CHAPTER 17: MISSING KYLA

230 6 0
                                    

Sanya's POV:

Kakarating ko lang sa School. Papunta na ako sa tagpuan namin nila Kyla at Blake ng makasalubong ko si Jessna.

"Oh? Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya

"Pakialam mo?" Jessna

Ayy bongga? Mas mataray pa sakin? Kalerke! Tss. Hinayaan ko nalang may mas mahalaga pa akong aasikasuhin.

Pagdating ko sa likod ng room namin, nadatnan kong nag iisa si Blake. Huh? Bakit siya lang? Nasaan si Kyla?

"Bakit ang tagal mo? Kanina pa kita hinihintay!" Inis na sabi ni Blake

"Tss. Nasaan si Kyla?" Tanong ko sa kanya.

"Pinuntahan si Jessna sa dorm nila. Nasaksak daw kasi eh." Blake

Nasaksak? Anong ibig niyang sabihin? Eh nakita ko palang si Jessna kanina ah.

"Ano bang pinagsasasabi mo? Wala namang nangyaring masama kay Jessna ah. Nakasalubong ko pa nga lang siya kanina."

"What do you mean?" Blake sabay kuha ng Phone niya sa kanyang bulsa at saka dinial ang number ni Kyla.

"Walang saksak si Jessna. Kitang kita ko okay na okay naman siya."

"Shiiit! Shiiit! Shiiit! Out of coverage si Kyla!" Blake

Kinabahan ako bigla. Hindi kaya..

"OMG! Blake? H..hindi kaya.. Nasa panganib si Kyla?"

"Fuuuck!!!"

Blake Sabay takbo.
Sinundan ko naman siya. Takbo kami ng takbo papuntang dorm namin. Kitang kita ko ang pag aalala ni Blake para kay Kyla.

Umakyat agad kaming dalawa sa Kwarto namin nila Kyla at pagdating namin dun, wala ni isang tao ang nandoon.

"Arrrgh! Saan dinala ni Kristine si Kyla?!" Inis na sabi ni Blake

Saan mo nga ba dinala si Kyla Kristine? At anong gagawin mo sa kanya at bakit?

"Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Blake

"Hahanapin ko si Kyla." Blake

"Sasamahan kita."

Sobrang dami na ng nagawa kong kasalanan kay Blake. Ang nakawin palang ang sulat ni Ayen para sa kanya, ay sobra sobra na. Kaya tutulungan ko siya sa abot ng aking makakaya.

Buong gabi naming hinanap si Kyla. Lahat na ata ng room at sulok sa School, pinuntahan na namin pero wala siya. Maliban lamang sa pinakalikod ng lumang building ng School namin na kung saan ginagawa nila ang ritual at sa Principal's office.

SCHOOL OF DEATHWhere stories live. Discover now