CHAPTER 11: GHOST

277 10 1
                                    

Third Person's POV:

Nagsilabasan ang mga 4th year students ng mabalitaan nilang may isang bangkay na pinagkakaguluhan sa labas. Isang bangkay ng babae na walang ulo.

"Sa tingin mo ba Blake, si Missy yang babaeng yan?" Tanong ni Kyla kay Blake

"Malakas ang kutob kong siya nga yan." Blake

Hindi naman mapakali si Yuhan dahil magkasama si Kyla at Blake.

'Kailan pa kaya naging magkaibigan yang dalawang yan?!' Inis na sabi ni Yuhan sa kanyang isip.

"Kung ganun, kailangan na nating gumawa ng paraan para matigil ang patayan sa School na'to." Kyla

"May naisip na akong paraan. Mag kita tayo mamayang gabi. 9pm. Wag mong sasabihin sa mga kaibigan mo. Okay?" Blake

"Yun nga ang problema eh. Niyaya nila akong mag dinner mamaya." Kyla

"Wag ka munang sumama sa kanila. Balita ko, wala dito ang Principal. Ito na ang pagkakataon. Kailangan nating puntahan ang office niya. Baka may mahanap tayong ebedensya laban sa kanila." Blake

Nag isip isip muna si Kyla kung sasama ba siya o hindi.

"Sige. Sasama ako mamaya. Magkita nalang tayo sa likod ng room natin." Kyla

Aalis na sana si Kyla ng maalala niya ang number na nagtext sa kanya. Kaya tinanong niya si Blake tungkol dito.

"Ah, Blake, pwede bang magtanong?" Kyla

"Ano yun?" Blake

Kinuha ni Kyla ang phone niya sa bag niya at pinakita niya kay Blake ang mga text ng Unknown number.

"Ikaw ba ang nagtetext niyan?" Tanong ni Kyla kay Blake

Nagtataka namang binasa ni Blake ang mga text kay Kyla.

"Hindi ako ito. Kailan pa nag simulang mag text ito sayo?" Takang tanong ni Blake kay Kyla.

'So, hindi pala si Blake. Kung ganun.. Sino?' Tanong ni Kyla sa kanyang isip.

"Huh? Ah nung namatay si Ayen. Simula nun, nag tetext na yan sa akin. I tried to call that number but its useless" Kyla

"Hindi lang tayo ang may alam about sa nangyayari sa School nato. Kailangan nating malaman kung sino yan. Baka may alam siya at makatulong sa atin." Blake

"Guys! Guys!" Hingal na sigaw ng lalaking section D.

"Bakit? Bakit?" Tanong sa kanya ng mga estudyante.

"Nakita na ang ulo ng babaeng yan!" Sigaw niya

"Talaga? Talaga? Saan? Saan? At sino daw?" Tanong sa kanya ng mga estudyante

"Si Missy Vargas! Yung taga Section A!"

Napatakip naman ng kanyang bibig si Kyla. Natakot siya as well as naawa dahil sa nangyari kay Missy.

Nasaksihan niya kung paano namatay si Missy. Galit na galit siya at gustong gusto nang patayin ang Principal.

Hinawakan naman ni Blake ang kamay ni Kyla para kumalma ito na nakita naman ni Yuhan.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Tobby sa kaibigan niyang paalis at hindi siya pinansin.

"Eh ano pa? Edi mag w'walk out! Ikaw ba naman makitang hinawakan ng ibang lalaki ang kamay ng babaeng mahal mo, kung di ka masasaktan? Psh." Jessna saka mabilis ding umalis.

SCHOOL OF DEATHWhere stories live. Discover now