CHAPTER 13: HER TWIN SISTER

267 7 4
                                    

Kyla's POV:

"K..kyla.. Blake. A..anong ginagawa n..niyo d..dito?"

Ako ang dapat mag tanong sa kanya ng ganyan.

Anong ginagawa niya dito? Paano siya nakapunta dito? May alam din ba siya about dito?

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito Sanya?" Blake

Paano nakapunta dito si Sanya?

"Uhmm.. Oh my Gosh! We need to go na guys! 4 minutes nalang parating na ang Principal. Kailangan na nating umalis dito! Tara na!" Sanya

Sinunod naman namin siya. Dinala din namin ang Black Book at ang Photo album.

Nang makalabas na kami ng office ng Principal, agad kong hinila si Sanya sa gilid para kausapin.

"Bitawan mo ako Kyla, ano ba!" Sanya

"Paano ka nakapunta doon? May alam ka din ba tungkol dito?" Tanong ko sa kanya

"Yes. Meron nga. Nakita ko kayo kanina ni Blake na pumasok sa loob kaya sinundan ko kayo. At.. At uhm.. Nakapag desisyon na akong sabihin sa inyo ang mga nalalaman ko." Sanya

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong sa kanya ni Blake

"Magkita tayo bukas ng Gabi. 6pm. Dito mismo sa lugar na'to." Sanya

"Bakit bukas pa? Pwede namang ngayon na ah! At isa pa, magka roommate lang tayo kaya pwede mo nang ikwento sakin." Sabi ko sa kanya.

Eh totoo naman diba? Bakit ipagpapabukas kung pwede namang ngayon na?

"Tama si Sanya, Kyla. Bukas nalang natin tong pag usapan. Masyado naring Gabi. 1am na. Baka mahuli nila tayong nasa labas pa." Blake

Pero.. Pero gustong gusto ko na kasing malaman kung anong mga nalalaman niya eh. Haay.

"Hindi muna ako sasama sayo padorm. May kailangan muna akong asikasuhin. Sige na, bumalik na kayo sa mga kwarto niyo. Baka mahuli pa kayo dito." Sanya

"Bakit? Saan ka pupunta?" Curious kong tanong sa kanya.

"Basta. Blake, ihatid mo si Kyla sa dorm namin. Okay? Sige na!" Sanya saka mabilis na tumalikod at iniwan kaming dalawa ni Blake.

"Tara na. Hatid na kita." Blake

"Huh? Ah wag na. Kaya ko nang mag isa. Mabuti pa, bumalik ka na sa dorm niy...teka sandali!"

Nagsasalita pa nga ako, eh bigla ba naman akong hinila. Psh.

"Dami mong sinasabi eh." Blake

Tahimik lang kaming dalawa ni Blake na naglalakad pabalik ng dorm ko. Sa sobrang tahimik, hindi ko napagilang tanungin siya about sa kanila ni Ayen.

"Ah Blake? Paano pala kayo nagkakilala ni Ayen?" Tanong ko sa kanya na naging dahilan para huminto siya sa paglalakad.

"Ah kung ayaw mong pag usapan siya, okay lang. Wag mo nalang sagutin ang tanong ko."

Ngumiti siya ng parang inlove na malungkot na ewan. Saka tumingala sa kalangitan.

"Mahabang kwento. Basta ang alam lang namin pareho, mahal na pala namin ang isa't isa. :)" ngiti niyang sabi habang nakatingala parin sa langit.

Mahal na mahal nga niya si Ayen. Sa sobrang mahal niya, wala na siyang pakialam na makulong man ang daddy niya sa ginawa nila sa mga estudyante dito.

"Wag kang mag alala Blake. Sigurado akong, masaya si Ayen dahil gumagawa ka ng paraan para makulong lang ang mga taong gumawa nun sa kanya."

Hindi ko akalain na magiging kaibigan ko pala ang taong to. Ang taong unang nag bintang sa akin na ako daw ang pumatay kay Ayen. Ang taong galit sa akin. Ang taong expressionless pag dating sa akin.

SCHOOL OF DEATHWhere stories live. Discover now