CHAPTER 24: THE REAL REASON

210 3 1
                                    

Sanya's POV:

Pagkatapos ng pag uusap-usap namin kanina, nag punta na kami sa mga lugar na pinag assign sa amin ni Ma'am. Si Tobby sa Principal's office, si Blake and Yuhan naman sa Likod ng lumang building ng School at Ako naman sa Dorm namin. Thanks naman at wala ata dito yung hudas na prend ni Kyla kaya ito ako, kaykay ng kaykay sa mga gamit na hindi akin.

Nasaan na ba kasi yung Black Book na yun? Saan mo naman kaya tinago Kyla?

Kaykay kaykay. Para na akong si Jessna neto eh. Hinanap ko pero wala talaga eh. Nasaan na baa. Argggh! H..hindi kaya.. hindi kaya nakuha na ni Jessna? Oh No! Hindi maaari!

Dali Dali naman akong pumunta sa mga gamit ni Jessna saka kinaykay ang mga gamit niya, baka sakaling nandito yung Black Book na yun.

Kaykay kaykay kayka..

"Anong ginagawa mo sa mga gamit ko?!"

"AYY JUDAS NA BABAENG PANGIT! J..Jessna.."

Oh Shit! Why now? Patay kang bata ka. Anong sasabihin ko? Na hinahanap ko yung Black book? Yung Black Book na ninakaw niya kay Kyla? Na ninakaw ni Kyla sa Masamang Principal namin? Magulo ba? Sorry naman!

"I said, What.Are.You.Doing. to my things?" Judas

"Huh? Ah.. eh.. h..hinahanap ko lang yung.. ah.. yung pinahiram kong notes sayo last time. Wala ka kasi dito, so ako nalang yung nag hanap." Pautal utal kong sabi sa kanya.

"I thought, I didn't give you my notes? We're not even close para ipahiram ko sayo ang notes ko? So what are you really doing to my things? TELL ME!" sigaw niya

Pew. Nagulat naman ako sa sigaw niya huh! Grabe naman siya! -_-

"Teka nga, bakit ang dami mong tanong? We're not even close din naman para sagutin yang mga tanong mo, right? Tsk tsk. Baliw! Diyan ka na nga!" Sabay alis ng kwarto.

Teka.. parang nangyari na'to ah? Ang weird. Haay makaalis na nga!

Kung nakuha na ni Jessna yung Black Book, hindi kaya ibinigay niya na ito sa Principal?

Mabuti pang, puntahan ko nalang si Tobby.

Naglalakad ako papunta sana kay Tobby nang makasalubong ko si Daddy.

"Good Morning po Sir Almozera." Bati ko sa kanya

"Anak, I want you to be ready. Aalis ka na sa School na'to." Dad

Aalis? What?

"What are you talking about Dad? Aalis? Why?" Tanong ko sa kanya

Naguguluhan ako.

"Diba Ito naman yung gusto mo, right? Ang umalis sa School na'to? Then this is your chance! You can leave now."

SCHOOL OF DEATHWhere stories live. Discover now