xxxi

10.6K 642 165
                                    

ONE STEP CLOSER



"I'm Czarina Vera Smith, Vera for short. Nice to meet you Xy and Demiana!" Nakangiting abot tenga na pagpapakilala ni Vera sa kaniyang sarili. Yumakap pa talaga ito sa dalawa na akala mo e' natutuwa talaga siyang makilala sila.

Napairap ako. This is what I hate the most about this girl. She's good at pretending as if she's a one hell of a sweet angel but the truth is, she's no different from a witch. That's how she plays the game. She's a great deceiver.

"Saan ka pupunta, Hyrreti? Ayaw mo bang kumain kasama namin? We're going to Night Blood City. Nagyaya kasing maggala itong si Demiana." Tanong ni Xy na hindi ko na tinugonan pa. Sa lahat ng mga nangyari ngayong umaga, wala ba akong gana pa para kumain kasama sila.

"Oo nga naman Ms. Salvatore! Ayaw mo bang kumai—

"Go to hell!" Hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya dahil naiirita akong marinig ang boses niya. As expected, she grabs the opportunity to play the role of an inocent victim again. Umakto pa talaga siya na parang nasaktan siya sa pagtrato ko sa kaniya. Napairap nalang ako. I will sure kill that old stupid man dahil sa pagpapadala niya ng nakakairitang babaeng 'to dito. Dumeretso nalang ako sa kwarto ko para matulog ulit.

Nagising lang ako ng maramdaman ko ang marahang pagtama ng malamig na simoy ng hangin sa katawan ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at madilim na silid na naman ang tumambad sa paningin ko. Ilang oras ba akong nakatulog? 

Napatingin ako sa nakabukas na pintuan ng balkonahe nitong kwarto ko ng umihip ulit mula roon ang malamig na simoy ng hangin. Nakalimutan ko na naman palang isara iyon kanina. Napailing nalang ako bago ko napagpasyahang bumangon mula sa pagkakahiga sa kama ko tsaka ako naglakad papunta roon. Déjà vu. Parang ganito din ang nangyari noong unang dating ko sa eskwelahan na 'to e'.

Hihilahin ko na sana pasara ang gawa sa salamin na pintuan nitong balkonahe nang mahagip na naman ng paningin ko ang isa na namang tangkay ng kulay itim na rosas na nakapatong sa railings. Humakbang ako palabas ng pintuan tsaka ko sinuyod ng tingin ang paligid. 

Siya ba ang naglagay nito rito? Binalingan ko ulit iyong tangkay ng kulay itim na rosas tsaka ko iyon inabot! That grumpy vampire, is he the one who put it here? I don't know but a rush of excitement filled my whole system as I roam my gaze around. 

'Miss mo na?' natigilan ako ng mag-echo sa isipan ko ang sinabi ni Veine kahapon. Miss? What the hell? Bakit ko naman ma mi-miss ang hinayupak na 'yon? Napailing nalang ako. Bakit naman kasi ako ma e-excite na makita siya ulit? Normal lang ba 'yon?

"Excited lang akong matapos ang misyon na 'to kaya gano'n." Inilibot ko ulit ang paningin ko. It's been two weeks and a day now since our last encounter. Bakit ba kasi hindi man lang lumalabas sa lungga niya iyong hinayupak na  'yon? Ibinaling ko nalang ulit ang paningin ko sa tangkay ng rosas na hawak ko.

"A black rose again." Ano bang meron sa itim na rosas na 'to? Bakit palagi nalang akong nakakatanggap ng ganitong klase ng rosas? Kumunot ang noo ko. Is this a part of the deadly pattern? 

Kailangan kong makausap ang bampira na iyon tungkol sa bagay na ito. Baka naman kasi gusto niya lang pala na ipunin ko ang mga rosas na 'to para sa nalalapit kong kamatayan, edi makakapaghanda ako kung gano'n nga. 

Pumasok na ako sa kwarto ko dahil nagsisimula naring umihip ang mas malamig na simoy ng hangin. Makapal din ang ulap na lumulukop ngayon sa madilim na kalangitan. Mukhang uulan pa ata. 

Ipinatong ko sa itaas ng lamesa na katabi ng kama ko ang tangkay ng rosas na hawak ko tsaka ako mabilis na naglakad papunta as kabinet nitong kwarto ko. I need to find out what's the mystery behind this black rose. Kung kailangan kong sumugod na naman ulit sa lungga ng bampira na iyon ay gagawin ko para lang malaman ko ang sagot sa lahat ng mga gumugulo sa isipan ko ngayon.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon