xxii

12.2K 675 191
                                    

BLOODY WEEK


"Magandang gabi, ija." Napalingon ako sa matandang babae nang bigla nalang siyang magsalita sa likuran ko.

Mabuti nalang talaga at wala akong sakit sa puso dahil kung hindi e' baka noon pa talaga ako inatake sa puso dahil sa nga nilalang na 'to na bigla-bigla nalang sumusulpot mula sa kung saan.

"Kayo ho pala." As usual eh nakapormal na naman ang pustora niya at kagaya ng dati ay nakangiti na naman siya ng abot tenga saakin, tipong lumiliit talaga ang mga mata niya.

Bumaba ang paningin ko sa dala-dala niyang isang lumang watering kettle. May suot din siyang isang plastic gloves at sa ayos niya ay mukhang kakatapos niya lang mag dilig ng mga halaman.

"Hindi ko alam na may bisita pala si Sebastian ngayong gabi."

Bumaba ang paningin niya sa kamay at damit ko na puno ng dugo dahil sa madugong laro na iyon kanina. Muli niyang ibinalik ang paningin niya sa mukha ko. Bumuntong hininga siya bago siya umiling na parang hindi niya nagustohan ang nakita niyang dugo sa kamay at damit ko.

"Nagsisimula na naman pala ang madugong laro ng eskwelahan na 'to." Saad niya na ikinakunot ng noo ko.

So, she knows that this school has this kind of bloody shit na buhay ng mga estudyante ang nakataya? Naikuyom ko nalang tuloy ulit ang mga kamay ko dahil sa inis ng maalala ko na naman kung ano ang mga nangyari kanina. Kahit saang banda tignan, mga tao ang dihado sa kalokohan na 'to. How come the government still continues its partnership with this kind of evil race?

"Hmm. Do you know something about this?" Imbis na sagotin ako ay tinalikuran niya lamang ako tsaka siya nagsimulang maglakad papunta sa isang medyo may kadilimang hallway.

"Maghintay ka muna riyan at ilalagay ko lang itong mga dala ko sa kusina. Kukuha narin ako ng damit na pwedi mong maisuot." Tumango nalang ako. Ilang sandali lang naman siyang nawala at nang makabalik siya ay may dala na siyang mga damit na hindi ko alam kung saan niya nakuha.

"Sumunod ka saakin, ija. Linisin natin yang mantsa ng mga dugo sa katawan ko." Hindi nalang ako tumugon at sumunod nalang ako sa kaniya.

Tahimik lang kaming naglakad paakyat ng malawak na hagdan nitong mansyon. Mas nagmumukhang mamahalin ang lugarna ito kapag umaga. Noong gabi kasing nagpunta ako rito ay hindi ko masyadong nabigyan ng atensyon ang bawat detalye nitong mansyon.

Huminto kami sa harap ng isang wooden door na medyo may kalakihan. Nang makapasok na kami ay tsaka ko lang napansin na ito din pala ang silid kung saan ako natulog noon. Wala parin namang pinagbago ang silid na ito. Maganda parin at magara.

Sinundan ko lang siya nang maglakad siya papunta sa isang silid na nakakonekta sa kwarto na ito. Maybe it's the bathroom. Napatingin ako sa suot ko. Masyado pala talagang marami ang mga dugong bumahid sa uniporme ko.

Habang nililinisan niya ang mga kamay ko ay hindi ko maiwasang tignan ang may bahid na nang katandaan niyang mukha. Sa tingin ko ay may kamukha siyang tao na hindi ko din matandaan kung sino. The shape of her face and her eyes. Parang pamilyar saakin ang mukha niya pero hindi ko matandaan kung saan ko nga ba nakita ang ganitong klase ng mukha. Sigurado naman akong hindi pa kami nagkita noon. Makakalimutin ako pagdating sa pangalan but trust me, I don't forget faces.

"You're not a vampire, right?"

Hindi ko mapigilan isatinig ang mga naiisip ko. Nilalamon ng kuryusidad ang systema ko. I know she's not a vampire. Kung ganoon nga, bakit siya nandito sa lugar na ito? Paanong ang isang matandang gaya niya ay napunta sa lugar na puno ng mga halimaw? And she's even serving not just as an ordinary vampire but the Alpha of the school. A royal-blooded one. Hindi ba siya nag-aalala na baka bigla nalang siyang atakehin ng masungit na Alpha na 'yon o di naman kaya ng isa sa mga bampira na tumutuloy dito sa Night Blood Village?

NIGHT BLOOD UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon