xv

12.9K 839 164
                                    

GOODNIGHT


Tahimik lang kaming pareho habang ginagamot niya ang sugat na natamo ko dahil sa mga pakialamerong bampira na 'yon kanina. Pinanuod ko lang siya habang maingat niyang nililinis ang sugat ko. Dapat sana ay ako nalang ang gagawa nito kaso nga lang masyadong pabida ang bampira na 'to kaya wala narin akong nagawa kundi ang manatili nalang at hayaan nalang siyang gamutin ang sugat ko.

Isa pa ay ramdam ko narin ang pagod sa katawan ko dahil sa dami ng mga pinagdaanan ko kanina bago ko matunton ang lugar na ito kaya naman hindi na ako nakipagtalo pa sa kaniya ng utosan niya na naman akong umupo sa tabi niya at tumahimik. Seryuso lang naman ang mukha niya habang nilalagyan niya ng benda ang braso ko.

He looks so harmless while doing it but still, that doesn't change the fact that he dares to bite me that night. Isa pa, siya rin naman ang may gusto na maparusahan ako kaya nga ipinaalam niya sa supreme student ang ginawa kong paglabag sa batas diba. Kung ganoon, edi sana hinayaan nya nalang ako na makulong sa ilusyon na iyon.

"I have to do that." Seryusong saad niya matapos ng mahabang katahimikan na bumalot saaming dalawa. Kumunot ang noo ko. Anong pinagsasabi ng isang 'to? Bigla-bigla nalang kasi siyang nagsasalita eh.

"What?" I ask, unaware of what he is talking about. Malay ko ba kung may kinakausap siyang ibang nilalang sa isipan niya. Hindi pa ganoon karami ang nalalaman ko tungkol sa mga kauri niya eh. Who knows if aside from suddenly popping and fading around, they can also use telepathy as their way of communication right?

"Are you talking to someone using your mind?" Napatakip ako ng bibig ko ng bigla ko. This effin' goddamn mouth! I wasn't supposed to ask that! It just slips out of my mouth. I gaze at him awkwardly when he slowly creases his forehead.

"I am talking to you, woman." Nagtatanong lang eh. Ang sungit talaga ng bampira na 'to. Nagmumukha tuloy siyang paniki dahil sa nakabusangot niyang mukha. Natawa ako ngmahina dahil sa naisip. Damn, yeah! He looks like a grumpy piece of bat.

"What's funny?" Mabilis akong umiling tsaka ako ngumiti ng nakakaloko. There's no way I'm spilling what's on my mind now. Baka bugahan niya na ako ng apoy kapag nagkataon.

"So, anong ibig mong sabihin na kinailangan mong gawin?" Pangiiba ko nalang ng topic dahil mukhang wala sa mood makipagbiruan ang paniki na 'to. Ipinagpatuloy niya ulit ang ginagawa niya. He sighs then he starts talking again.

"That night when I bit you. I have to do that to wake you up." Ahh, so he's referring to that night when I got stuck inside of that some sort of a stupid illusion.

"But you don't have to drink my blood though." Ngumiti siya dahilan para mas lalong sumama ang timpla ng mukha ko. Although I'm annoyed, I can't help but to surprise by his sudden chang of expression. Kanina lang ay sobrang seryuso ng mukha niya, ngayon naman ay bigla-bigla nalang siyang ngumingiti na parang ewan.

"Your blood doesn't taste good." I squinted my eyes. Am I supposed to feel relieved or what? Right now, I am more on being offended by his words and I just wanna strangle him to death right now. Geez, this grumpy bat!

Kahit na naiinis parin ako sa ideyang 'yon ay hindi nalang ako sumagot pa. I get his point now. If he doesn't bite me that night, siguro ay hindi nadin ako nakalabas. Pero kahit na ganon nga ay wala akong planong magpasalamat sa kaniya dahil binawasan niya parin ang dugo ko. And his bite leaves a mark on my neck, I doubt whether it can still be removed or not. Napansin ko lang din ito noong nakaraang araw.

Isinandal ko nalang ang ulo ko sa sandalan ng sofang inuupoan namin tsaka ko ipinikit ang mga mata ko. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa mga adventure na hinarap ko kanina. Ikaw ba naman maglakad ng gano'n kahabang tunnel. Nakalimutan ko kasing kaya naman palang mag teleport ng mga bampira na 'to kaya hindi na nila kailangang dumaan pa sa tunnel na 'yon. Ako lang naman itong siraulong babae na nagbalak sumugod sa lungaa ng mga kalaban. Dahil sa mga pinaggagawa ko eh mas lalo lang tuloy sumama ang pakiramdam ko ngayon.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon