CHAPTER 8: ESCAPING

294 10 0
                                    

Kyla's POV:

Habang naglalakad kami ni Jessna papuntang dorm ni Yuhan ay hindi ko na talaga napigilang itanong sa kanya ang nangyari kanina.

"Ah Jess, n-nakita mo ba yung pagbabago ng mata ni Ma'am kanina?"

"Huh? Ahh.." Jess

Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.

"Jess, tell me. Okay? Nakita mo ba?"

"Hmmm" sunod sunod na tango niya.

So kung hindi lang ako ang nakakita. Posible kayang.. May iba pang nakakita?

"Pero Ky, it's better not to tell them of what we saw earlier. Baka h-hindi sila maniwala." Jess

"What if, may iba pang nakakita? Jess, we need to tell them! At may dapat ka ding malaman about sa School na to."

Buo na ang desisyon kong sabihin sa kanya ang nakita ko kagabi.

"Ano yun?" Tanong niya.

"Ang totoo kasi, kag--ano ba!!!!" Bigla kasi akong hinila ni Blake palayo Kay Jess

"Teka Blake! Saan mo dadalhin si Kyla!! Blake!!" Sigaw sa amin ni Jess

Nang makalayo na kami Kay Jessna, saka niya ako binitawan.

"Ano bang problema mo!!" Inis na sigaw ko sa kanya.

"Sira ka ba?! Sasabihin mo sa kanya? Anong sinabi ko sayo?! Huh?! Wag kang magtiwala kahit kanino!! Kahit pa sa kaibigan mo!!" Sigaw niya sa akin.

Nagulat ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? S-siya ba yung lalaki kagabi?

"T-teka.. I-ikaw?"

"Yes. Ako yung lalaking kasama mo kagabi. Alam ko kung anong kababalaghang nangyayari dito." Blake

"P-paanong.."

Hinila niya nanaman ako at dinala niya ako sa likod ng school.

"Tara." Blake

"Bakit? Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya

"Lalabas tayo ng School."

What? Sira ba siya? Alam niyang bawal! Mapapahamak kami nito eh.

"Aiiish. There's no time!" Blake

"Ayaw ko nga! Babalik na ako sa room!" Sigaw ko sa kanya.

Tatalikod na sana ako sa kanya ng mag salita siya.

"I know her." Blake

Huh? Sinong tinutukoy niya?

"I know your sister. I know Keisha. She's my friend." Blake

Napaharap ako sa kanya bigla. K-kilala niya ang k-kapatid ko? Kilala niya si Keisha?

"Alam kong naguguluhan ka. Kaya sumama ka sa akin. Tara na." Blake

Kung kilala niya ang kapatid ko, k-kilala niya din kaya ang pumatay sa kanya?

"Aiiish wag ka nang mag dalawang isip!" Inis na sabi ni Blake

Haaay. Okay fine. Sasama ako sa kanya. Bahala na si Batman!

Tinulungan niya akong maakyat ang pader saka siya sumunod. Hindi naman masyadong mataas kaya nakayanan kung umakyat. Sumunod naman siya.

"Sandali lang. Ako yung mauunang bababa. Okay?" Blake

Nauna nga siyang tumalon mula sa taas ng pader.

SCHOOL OF DEATHWhere stories live. Discover now