang ganda na ng mood niya pero panira ang Jack na 'to.
"Umalis ka na!"diin niyang utos.

"Hindi ako aalis hangga't hindi ka pumapayag na sumama
sa akin."

"Gusto mo bang sumigaw ako ng rape?"pananakot niya.Hindi naman natinag ang lalaki at tumingin lang ito sa kanya.

"I know you don't want to leave with me because of that old man.Mas masarap bang magmahal ang mga DOM?"

Jazz felt humiliated by this man.Tila pinamumukha siya nitong  isang kabit ni Mayor Sanchez,so in that case why don't she play a game with this arrogant man.
"What do you think so?"

"Jazz tulog ka na ba?Sino 'yang kausap mo?"sigaw ng Mamita Hannah niya sa labas ng kanyang kwarto.Siguro ay narinig nitong may kausap siya ngunit hindi nito mabosesan.

"Wala ho!Nagpapraktis lang po akong magbasa,"pagsisinungaling niya.

"Matulog ka na.Bukas mo na gawin 'yan."

"Opo."sagot niya at saka binalingan si Jack.
"Umalis ka na.Ano pang ginagawa mo rito?Magpapahinga na ako."

Nang akmang lalapitan siya ng lalaki ay pinigilan niya ito.
Himig pakiusap na lubayan na siya.Wala siyang panahong makipagbiruan rito.Isa pa sa makalawa na ang pasukan.Kailangan niyang paghandaan iyon.
Bahala ito kung ano ang gusto nitong isipin tungkol sa kanya at ni Mayor Sanchez.

Unang araw ni Jazz sa unibersidad.Deretso siya sa registar at ipinakita ang resib ng kanyang uniporme.Pinapatuloy siya sa opisina ng University Derictor na siya naman niyang ginawa.

"Miss Jazz Ocampo?"

"Ako nga po,Sir."

Nakangiti siya nitong sinenyasang maupo.Kinampante naman niya ang sarili.Hindi niya akalaing doon na pala kinukuha ang unipormeng binibili.Napansin niyang may inilabas itong folder at ibinalik ang pansin sa kanya.

"Ako ang naatasang magsabi ng magandang balita sa iyo,Miss Ocampo."panimula ng University Director.
"Sigurado nang makakatapos ka ng iyong pag-aaral na wala nang alalahanin pa."

"Ano hong ibig sabihin niyo,Sir?"

"Bayad na ang matrikula mo hanggang 4th year."

"Ho?"

"Nagbigay ng deposito si Mayor David Sanchez ng kalahating-milyong piso per semester.Ang sobra sa bawat semester ay ibibigay saiyo.Kaya wala ka ng alalahanin pa.Ang mainam pa,naka time-deposit ang pera at kikita pa iyon.Ang interest ay mapupunta pa rin saiyo."

Hindi siya makapaniwala sa narinig.Sunod-sunod na paglunok ang kanyang ginawa.Walang sinabi sa kanya si Mayor Sanchez.Ang akala niya ay 1st semester lang ang binayaran nito.Sinigurado na rin pala nito ang mga susunod na semester.

"This is for you."

"A-ano ito,Sir?"

"Book allowance mo.Galing din iyan kay Mayor Sanchez.Third year collage is more of a book.Para matuon na sa pag-aaral ang iyong pansin,sinigurado na rin iyon ni Mayor Sanchez.I salute the guy for extending you this help.Ang suwerto mo."

Marahan siyang tumango.

"About your uniform,punta ka sa Student's Affair,doon mo iyon makukuha.Sana lang,Miss Jazz Ocampo,pagbutihin mo pa lalo ang pag-aaral mo.You don't have to worry anything it's all settled.Your education is secure.Don't let the person down."

"Thank you,Sir.I will study hard."

Hindi pa rin makapag-isip nang maayos si Jazz.Hindi niya akalain na ganoon katindi ang gagawing pagtulong sa kanya ni Mayor Sanchez.Nakakalula kung tutuusin.Bakit ba siya ginastusan nang ganoong kalaking halaga?

Ang huling pag-uusap nila ni Mayor Sanchez ay dalawang linggo na ang nakakaraan.Hindi niya alam kung bakit di' na ito muling napasyal sa kanila.Baka marami lang itong ginagawang trabaho.Aminado siyang ito ang pinakamabait na taong kanyang nakilala.

Zelina "Princess Last Desire"Where stories live. Discover now