CHAPTER 25: BLAKE VS. YUHAN

195 5 0
                                    

Kyla's POV:

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga narinig ko kanina. Anong ibig sabihin ng Principal? Na ginagawa niya ang lahat ng ito dahil kay Yuhan? At ano daw? Kailangang ialay ang buhay ko para mabuhay si Yuhan? Naguguluhan ako. Bakit ako? Mahal ako ni Yuhan? Pero..

"Pakawalan niyo ako! May tao ba diyan?! Pakawalan niyo ako! Gusto kong kausapin si Yuhan! Please! Pakawalan niyo ako!"

Iyak kong sigaw pero wala talagang nakakarinig sa akin.

Ilang araw na akong nakakulong dito. H..hindi ba ako hinahanap nila Blake? Bakit hanggang ngayon hindi parin nila ako nililigtas? Wala na ba siyang pakialam sa akin? Blake, nasaan ka na? Alam mo bang.. :'( alam mo bang iniwan ako ng lalaking mahal ko? Kaya h..hindi ko alam.. kung, kung ipagpapatuloy ko parin ang pagmamahal sa kanya. Matapos ang ginawa niya. Matapos niya akong iwan dito.

Iyak lang ako ng iyak. Hihintayin ko nalang sigurong dumating ang araw ng pag aalay sa akin. Nawalan na kasi ako ng pag asang makakaalis pa ako dito. :'

★★★★★★★★

Blakes's POV:

"Ayen!"

Sigaw ko sa babaeng hinabol ko.
Nang humarap siya ay agad ko siyang niyakap.

"Ayen, buhay ka!"

Masayang sabi ko sa kanya

"T..teka, sandali. Blake?" Ayen

"Ye..teka, Y..Yerin? Ikaw ba yan?"

"Oo! Haha long time no see!" Yerin sabay yakap sa akin

Hindi siya si Ayen? Siya si Yerin. Ang kambal ni Ayen. Bigla naman akong nanghina. Akala ko, siya na si Ayen. Ang babaeng mahal ko.

"Huh? Ah I'm sorry Yerin kung napagkamalan kitang si Ayen. Magkamukhang magkamukha kasi kayong dalawa eh." Sabay kamot sa ulo ko

"Okay lang yun nuh! Naiintindihan kita. Alam ko namang miss na miss mo na yung kapatid ko. Ganun din naman ako, miss na miss ko narin siya at alam kong ganun din siya sa atin." Yerin

Tama siya. Miss na miss na miss ko na talaga si Ayen.

"By the way, bakit ngayon lang ata kita nakita? Kumusta ka na? At anong ginagawa mo dito?" Sunod sunod kong tanong sa kanya

"Wait wait wait! Isa isa lang, okay? uhm.. naaksidente kasi ako nung time na namatay si Ayen eh. Nung isang araw lang ako naka labas ng hospital. At nandito naman ako para sana bisitahin itong School niyo ng kapatid ko. Kung anong klaseng School to. Nakakatakot pala dito nuh? Ibang awra kasi tong na fefeel ko eh." Yerin

SCHOOL OF DEATHजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें