CHAPTER 31: SAVING KYLA

189 6 0
                                    

Kyla's POV:

Natatakot ako. Ilang minuto nalang at papatayin na nila ako. Pero bakit.. bakit hanggang ngayon hindi parin nila ako kinukuha? Bakit hanggang ngayon wala pa sila?

Teka, anong nangyayari? Bakit parang may kaguluhan sa labas?

"May tao ba diyan? Tulungan niyo ako! Parang awa niyo na! Please! Nandito ako sa loob!" Sigaw ako ng sigaw

"Anak? Anak si Mommy to! Blake! Ang susi! Dali!" Mommy

M..mommy.. nandito sila mommy. Ililigtas na nila ako. Salamat sa Diyos. Salamat at nandito na sila para iligtas ako.

Nang mabuksan na ang pinto, si Mommy agad ang bumungad sa akin.

"Mommy? Mommyyy" iyak kong sigaw

Niyakap niya ako ng mahigpit at ganun din ako sa kanya. Iyak kami ng iyak. Yung kaninang takot na nararamdaman ko ay napalitan ng pag asa at tuwa.

Nakita ko rin yung dalawang bantay sa labas ng kwarto ko. Bagsak sila at walang malay.

"Blake!"

Sigaw ko sabay takbo din sa kanya para yakapin siya

"Blake! Salamat at nandito ka na!"

Iyak kong sabi habang nakayakap sa kanya.

"Ang pangit pangit mo na." Blake

Kumalas naman ako sa pagkakayakap at pinalo siya. May gana pa siyang mag biro sa oras na to. Kakaiba talaga siya.

Teka, bakit may dugo?

"Blake? Hala may tama ka! Okay ka lang ba?" Alala kong tanong sa kanya.

"Malayo to sa bituka." Blake sabay hawak sa duguan niyang braso.

"Tama na yan! Kailangan na nating umalis dito anak, tara na!" Mommy

Nagmadali naman kaming lumabas sa kung saan ako kinulong ng Principal bago pa magising ang mga bantay na to. Tinulungan naman akong makalakad ni Blake at ni Mommy dahil nanghihina parin ako. siguro ay dahil to sa mga nangyayari. Ikaw ba naman ang makulong ng ilang araw kung hindi ka manghihina diba?

Nang tuluyan na kaming tatlong makalabas, hindi ko alam na gabing gabi na pala at masyado nang madilim. Tanging liwanag nalang na nagmumula sa malapit sa lumang building na'to ang aming nakikita. Sigurado akong doon nila sana ako iaalay. Pero teka, paano pala sila nakapasok sa loob?

"Blake, Mommy, paano niyo pala ako napuntahan doon sa kwarto? H..hindi po ba matutuloy yung pag aalay?" Tanong ko sa kanila

"Mahabang kwento anak. Pero matutuloy parin ang pag aalay." Mommy

Nakita kong pati si Blake ay nabigla sa sinabi ni Mommy. Kung ganun, sino naman yung iaalay nila?

"Sino po yung iaalay?" Tanong ko sa kanya

SCHOOL OF DEATHWhere stories live. Discover now