CHAPTER 15: PANGANIB

226 6 2
                                    

Third Person's POV

Naglalakad na papuntang room nila si Kyla nang makasalubong niya si Yuhan.

"Ky, can we talk?" Yuhan

"Kung tungkol to kagabi, hindi ako mag sosorry." Kyla

'Hindi ako mag sosorry. Kung hindi ako sumama kay Blake, hindi ko sana malalaman na anak pala siya ng Principal at kasabwat din pala dito si Mommy. Kaya tama lang ang naging desisyon ko.' Sa isip ni Kyla

"Ky? Bakit, parang nag iba ka na ata? Hindi ka naman ganyan dati ah. Yan ba yung impluwensya sayo ni Blake?" Yuhan

"Nag iba? Hindi ako nag iba Yuhan. Nagising lang ako sa katotohanang School of Death pala tong napasukan ko. At dahil yan sa demonyo mong ama." Galit na sabi ni Kyla Kay Yuhan.

Nabigla naman si Yuhan sa sinabi ni Kyla.

"What do you mean?" Yuhan

Hindi na napigilan ni Kyla ang kanyang sarili. At sinabi niya na Kay Yuhan na alam niya nang anak siya ng Principal.

"Alam ko na Yuhan! Alam ko nang anak ka ng Principal. Bakit tinago mo to sa akin? Akala ko ba magkaibigan tayo?!" Iyak na sabi ni Kyla.

Hinawakan ni Yuhan ang kamay ni Kyla saka nagsalita.

"I'm so sorry Ky. Hindi naman kasi importante kung anak ako ng Principal o hindi eh." Yuhan

Tinanggal naman ni Kyla ang pagkakahawak ni Yuhan sa kanyang kamay.

"Pwes, importante sakin yun Yuhan! Alam mo bang, pumapatay ng mga estudyante yang ama mo?!" Kyla

Nagulat si Yuhan sa sinabi ni Kyla. Hindi siya makagalaw at makapagsalita.

"H..hindi totoo yan. Alam kong hindi siya mabuting ama pero h..hindi niya kayang pumatay ng tao." Yuhan

"Yuhan! Wake up! Pinatay ng ama mo ang Kapatid ko! Pati narin yung mga namatay na estudyante, ama mo ang pumatay!" Kyla

SCHOOL OF DEATHWhere stories live. Discover now