THE FINAL CHAPTER

307 14 1
                                    

Kyla's POV:

After 2 years

2 years na ang nakalipas nung mangyari ang pag sabog. Ngayon, college na kami. Wala na akong family. Lola, lolo, mommy, daddy at si Keisha, wala na silang lahat. Hindi naman ako close sa mga tita at tito ko. Pero iniwan sa akin ni Mommy lahat lahat ng pag mamay ari nila ni Daddy kaya nakakapag aral parin ako. Tinutulungan rin ako ni Tito Barron at Tito Zymon. Yung mga daddy ni Blake at Sanya dahil gusto nilang bumawi sa mga ginawa nila sa akin. Napatawad ko naman sila kaya okay na kaming lahat.

Si Jessna? Talagang patay na. Hindi manlang siya nakapag sorry sa akin. Pero kung sakaling nabubuhay pa siya, isang sorry niya lang, mapapatawad ko na siya. She was my bestfriend after all.

Si Kristine? Nabalitaan naming dinala pala siya sa Mental Hospital. Yes, nabaliw si Kristine. According to the nurses, palagi daw sinasabi ni Kristine na hinahabol daw siya ni Missy. Palagi daw siyang nakakakita ng babaeng walang ulo at si Missy daw yun. Haay, sana maging okay na siya. Kahit ganun yun, may chance pa naman siyang mag bago. 

(Extra lang po si Jack Rey Villa yung pinsan ni BLake)

Mayamaya lang ay dumating na yung hinihintay ko. Si Blake.

"Ano? Tara na?" Blake sabay open ng pinto sa front set ng kotse niya.

"Lets go. :)"

May outing kasi kami kasama yung daddy niya at si Tobby, Sanya at pati narin ang Daddy ni Sanya. Birthday ko kasi ngayon kaya mag o'outing kaming lahat.

After 1hour na pag byahe, nakarating na nga kami ni Blake sa beach house nila.

Grabe! Ang ganda ganda dito at ang lamig!

"KYLA! BLAKE!" tawag ni Sanya mula sa malayo

Kinuha ko naman ang mga gamit ko saka dumeretso sa kanila ni Tobby. Sa dalawang magkasintahan. Oo, sila na ngang dalawa at 1 year na silang in a relationship! Ang cute nga nila eh, palaging nag aaway but at end of the day, nagkakabati rin. Tsk tsk.

"Happy birthday Kylaaa" Sanya sabay yakap sa akin.

"Thank you Sanya :)" pagpapasalamat ko sa kanya

"Happy birthday Kyla :)" Tobby

"Thanks Tobby :)" pagpapasalamat ko din kay Tobby

"Tara na? Nasa loob ng bahay yung mga gift namin sayo. At hinihintay narin tayo nila Daddy, lets Celebrate your BIRTHDAAAAY! hihi" Sanya

Grabe. Hindi ko talaga aakalain na yung mga taong hindi ko inaasahang magiging kaibigan ay kaibigan ko na pala ngayon.

Yung Sanyang palagi akong inaaway. Pinagbibintangan sa pagkamatay ni Ayen ay isa ko na palang matalik na kaibigan ngayon.

Si Tobby na cold ang unang treatment sa akin ay kaibigan ko rin ngayon.

At si Blake.. si Blake na nagpasimuno sa pagbibintang sa akin sa pag patay sa girlfriend niyang si Ayen, ay matalik ko naring kaibigan ngayon at ang lalaking di ko aakalaing magkakagusto sa akin.

Oo. 8months ng nanliligaw sa akin si Blake. At balak ko na siyang sagutin ngayon. Sa araw ng birthday ko. :)

"Oy oy! Ako na magdadala niyan!"

SCHOOL OF DEATHWhere stories live. Discover now