CHAPTER 22: THE ANTI HYPNOTISM

215 3 0
                                    

Kyla's POV:

Wala na akong ibang maisip na paraan kundi ang basagin ang basong nasa harap ko para hiwain yung lubid na nakagapos sa akin.

Dahan dahan kong kinuha ang baso saka binasag ito. Nasugatan pa yung kamay ko na naging dahilan ng pagdurugo nito pero wala na akong pakialam. Ang importante, makatakas ako dito.

Hiniwa ko ng hiniwa yung lubid na pinanggapos sa akin hanggang sa matanggal ito. Pagkatapos matanggal ng lubid sa kamay ko, sinunod ko namang hiwain yung lubid na nakagapos sa paa ko.

Kailangan kong makatakas dito kahit anong mangyari.

Tumayo ako pagkatapos matanggal ng mga lubid saka tinago yung mga basag na baso.

"M..may tao ba diyan? Pakikuha naman ng pagkain oh!" Sigaw ko sa labas.

Mayamaya, pumasok yung lalaking malaki ang katawan na pumasok kanina sa kwarto. Pag pasok niya, saka ko tinusok ng kutsilyo yung legs niya para hindi niya ako mahabol.

"Hoy!! Bumalik ka dito!"

Sigaw niya pero mabilis akong tumakbo palabas at pumasok sa elevator. Ito yung daan nung pumunta kami dito ni Blake.

Sobrang kinakabahan ako. Pero anong magagawa ko? Gustong gusto ko na talagang makatakas dito.

3...

Ayan na.. bubukas na.

2...

Please... bilis

1...

Open.

Bumukas na nga ang elevator ngunit natigilan ako at nagulat ng nasa harapan ko na ang Principal. Ang daddy ni Yuhan.

Napaatras ako sa sobrang takot. Nanginginig at kinakabahan ako.

"And where do you think you're going?" Principal

"Please, pakawalan niyo na ako! Parang awa niyo na!" Pagmamakaawa ko sa kanya

"I'm so sorry eha, but I can't. Marami ka nang nalalaman at masyado nang na attached ang anak ko sayo kaya mabuti pa, bumalik ka na sa baba, kundi.."

"Kundi ano?"

Nanginginig kong tanong

"Kundi kek! Hahaha ibalik niyo na yan dun!" sabay tawa nang nakakatakot

"Bitawan niyo ako! Ano ba! Bitawan niyo sabi ako!"

Pagpupumiglas ko dahil hinahawakan nila ako sa magkabilang braso para hindi ako makalabas ng elevator.

"Pagbabayaran mong ginawa mo sa pamilya ko! Tandaan mo yan!"

Sigaw ko habang umiiyak saka tuluyan na ngang sumira yung elevator.

Pagkabalik namin sa baba, hinihintay kami nung lalaking nagbabantay sa akin. Galit na galit ang tingin niya sa akin.

SCHOOL OF DEATHWhere stories live. Discover now