CHAPTER 27: DEATH

199 4 0
                                    


Blake's POV:

"Tobby, tawagan mo si Ma'am Lazaro! RIGHT.NOW! Dali!" Utos ko sa kanya

"Sige sige! Pero teka, saan ka pupunta?" Tobby

"Pupuntahan ko si Kyla, ililigtas ko siya!"

"Tekaaaa! Blaaake! Tobbyyy!" Sigaw ni Jessna habang tumatakbo

Hingal na hingal siyang lumapit sa amin.

"Ohh! Bakit hingal na hingal ka?!" Tobby

"Haa. Haa. Hoo. Ano kasi, si daddy, sabi niya kailangan na nating umalis sa School today, baka may gawin sila kay Kyla!" Sanya

Yun na nga eh! Kaya kailangan ko siyang iligtas. Kung di kayang gawin yun ni Yuhan, ako ang gagawa nun.

"Alam na namin. Kaya kailangan na nating kumilos, pero teka.. anong nangyari sayo? Ba't nakapang tulog ka pa? at bakit may sugat yang labi mo?" Tobby

Nakipag away yan, I'm sure.

"Mahabang kwento. Ano na?! Makipagkita kayo kay Ma'am Lazaro? At ikaw, anong gagawin mo?" Sanya

Bahala na. Ang importante maligtas ko si Kyla.

"Ililigtas ko si Kyla."

"Pero paano?" Tobby

"Bahala na! Basta makipag kita nalang kayo kay Ma'am! Sige, mauna na ako sa inyo." Paalam ko sa kanila saka mabilis na tumakbo papunta sa likod ng lumang building.

Habang papunta na ako sa likod ng building nakasalubong ko si Yuhan.

"Yuhan!" Sigaw ko sa kanya sabay suntok

"Walang hiya kayo! Anong gagawin niyo kay Kyla?! Huh?!" Sigaw ko sa kanya pero nanatili lang siya sa kanyang sarili. Wala paring expression ang mukha niya simula kahapon.

"Tandaan mo'to Yuhan! Hinding hindi kita mapapatawad pag may mangyaring masama kay Kyla!" Galit na sigaw ko sa kanya saka siya binitawan.

Papaalis na sana ako ng tawagin niya ang pangalan ko.

"9pm. Sa likod ng lumang building." Yuhan saka mabilis na tinalikuran ako. Anong ibig niyang sabihin. Hindi ko siya naintindihan.

SCHOOL OF DEATHWhere stories live. Discover now