Zelina "Princess Last Desire"

253 17 2
                                    

Chapter5

Ofcourse,Hannah Maldita is not that kind of stupid na pagkatapos niyang makalaya mula sa bilangguan ay pinatay na niya ang isang Hannah sa parte ng pagkatao niya.

She's damn rich.Her father was rich.But she is not so damn to reveal her real identity.Nagpanggap siyang isang mahirap para maitago ang lihim niya kina Zelina at David.

Hindi siya tanga para muling mag-eskandalo sa love story ng dalawa.Pero sympre mas mautak siya kaysa sa dalawang nilalang.She was now achieving her revenge.At mukhang sumasabay ang tadhana sa kanya.

Jazz is getting closer to her biological father.And she can't wait kung saan hahantong ang father-daughter bonding nang dalawa.At kung darating ang tamang araw na...pasasabugin niya ang pagkatao ng mga ito.

"Jack,"tawag niya sa kanyang tauhan.Pinagpanggap niya itong kasintahan at ginagamit para perahan si Jazz.Para lalong  magipit ang dalaga at madaling mapalapit kay David.

"Yes,Ma'am.Ano po'ng maipaglilingkod ko sainyo?"ani Jack kay Hannah.

"Narinig mo ba kung sino ang kausap ni Jazz kanina?"tanong niya sa lalaki.

"Hindi po,eh.Medyo mahina po ang boses,"sagot nito.

"Tingnan mo siya sa kuwarto niya kung ano ang ginagawa niya,"utos niya rito.

Hindi naman nagdalawang-isip si Jack na puntahan si Jazz sa kuwarto nito.Nakita niyang nakabihis ang dalaga ng isang reap-jeans at puting t-shirt na pinatungan nito ng maong na jacket.

Maganda si Jazz.Halos hawig nito ang Lola Lissa niya ang mama ni Zelina.Ngunit ang hugis
-oblong na mukha nito ay nakuha niya kay Mayor Sanchez.Hindi ba nahalata ni Mayor na medyo kahawig ni Jazz ang mother-in-law niya?

Mula sa likod ng kuwarto ni Jazz ay nakita niyang paalis ang dalaga.Bigla ay napahinto si Jazz ng biglang hinarang siya ni Jack at idinipa pa ang mga kamay sa may pintuan.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"naiiritang tanong niya kay Jack."Tumabi ka nga sa daraanan ko,"tulak niya sa lalaki.Ngunit malakas ito at hindi niya kayang itulak mula sa kinahaharangan niya.

"Saan ka pupunta,Senyorita,"tanong ng lalaki sa kanya.Bigla ay namutla ang pisngi ni Jazz sa pagtawag nito sa kanya bilang Senyorita.

"That's none of your business!Umalis ka sa daraanan ko!May pupuntahan ako."

"Aalis ka sa ganitong oras?Hindi ba't delikado saiyo ang umalis lalo na't kadalaga mong tao.At isa pa hindi magandang magagagala ang isang dalagang kagaya mo."

"Ano ba'ng problema mo?Sino ka ba?"

"Bodyguard mo?"mabilis na sagot nito.

"Bodyguard?Mukha mo!Hindi ko kaylangan ng bodyguard.Kaya kong alagaan ang sarili ko!"inungusan niya ang lalaki.

"Kaya mo ba talagang alagaan ang sarili mo?Hindi ba't makikipagtagpo ka sa lalaking may asawa na."

Bigla ay nag-init ang bumbunan niya sa narinig sa lalaki.
"Ang kapal naman ng mukha mong sabihin sa akin 'yan!Ano bang alam mo?Hindi ako kagaya mong kumakapit lang sa babae para magkapera at hindi marunong magbanat ng buto.Mahiya ka nga!"

"Hindi ba't kumakapit karin kay Mr.Sanchez para makapag-aral?Hindi ba't sinadya mong dumikit sa kanya para mahulog ang loob niya saiyo?"prangkang tanong nito sa kanya.Ngumisi pa ito ng nakakapang-asar."Para sabihin ko saiyo,Senyorita,may trabaho na ako,magsisimula na ako bukas.Ang maging Private Driver ni Mayor David Sanchez"proud na sabi nito sa kanya.

