iv

16.4K 954 177
                                    

DEMON

"Hyrreti?" Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang pagtawag na iyon sa pangalan ko. Mabilis kong itinago sa likuran ko ang tangkay ng kulay itim na rosas na hawak ko bago ko hinarap ang tumawag sa akin.

Siya iyong babaeng tumakbo kanina palabas ng kusina. Hindi ko lang matandaan ang pangalan. nito. Bahagyang nangunot ang noo ko nang subokan kong alalahanin ang pangalan niya.

Ano nga ulit ang pangalan ng isang 'to? Demina? Demian? Napailing nalang ako. I am suck at remembering people's names. That's why it doesn't matter whether they tell me their name or not. Hindi ko rin naman iyon matatandaan.

"I'm here," sagot ko nang akmang maglalakad na ito patungo sa isang pintuang konektado sa kwarto ko. Mukhang bathroom ata.

Lumingon siya sa direksyon ko at kaagad na nanlaki ang mga mata nito nang mag tama ang aming paningin. Bumahid ang pangamba sa mukha niya tsaka siya nagmamadaling tumakbo papalapit sa pintuan ng balkonahe kung saan ako nakatayo ngayon.

"Anong ginagawa mo riyan sa labas? Bumalik ka dito sa loob bilis. Baka may makakita sayo!" Tarantang saad niya. Nagtaka tuloy ako. Bakit parang gaito ang reaksyon niya?

Kagaya nang sinabi niya ay naglakad na lang ako pabalik sa loob ng kwarto ko dahil unti-unti naring lumalakas ang pag ihip ng hangin. Nang makapasok ako ay kaagad niyang isinara ang pintuan at saka siya madaling humarap saakin.

Her face is as pale as ghost. Anong problema nito?

Hindi ko mapigilang bigyan siya ng nagtatakang tingin. Mukha namang nabasa niya ang pagtataka sa mukha ko kaya naman napabuntong hininga siya saka niya ipinahinga ang dalawang kamay sa kaniyang bewang.

"That Veine, mukhang hindi niya nabanggit sayo ang ilan sa mga rules ng paaralan na 'to." Napailing siya tsaka niya ako binigyan ng seryusong tingin.

"Hindi tayo pwedeng lumabas tuwing gabi. That is one of the major rules in this school. At isa pa delikado rin para sa atin na lumabas tuwing gabi lalo ka na dahil bagohan ka palang. Hindi pa sanay ang night class students sa amoy ng dugo mo." Paliwanag niya na ikinatango ko lang naman.

Kaya pala gano'n nalang ang reaksyon niya nang makita niya akong nasa labas kanina. Tama ang hinala kong isa iyon sa rule ng paaralan na 'to.

Binalingan ko ang kadiliman sa labas. Those vampires are roaming around the school now. Tuwing gabi ang schedule nila kaya siguro bawal lumabas ang mga day class students dahil baka bigla nalang gawing blood donor. I get it now. Hindi nalang ako magpapahuli sa susunod na lumabas ako ng gabi. Walang rules na malalabag kapag walang nahuhuli, diba?

Napangisi ako sa na isip. Nabalik lang ulit ako sa ulirat nang marinig magsalita itong kaharap kong babae.

"Handa na ang pagkain sa baba. Sumunod ka nalang pagkatapos mong mag ayos para makasabay kang kumain sa amin." Tumango nalang ako na ikinangiti niya naman. Medyo bipolar din ata siya eh. She gently taps my shoulder then starts pacing out of my room while humming a song.

Napabuntong hininga nalang ako saka. Doon lang nahulog muli ang mga mata ko sa tangkay ng kulay itim na rosas na hawak ko. I raise my hand and gently trace the petals using the tip of my fingers. I bit my bottom lip, sensing the odd feeling that's building inside my confuse system.

Black rose, beautiful and at the same time deadly. I still wonder why is it place in my balcony? Sinong nag iwan nito? Is it just a mere coincidence? A threat? Warning? A welcome gift?

Wala akong ideya kung para saan ang rosas na ito pero kung akala nila matatakot nila ako dahil lang sa isang tangkay ng rosas na ito, nagkakamali sila.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon