CHAPTER 18: THE TRAITOR

236 9 0
                                    

Blake's POV:

Dali dali akong lumabas ng School ng marinig kong parang bumagsak si Sanya.

Sandali lang Kyla, pupuntahan ko muna si Sanya.

Nang makalabas na ako sa School ay agad kong pinuntahan si Sanya sa bahay nila Kyla. It's already 4am in the morning na rin kaya hindi na masyado madilim sa daan.

Pagdating na pagdating ko sa bahay nila Kyla ay agad kong tinawag si Sanya.

"Sanya? Sanya nasaan ka?!" Sigaw ko ngunit walang sumasagot.

Umakyat ako sa taas at doon ko nakita si Sanya na walang Malay.

"Sanya? Hey! Wake up!"

Niyugyug ko siya para magising pero hindi parin siya nagigising. Binuhat ko nalamang siya pababa saka iniupo sa sofa.

"Hoy! Ano ba!!! Gising!"

Niyugyog nang niyugyog ko talaga siya hanggang sa magising na nga siya.

"Hmmm.." Sanya

"Ano? Okay ka na ba?" Tanong ko sa kanya

"Huh? Aray. Medyo masakit pa ulo ko eh." Sanya habang hinahawakan ang batok niya.

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ko ulit.

"T..teka.. Waah!!! Yung memory card! Bakit wala na?! Aiiish!! Oo nga pala! May kumuha ng memory card Blake! Anong gagawin natin?" Tarantang sabi niya

"Pambihira naman oo! Sino ba ang kumuha? Natatandaan mo ba ang itsura niya?"

"H..hindi eh. Masyadong madilim at talagang nahilo na ako kanina eh. Pero, nakuha ko yung kwentas niya. Teka, nasaan ba yun?" Sanya habang may hinahanap na kung ano.

"Ano bang hinahanap mo?"

"Yung kwentas! Nakuha ko yun eh.. Teka, baka naiwan sa taas! Tama! Sandali lang!" Agad naman siyang tumakbo pataas habang hawak hawak yung batok niya.

Mayamaya..

"Blake!" Sigaw niya habang nasa taas at itinaas ang hawak hawak niyang kwentas. Bumaba naman agad siya at ibinigay sakin yung Kwentas.

"Ito ba yun?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Yan yun. Kwentas ng babae diba? Kung sino man ang may ari niyan alam kong may alam siya at nasa paligid lang natin siya." Sanya

"Hindi kaya, kay Kristine to?"

"Ewan ko. Pero parang hindi ko naman nakikita yang kwentas na yan kay Kristine eh." Sanya

SCHOOL OF DEATHWhere stories live. Discover now