CHAPTER 32: ANG PAGSABOG

222 6 0
                                    

Yuhan's POV:

"Dad wag! Wag mo siyang barilin. T..tinulungan ko sila. Tinulungan ko silang patakasin si Kyla. Tinulungan ko si Tobby na makalabas ng bahay natin nung kunin niya yung Anti Hypnotism sa study room mo. kaya ako! ako ang tutukan mo ng baril at hindi si Tita!" Sigaw ko sa kanya

"Bakit mo yun ginawa Yuhan? sinira mo ang plano ko! Sinira mo ang buhay mo! Alam mo ba yun?!" Daddy

"Sirang sira na ang buhay ko Dad! Sirang sira na! Simula ng maghiwalay kayo ni Mommy, hanggang sa nalaman kong mamamatay tao ka! tama na dad, tigilan na natin to. Tapusin na natin to." Iyak kong sabi saka lumuhod sa kanya.

★★★★★★★★

Kyla's POV:

Nasa labas na kami ni Blake nang magsilabasan at nagtatakbuhan ang mga taong nakapanghood.

Teka, mga guro namin to ah? Alam na ba nila na sasabog ang School na yun?

Mommy :'(

"Mr.Santiago? Ms.Padilla? Mabuti at nakalabas kayo!" Ma'am Sanchez

"Okay na po ba kayo? N..nawala na po ba ang bisa ng hypnotism sa inyo?" Blake

"Hypnotism? Ano bang pinag sasasabi mo eho! Haay naku! Pero teka, bakit hanggang ngayon hindi pa lumalabas sila Yuhan?" Ma'am Sanchez

"N..nasa loob si Yuhan?"

Bakit nasa loob si Yuhan?

"Oo. Nagtatalo sila ng Daddy niya nang umalis kami." Ma'am Sanchez

"Blake bitawan mo ako! Kailangan kong puntahan si Yuhan!" Pakiusap ko sa kanya

"Hindi pwede Kyla! Hindi na tayo pwedeng bumalik doon! Sasabog na ang mga bomba mayamaya. Delikado kapag bumalik pa tayo doon!" Blake

"H..hindi! Alam kong naging masama si Yuhan, alam kong may kasalanan siyang nagawa sa akin! Pero hindi ko hahayaang pati siya mawala sa akin! Kaibigan ko parin siya!" Iyak ako ng iyak

SCHOOL OF DEATHWhere stories live. Discover now