"Wala ka nang pakialam do'n!"Sa inis at sama ng loob ay binagsakan ni Jazz ng pintuan ang lalaki.Naghihimutok ang kalooban niya sa mga paratang nito.Sapul na sapul siya sa bawat pang-babara nito sa kanya.At hindi lang 'yon magiging driver pa ito ni Mayor.

Napahawak siya sa kanyang noo.Juice!Maryosep!Garapong may bagoong!Kamatis na may itlog!Ano bang nakain ng Jack na 'yon at naisipang pumasok bilang driver ni Mayor?

Pabagsak na naupo si Jazz sa kanyang higaan.Naiinis na siya sa pakikialam sa kanya ng Jack na 'to,eh.Bakit alam nito ang mga galaw niya?Baka may gusto ito sa kanya kaya naman todo kung makabantay?

Ano bang iniisip mo Jazz.Boba ka!Balak mo bang mainlove sa boyfriend ng Mamita mo?Natawa si Jazz sa naisip na tuluyang kinahalakhak niya.Nababaliw na yata siya at nasisiraan ng ulo.Nakatulugan na niya ang pag-iisip at nakalimutan na rin niya ang pakikipagtagpo kay Mayor Sanchez nang dahil kay Jack.

Kinabukasan ay nakipagkita si Jazz kay Mayor Sanchez at humingi ng paumanhin sa hindi niya pagsipot rito kagabi.Dinahilan na lang niya na may sakit ang Mamita niya kaya naman hind siya nakarating sa kanilang tagpuan.

"Salamat po,Mayor,lalo ko pong pag-iigihan ang pag-aaral ko.Darating din po ang panahong maibabalik ko sainyo ang inyong kabutihan."

"Sayang kasi kung hindi ka makakapag-enrol ngayong taon.Pangako,aalalayan kita hanggang sa ikaw ay makapag-tapos.Ako ang bahala sa pag-aaral mo.Sagot ko na ang iyong tuition."

"Ang bait niyo po talaga,Mayor."

"Nais ko lang makatulong sa mga batang katulad mo."

"Salamat po."

"Malapit na ang pasukan sa school.Paghandaan mo iyon.By the way,I paid some three sets of school uniforms for you.Just go and get it on the first day of school.Sabihin mo nalang sa kanila kung anong size."

"Ang dami po naman yata no'n?"

"Tama lang iyon."

Nakangiti siyang nakatingin kay Mayor Sanchez.Bakit hindi nalang siya ang naging anak nito?Ang suwerte siguro niya dahil meron siyang Daddy na gagawin ang lahat para sa kinabukasan niya.But anyway,masaya na siyang tutugunin ni Mayor ang pag-aaral niya.

"Hulog po kayo ng langit sa akin ,Mayor.Mabuti nalang at nabangga niyo po ako noon.Kung hindi,baka hindi tayo nagkilala."

Tumawa si David.Ang lamig ng tawa nito.
"Itinakda siguro tayong pagtagpuin,Hija.Dinala ka talaga sa akin ng pagkakataon para matulungan ka.That's the story at wala ng iba."

Nagpaalam na siya kay Mayor Sanchez pagkatapos nitong ihabilin sa kanya ang kanyang mga aralin.Hindi naman namalayan ni Jazz na sa isang sulok pala ng cafeteria ay may mga matang nakamasid sakanila.

Hinalikan pa ni Mayor Sanchez ang kanyang noo bago umalis.Kung nagkataon lang na maraming tao roon ay baka pinagtitinginan na sila ng mga tao dahil siya ang kasama nito.Ngunit patay malisya naman ang mga taong nagkakape roon.
Maliban sa isang nilalang na kanina naroon at kanina pa pala ito nakatingin sa kanila.

Zelina "Princess Last Desire"Where stories live. Discover now